Happy New Year.

*una sa lahat, pagpasensyahan nyo na po ako dahil sa aking matinding in-activity sa blog kong ito.

salamat sa mga taong dumating.. umalis.. at naiwan..

salamat sa mga dati ko ng kasama.. sa mga taong ngayon lang nakilala..

salamat sa mga nakialam at dumamay.. salamat din sa mga walang pakealam..

salamat sa nagpaumpisa ng labteam dito.. salamat din sa ka-labteam ko kuno..

salamat sa mga naging kaibigan ko dito.. sa mga kinaibigan din ako..

salamat at naging parte ka ng 2009 ko, matagal na o bago pa..

at sana, ganito ulit sa 2010 ha?



..nasaan ka man,

Happy New Year Sa'yo at sa iyong pamilya!

pakiusap.




hello world. kamusta? :D

halos kakauwi ko lang ng mga oras na to mula sa school ~

ang second day ng klase? magulo pa rin gaya ng unang araw.

wasak schedules
kalat ang vacants
terror ang profs.
bago ang classmates.

ewan ko ba at parang di ko feel ang sem na to. or sabihin na nating: HINDI PA

hmm, 5 months ang second sem.. wait and see kung anong mangyayari.

-------

nga pla, may gusto akong ipakiusap senyo:

paki add naman neto sa blogrolls nyo kung maari.

kung bakit? basahin nyo na lang muna :P

eto sha oh: Raine

maraming salamat in advance! :)

Inactivity.




sa mga nagtataka kung bakit wala akong update sa loob ng napakatagal na panahon, ang sagot:

nahumaling na naman si Gello sa Ragnarok. pero hindi nakalimutan na meron syang mine-maintain na bahay.

kaya eto ako, nagbabalik kahit pa semi-semi lang ü

abangan. konting oras pa at babalik na ang mga babasahing inyong kinasasabikan. :)

sa ngayon, matutulog na muna ako. goodnight sa buong mundo ü

Hell Week's OVER! *smiles*

seems walang nakarelate sa last post ko. haha.

anyways, HELL WEEK's finally over! makakapahinga na ako!

pero hindi pa pala gaano dahil di pa narerelease ang mga grades, at shempre, kabado pa rin. :)

may isang linggo pa para sa clearance at para sa mga na-miss ipasa. madali na yun compared dun sa pinagdaanan namin this week. exam dito, project doon. kala ko, wala ng katapusan.

sana lang, wala akong retake. haha! :)

-----

meron nga pala akong tineks sa isa nating kaibigan. kung ano yun, eto:

"*insert name here :P*, nakalunok ka ba ng watusi?

pag nangiti ka kasi, may spark ü



----

wala lang, pakornihan. :P

oh pano, eto na lang muna. dadami pa to kasi magbabakasyon na. :P

Online Game Relationships

We just celebrated Heart’s Day and no, I’m not going to talk about how players celebrate this day in-game. Instead, I’ll talk about relationships that started through an online game.

Generally, online relationships have a small chance of success. And by success I mean being together for a loooooong time.

I’ve come across a handful of people who met through online games and they’re still together.

Friendship, I think, is the best foundation of a relationship. Take for example one of the most recent couples of RF Online — Kahlil Yronhand and Astraea Whisperwind.



They’re comfortable being as dorky and geeky as they want with each other. They have been enjoying each other’s company so much that they fell in love without them realizing. Now that they’re together, they’re sillier than ever!


The next couple is Yiell and Soulrun, who also met through RF Online. They’ve been together now for more than two years and still going strong.



One of the factors that made Soulrun swoon off her feet was when Yiell would sing and play the guitar for her. It was kind of complicated for both of them before they got together because Soulrun was still in a relationship at the time. Good thing everything went smoothly for them. At this point, I think Yiell is looking for the right ring for his girl. Oops! Is that supposed to be a surprise?


As for our last couple, the cliché “the more you hate, the more you love” fits them quite well. Thyalla and Ryunaito were introduced by a common friend in the shop they frequented.




Ryunaito convinced Thyalla to play Ragnarok and helped her level up in the game. Then… they started hating each other. It’s hard to tell how they ended up liking each other from that point on but it happened. They got married late last year.

These are inspirational stories, I agree, but for a relationship to succeed, both parties must put effort into making it work. Again, online relationships have a small chance of success. But I’m not saying that they can’t work. Regardless of how you meet – whether through text, chat or online games — it’s important that you see each other face to face (and NOT through a webcam).

Quoting Kahlil Yronhand: “Online relationships are hard. I think they can be an initiator, a catalyst. They’re incredibly useful and good for maintaining closeness and connection but a purely OL relationship is impossible! There has to be a real-life aspect.”

“It’s always been 2 Cs – communication and compromise,” Thyalla shares. “We always talk about things together, no matter how small. If we feel sad, mad, happy, great about something, we share it to each other. It bridges the gap between us and makes sure we’re both on the same page. Then compromise – because we’re two different people, we won’t always see eye-to-eye. We have to find a middle ground where we can both be happy.”

“We spend time online during the weekdays since we both have work and our schedules don’t jive. But weekends, we’re together IRL. It’s important that you make the most of every moment that you spend with each other, be it online or IRL,” says Soulrun on how they’re keeping their relationship tight.

To sum it all, make online games one of your avenues for communicating or keeping in touch. Don’t make it your sole channel to be “with one another.” I’m pretty sure you’d want a real kiss, a real hug, or heck even a real marriage!




------

haaay. ang saya ng mga ganito. ang cute! :)

minsan na rin akong nakaranas ng ganyan, in Ragnarok.

and unfortunately, hindi ako nakasama sa mga nai-post ni GM Cydie because our relationship didn't last ng matagal. ano ung 7 months compared sa mga nabasa nyo? anyways, masaya naman at naka-experience ako ng ganito.

kayo rin, try playing MMORPG's and other online games, malay nyo, sa mga singles dyan, makilala nyo na kung sino si Mr./Ms. Right >:)

haha! wala lang, walang maipost e, kaya eto na lang. interesting kasi para sakin e. :P

----

last day ng exam bukas then clearance week then bakasyon na. konti na lang! :) sana pasado ako sa lahat ng exams ko. :P


-------

*Credits to GM Cydie of Ragnarok and Level Up! Games Inc. for this post.

Ang nawawalang wallet again. *bow*

Ang aking nawawalang wallet. nakita na. :)

hindi ko akalain na makikita ko ulit ang aking wallet dear! ..at sa isang nakakatuwang insidente pa.

kung ano yun? eto:


matapos ang araw na nawala ang aking wallet dear, naisipan kong pumuntang dorm para magpahinga dahil hapon pa ang klase ko. (kakatapos ko lang sa circuits noon kaya di mo ko makakausap ng matino.)

pagdating ko doon, nadatnan ko ang isang dorm-mate. at tinatanong sa aking kung hindi ko pa rin nakikita ang aking wallet. shempre, sumagot ako na hindi ko pa nakikita. (may utang kasi ako doon haha!)

sinabi naman nya sakin: "hindi mo dito naiwan yun kasi naglinis na kami kahapon. wala kaming nakitang wallet."

matapos nyang sabihin un, lagay na ako na wala na ang aking wallet dear sabay sambit: "ah, linis na pala ang lagay na to? " <-- patawa effect kumbaga.

..lumipas ang ilang minuto ng katahimikan, naisipan kong buksan ang pc sa dorm. at dahil naalala kong sira ang pc, naisipan ko na lang na mag-gitara. ang gitara ay nasa tabi ng pc kaya doon ako nagtungo.

biglang nagning-ning ang aking mga mata ng nakita ko sa ibabaw ng gitara ang aking wallet!

sinabi ko sa kanila na nakita ko na ang wallet ko sabay tanong kung sinong nakapag-tabi nito sa dorm.

ang may ari ng dorm at sumagot: "ah, pare.. wallet pala yan. di ko alam e."

natuwa naman ako na kahit ganun sya ka slow e nagawa niyang itabi ang aking wallet. (at bahagyang nakalimutan si utang.)


----

kaya ngayon, masaya ako at nandito na naman si wallet dear kasama ang mga mahahalagang laman nito. :)

..salamat sa mga nagdasal at humiling na sana e makita ko ito. haha!

..at hindi na ko nagpapasalamat sa mga tumulong at nagdonate sa akin dahil wala naman akong natanggap. :) 
 

Ang Nawawalang Wallet. *bow*




Ang Nawawalang Wallet. hindi ko na nakita.

bwiset. andun pa naman ang pera ko for next week @_@

uber bobo ko naman kasi at saka naisipang i-check e nung umaga na. bakit hindi bago ako magpalit ng pants?!

err!

---

nananawagan po ako sa nakakita ang aking gray na pouch na naglalaman ng aking lisensha at alumni card, makiki-contact na lang po ang number na naka-flash sa inyong screen. *flash ang number. may toll free pa.*

maraming salamat po. :)

at sa kabila po ng inyong mga dasal na sana e makita ko yun, tumatanggap din po ang aming tanggapan ng anumang donasyon :) haha!

*nagagawa pang magpatawa eh*

pero ok lang yan, part of growing up ika nga. :)

oh pano ba yan, goodnight na muna. ingat tayo! :)

Project.




sa mga pumapasok sa college, ngayon ang oras na pinaka-ayaw naten. >:)

dahil eto na ang tinatawag na "HELL WEEK" kung saan nagsama-sama na ang deadlines ng mga projects, assignments, etc. at nalalapit na ang exam week. *lunok ng konting laway*

napakadaming mga projects lalo sa mga nagme-major na. gaya ko, 2 agad project na next week ang deadline na kahit isang linggo ng binigay, wala pa rin kaming nagagawa kundi drawing sa papel. @_@

sana, makatapos kami dito dahil isang linggo na lang at exam week na rin. dito na naghalo-halo. judgement day kumbaga. >:)

dun sa mga engineers na nagttrabaho na dyan *tingin kay Engr. Chen at Engr. Sablay*, paturo naman! :P

----

nga pala, mamayang hapon e magpupunta kami sa bahay ng isang kaklase para magovernight dahil sa lecheng project na yan. sana e magawa namin dahil isasakripisyo ko ang aking oras sa pagbblog dahil doon. sana e di ako tamarin mamaya. @_@


*PS

sa mga Engr. dyan, peram naman ng pambutas ng PCB! haha :P

kanina.




oo, kanina habang pauwi ako..

sakay ako sa jeep.. as usual, nagiintay mapuno..

tik..tak..tik..tak..

ang tagal.. at habang nagiintay ng pasahero, may sumakay na isang mag-ina.

ang bata e nakapa taba at uber cute.

di ko malaman kung matutuwa ako o maiinis sa bata na nakatabi ko dahil nga sa super cuteness nito.

kaso nga lang, parang may ADHD ang bata at napaka likot. akyat ng akyat at kung saan-saan pumapaling. tinatawanan na nga ng mga sakay sa jeep e.

hmm, sana e wala syang ADHD at tiyak, papahirapan nun ang magulang. :)

at kanina rin, nagkaroon ng "BONUS" quiz sa circuits subject ko. akala ko e talagang "BONUS" pero nagaral pa rin ako kahit saglit. tamang kalahating oras.

pagpasok ko sa room, tingin sa board, 2 items lang ang quiz.

oo, 2 items lang na kasumpa sumpa. 2 items in 1 hour. di na siguro masama kung tutuusin.

pero maniwala kayo't sa hinde, andaming walang sagot at andaming di nakatapos. at syempre, isa na ko dun.

malabo man ang pagpasa ko sa quiz na un, sana naman e pumasa ako sa darating na FINALS term.

libre ko kayo pag pasado ako :P

I'm back! :)

 
sa mga nakamiss..
sa mga nagtaka kung bakit ang tagal bumalik..
sa mga dumadaan dito..
at sa mga hindi nakahalata..


andito na po ulit ako matapos ang magiisang-buwang "lipat - bahay hiatus" ika nga ni kaibigang chen.

namiss ko kayong lahat mga katropa.. :)

pero imbes na magsaya tayo sa aking pagbalik, (as if may masaya nga diba?)

ating alalahanin ang ating mga kababayan na hanggang ngayon ay malayo pa rin sa kaligtasan..

sa mga kabayan nating nasawi, nawalan ng tirahan at nawalan ng mga kagamitan..

tayo'y mag-alay ng ilang minutong katahimikan para sa kanila..

*katahimikan*

oh ayan.. nga pala, sa kasagsagan ng nangyaring sakuna kamakailan, hindi naalis sa akin ang mag-alala sa aking mga kaibigang napasama sa sakuna.

isa na dito si *secret* na tineks ko at inalam kung kamusta na sya.

kalunos-lunos ang nangyari sa kanila. kaya sana, maging maayos na ito sa lalong madaling panahon.. :)

*at para sayo, kung nababasa mo to, teks ka lang ulit ha. :)

or i-update mo ang blog mo para malaman ko kung anong nangyari na sayo. :) ingat ka lagi. :) 
 
----

 
pag hindi nag brownout dito bukas, maguupdate ko ng sangkatutak :) goodnight na muna senyo . :)

Silip.




hindi ito ang blogsite ng ating kaibigang si Violet Authoress. wala lang akong maisip na title ng aking blog post ngayon. siguro, dahil matagal akong in-active.

at yun nga, due to a month-long in-activity, (teka, isang buwan na nga ba?) kinalulungkot kong ibalita na mas lalo pa sigurong tatagal yun dahil nagumpisa na ang hiatus ng paglibpat ng bahay. @_@

siguro, mga ilang linggo pa bago ulit ako mapabalik sa sirkulasyon.

nawa'y maintindihan nyo. :) (para na rin magpamiss senyo :p)

oh pano ba yan, pinilit ko lang talaga mag post ngayon dahil nasa gitna ako ng klase ko. ingat nalang tayo! :)

Prangka

Lalake: prangkahin mo nga ako babae ka! dalawang taon na kong nanliligaw sayo! sasagutin mo ba ako o hindi?

Girl: Hindi.

Boy: naman oh, napaka prangka mo naman.

------

prangkahin pala ha! :)

pasensya na kung hindi ako masyadong aktibo ngayon sa pagb-blog dahil sa maraming bagay na aking ginagawa. una, sa iskwela. pangalawa, sa paggawa ng plano ng bahay na ipapagawa namin. pangatlo, ang paghahanda ng gagamitin sa paglipat at pang apat, ang aming pagkikita ni Deth ng MindDeth kung sakali. haha :)

pero teka, nabangit ko ang tungkol sa lipat-bahay.

hindi ako pabor dito dahil ako ay 19 na taon ng nakatira sa bahay kung saan naroon ako ngayon at tinatayp ito. 19 na taon na akong pagalagala sa lugar namin at sa habang panahon na yun ay nakilala na ko ng aking mga kabaranggay / kapitbahay. maari na nga ata akong tumakbong baranggay captain e. :))

hindi ako pabor kasi hindi ko pa alam ang pakiramdam ng lilipat ng bahay. at syempre, sanay ka sa kung saan ka nakatira tapos biglaan na lang magpapalit.

sa susunod na linggo na ang gaganaping lipat bahay. lilipat muna kami sa isa naming lumang bahay habang pinapatayo ang bago. (floor plan ko ang gamit dun. sketch ko. engineering eh ü )

sana, kung ano ang "meron" sakin sa bahay na ito ay magkaroon din ako sa aming lilipatan. :)

balik blog ako bukas pagkatapos ko gawin ang aking report at asayment. pramis. :)

sa ngayon, tutulog na muna ako :) goodnight ~

prendship.




friendship.

ano nga ba ang ibig sabihin ng friendster friendship para sayo?

syempre, tatayo ka at sasagot ka na "pagkakaibigan."

ako naman, sasabihin na tama ka, meron kang plus at maari ka ng maupo.

pero bukod doon, ano nga ba?

dumako tayo sa mundong ginagalawan ng mga dalaga't binata. ang mundo na nababalutan ng pag-ibig.

take note: hindi lang basta pag-ibig. syempre, alam mo na yun. manhid ka pag hindi :)

-----

para sa mga lalake:

alam naman nating mga lalake na sa kras naguumpisa ang lahat. *taas ang kamay ng sang-ayon*

mga kras na di kilala.. mga kung saan mo lang nakita. ang kadalasan, schoolmate. swerte na kung kaklase.

tapos, gagawa na ng paraan.. mga swabe moves ika nga. abangan sa labasan. hingin number. solb. iteteks na lang sa gabi at bobolahin ng walang patid.

para lang wag ng humaba, alam natin kung san ito hahantong. kung swertehin si lalake, alam na. kung hindi naman, magiging emo. hehe :)

nasan dito ang friendship?

hmm, pag tatanungin mo ang mga lalake kung ano na ang meron senyo, pabiro kang sasagot na "friends/magkaibigan lang kami." *pupusta ako, tama to!*

syempre, sa friends friends na yan maguumpisa..

Boys use the word FRIENDSHIP to start LOVE

-------

para naman sa mga babae:

syempre, maswerte kayo, senyo kaming mga lalake nagkakakras. pa cute lang kayo ng pacute. hihi :)

kayo yung inaabangan sa labasan, hinihingan ng number at binobola ng walang patid tineteks hanggang kung anong oras.

kayo ang mga nililigawan.

kayo rin ang nagpapaasa. at senyo nagmumula ang pinakamasakit na maari naming marinig bilang mga manliligaw.

ano yun? *ang di nakakaalam nito, totoy at ineng pa*

Sorry pero hanggang FRIENDS na lang tayo *with matching taray-talikod*

meron pang isa:

pag tinanong naman yung mga babae ng iba nilang friends na "oh, kamusta na kayo? "

hindi pabirong sasagot na "kami? FRIENDS na lang kami ni - insert name - "

..

Girls use the word FRIENDSHIP to end LOVE

------

see? same word but different attitude.

may nakakapag pangiti at merong nakakapag pa-emo.

ikaw, ano sayo ang friendship?

*taas ang kamay pag gustong sumagot. may plus points din*

pagbabago.

all things change..

even friends.

even people.

even enemies.

even families.



-----

tama yan, lahat nagbabago

gaya na lang ng nangyaring isyu dito sa blogosperyo na kinagulantang ng marami tungkol kay arvin at sa buong KaBlogs.

marapat na hindi na natin ungkating muli ang mga di magandang nangyari bagkos, tayo ay maging masaya na sa kabila ng matinding pagbabagong naganap..

ang lahat ay bumalik na sa normal.

para sa mga nagalit sa ating kaibigang si arvin, matuto tayong magpatawad. at para naman sa may sala, matutong humingi ng kaukulang dispensa sa bagay na iyong ginawa.

alam nating lahat, nasa tamang edad na ang karamihan sa atin kung kaya't alam na ang pinagkaiba ng tama at mali.

sana sa susunod ay wala ng maulit na ganitong pangyayari. ang uulit, isip - bata
-----

ipagpatuloy ang magandang pagbabago. :)

ipagpatuloy ang pagsuporta sa tama. :)

ipagpatuloy ang pagsuporta sa KaBlogs. :) <-- walang intensyon na mag promote.


Taya!




dahil pakalat kalat ako sa blogosperyo, naisipan ata akong i-tag ni Superjaid tungkol dito sa 1 word something na to. oh, eto na ang mga sagot ko:


1. Where is your cell phone? tabi

2. Your hair? bad

3. Your mother? berday

4. Your father? abroad

5. Your favorite food? pasta

6. Your dream last night? forgot late

7. Your favorite drink? pepsi

8. Your dream/goal? engineer

9. What room you are in? living

10. Your hobby? band

11. Your fear? alone

12. Where do you want to be in 6 years? Intel

13. Where were you last night? pc

14. Something that you aren’t? snob

15. Muffins? no

16. Wish list item? SLR

17. Where did you grow up? Lipa

18. Last thing you did? blog

19. What are you wearing? jersey

20. Your TV? Sony

21. Your pet? Aeon

22. Friends? sure

23. Your life? suicidal. lol

24. Your mood? --

25. Missing someone? yea

26. Car? Honda SiR

27. Something you’re not wearing? ring

28. Your favorite store? computer

29. Your favorite color? green / pink

30. When was the last time you laughed? a while ago
31. Last time you cried? ha?

32. Who will resend this? Tsennn of YellowShoeLace

33. One place that you go to over and over? Shop

34. One person who emails you regularly? sitemeter / facebook

35. Your favorite place to eat? McDo


-----

ayan na, aasahan ko ang reply ni tsenn ukol dito.

ang panget nga eh, dapat e hindi lang 1 word. andaming pwedeng i-discuss eh . hehe :)

anyway, sagutan mo yan ha? :)

Gello kun` as Giorgio Armani eyewear model :))




BABALA: Ang mga larawang inyong makikita ay pawang nilathala lamang para magbigay kasiyahan. HINDI para manakot. :)


-----

eto na ang sinasabi kong mga pictures noon linggo dun sa pinuntahan kong pyesta. :)

marahil matatanong nyo sakin kung ako ay "DIRECTORY" pagkatapos nyong makita ang aking picture..

bakit..?





kasi ang kapal ko :)) anyways, eto na :

model ng Giorgio Armani Eyewear



------

Model ulit with paningit :))



--------

colored naman:



--------

o tama na ang model model na yan at nasusuka na ko :)

eto naman ang sinasabi kong lawa. although hindi mukhang lawa dahil di ako marunong kumuha ng picture sa cp.





ayan.. ok na kaya yan para sa post ngayong araw?

hmm. meron pa nga pala, ang award galing sa aking mga kaibigan mula dito sa mundo ng blogosperyo.

ang award galing sa isa sa mga una kong kaibigan ko dito, si Choknat ng Highway 22:



salamat kaibigang choknat :)

----

isa pa, galing naman sa bagong kaibigan na si superjaid:



salamat dito SJ :)

ang ang huli, isang award mula sa grupo ng KABLOGS. hindi ko inaasahan ang award na ito. maraming salamat po sa inyo!




------

:)

roasted tropical legumes..




ang roasted tropical legumes ang sinasabing isa sa pinaka masarap na pulutan sa tuwing nagiinuman.

pag meron nito, solb na ang inuman kahit sa kanto. una, dahil affordable at isa pa, dahil sa lasa.

teka, alam nyo bang ang roasted tropical legumes na ito eh tinatawag nating MANI? (peanuts)

pero hindi yan ang ating papagusapan. pero dahil nabanggit ng inuman, isasali ko na dahil galing ako sa inuman kanina. syempre, pyestahan eh. :)

so yun, pag punta namin eh unahan agad na makakuha ng plato para makakain agad. kahit gutom na gutom na dahil sa kalahating oras na byahe, behave pa rin kaming kumain.

tapos ng kainan, nagpunta kami sa katabing lawa ng kanilang bayan. -- ang mga litrato ay sa sunod na post dahil sira ang aking bluetooth device --

picture-an, basaan ng tubig at kulitan sa tabing lawa. ayos. masaya. represhing ika nga. maiba naman.

tapos nito, nakalantak ng ulan. silong kami sa katabing basketball court para magpatila ng ulan na di naman nagtagal.

pagbalik namin sa bahay, nakahanda na ang isang case na malamig na beer. parang galit samin dahil talagang bukas lahat. nakita ko sa mga mata ng ama ng aking ka-klase na "walang uuwi ng hindi lasing"

kaya gaya ng inaasahan, tumba ang isang case na nadagdagan pa ng isa, tumba din ang tropa.

matapos ang ilang oras pa eh nagkayayaan ng umuwi.. nasambit ko na lang sa aking isipan na "sa wakas.."

-----

matapos ang kalahating oras na byahe, natanaw na namin ang kabihasnan.. sabay ang ngiti sa aking mga labi. at ang pangambang..




baka mahuli ako na naglasing. tiyak, ako naman ang pagppyestahan ng aking ina. hehe

pero sa awa ni bro, nakauwi ako ng hulas. kaya ok na ok. parang walang nangyari.

pero ang isang tanong na nananatili sa isipan ko ay kung bakit..



wala kaming pulutang mani kanina. hmm, bakit nga kaya?



-----

ang mga litrato ay sa sunod na post na lang. makikita nyo rin dun si Gello as model ng GIORGIO ARMANI. hehe :)

parang ganito:





tentenen-tenen!




matapos ang aking isang linggong pagtatago pagkawala dahil nagbasa nagaral para sa exam, andito na muli ang inyong abang lingkod. :)

regular simulcast and program will resume tomorrow.

nagiisip pa kasi ng mga ipopost ko.. mga bagay na nakaligtaan ko at mga bagay na nangyari noong nagdaang mga araw.

muli sa lahat ng nagaabang sa aking pahina, salamat sa walang sawang pagsubaybay. :)



-------

dapat kanina ang resume kaya lang bumili ako ng sapatos at ianbot ako ng kung anong oras dahil ang hirap maghanap ng design na kagaya ng ky jun pyo LOL! :)

ang aking mga nakita..

sa aking pag gagala sa malawak na mundo ng internet..

nakita ko ang isang nakaraang litrato ng isang seminar / training na inatendan ko kung inyong natatandaan. (yung nawala ako ng tatlong araw.)

gusto nyong makita? eto oh:



ang ritwal activity na ito ay ginanap noong pangalawang gabi ng training. alas onse na kung di ako nagkakamali.

ang galing diba? buhay na buhay ang Animo Spirit kahit sa ganitong oras.

Animo La Salle ~!

-------

matapos makita ang litratong ito, napadaan ako sa aking facobook.

pumatol sa mga nagkalat na quizzes na nakahila sa aking atensyon..

ang unang quiz ay tungkol sa aking "eks" at ang sagot:



haha. akalain mo, ganyang ang resulta. tinawanan ko lang eh. haha!

matapos ang quiz na yan, naghanap pa ako ng isa..

hmm, eto ata ung patungkol sa first letter ng best friend mo.

ang resulta? eto:



grabe, napaisip ako kung sinong "F" to.

F... F... F...

sana, ung F na to e si Feighryl. <-- isang kaibigan. :)

matapos ang peysbuk, patuloy akong naggala sa internet.

nakita ko to:



hmm, gawin ko kaya sa tunay na buhay to? baka i-report ako at ma trace ang aking number. hehe :)

eto pang isa kong nakita:



haha. kaya para sayo, RAWR~! hihi.

nakita ko rin ang picture ng isa ko pang kras (pero mas kras ko pa rin si ano.. ü )

ang kras ko, si Kim So Eun ng BOF hihi.



ayos ba? hihi.

at ang huling larawan na nakita ko, ang dating pakana ng aking mga kaibigan sa pageedit ng litraro.

eto oh:



hihi. tol, pasok ka :)

-------


hmm, midterm exam na itong week na ito. kaya aabsent muna ako ng mga ilang araw para magaral magbasa basa. goodluck na lang sakin. ingat kayo :)

minsan..




minsang naglalakad ako..





..magisa.





lumingon ako sa kaliwa..



..wala akong nakita..





lumingon ako sa kanan...


wala rin akong nakita....








kaya ayun..






..tumawid na ako.

buti walang traffic aid. :)


------

tear here..



I wonder every time I fall in love, heartbreaks come..

it makes me ask myself

is there something printed in my heart that reads..

Tear Here?


-------

yeah, i know.. expecting is a way of hurting myself.

but what if i'm given reasons to expect?


.. yeah, expecting doesn't hurt me..

assuming does. :(

-------

madamdaming post. nabuhay na naman ang emo side ne Gello :)

Ulan.




oo, di nga lang ulan e. bagyo na. ewan ko ba parang binabagyo na kami dito sa Lipa, Batangas.

kanina lang e ang ganda ng panahon pagka uwi ko, tapos ngayon naman, siguro mga 10 minutes bago ko mapost to, biglang lakas ng hangin at patak ng ulan. may kasabay pang kulog..

well, lalo na naman magiging choppy ang net connection ko. lalamig kaya tatamarin ako magaral.. tsktsk..

may quiz ako bukas kaya sana makapasa ako.. :)

-----

pa add ng new ym ko, di ko na kasi gagamitin ung luma ko..

eto ang bago ko:

gellokun

salamat ~ !

matapos ang kakornihan..




matapos ang kakornihan, nagbabalik na naman si Gello na halos wala ng maikwento sa inyo matapos pamahayan ng kakornihan ang aking utak.

hm, ano na nga ba ang aking ikkwento?

wala lang. malapit na ang aming Midterm Examinations. at syempre, gaya ng iba, kinakabahan. wala lalong maintindihan kasi andaming computations. parang kumakain ng tao ang mga equations.

itong linggong nagdaan para sa akin ay hindi masyadong maganda. kung bakit? eto ang dahilan:

- didn't understand anything about mesh circuits and diode equivalent.
- can't change YM avatar.
- developing crab mentality
- having bad hair days.
- coming to class 10-15 mins. late.

--------

err. sana naman eh ok na tong linggong darating. neks week na ang exam at kelangan ko na magaral magbasa basa ng aking mga lessons. :)

subukan kong mag post sa exam week. yun e pag kaya ko pa :)

-------

isa pa rin siguro kaya wala na kong maipost ay dahil wala naman gasinong nagbabasa ng aking blog. ewan ko ba kung kulang sa advertisement o talagang puro nonsense at kakornihan ang pinaglalalagay ko dito.

salamat na lang sa mga nakakaintindi at patuloy na nagbabasa. :)

Cheesy Line #14




bakit wala na kong mai-post na matino? puro kakornihan? haha!

nahawa na ko ke korniko ~

anyway, eto ang kakornihan for the day:

------

Cheesy Line 14:

------

boy: ui, look oh, may shooting star! wish ka dali!

girl: di na ko naniniwala sa mga ganyan.

boy: bakit naman?

girl: di kasi natupad ang wish ko na sana may magmahal sakin..

boy: naku, wag ka na nga maniwala sa mga yun.. alam mo kung bakit?

girl: oh bakit naman?

boy: kasi, mahal na kita bago ka pa magwish sa mga shooting stars na yan :)

------

ang haba naman neto. korni dialogue na dapat e :))

Cheesy Line #11 / 12 / 13.




hindi na talaga mapigilan. ka-kornihan na naman ang pumasok sa isip ko kaya nagpost pa ko ng isa kahit meron pang di nakakabasa ng aking last post tungkol sa Pens of Hope. wag nyo kalimutan basahin yun ha?

anyway, eto na si cheesy line(s). improving at dumadami na..

--------

Cheesy Line #11:

-------

nakasabay si boy at ang crush nyang girl sa isang elevator na silang dalawa lang.

Girl: nakakainis naman. ang BAGALl.
Boy: (sumagot habang pinagpapawisan) oo nga. ang bagal ng elevator no?
Girl: hindi. ikaw! ang bagal mo kasing dumiskarte.


-------

Cheesy Line #12:

-------

boy: miss, alam mo, kamukha mo ung pangatlo kong GF.

girl: ows? talaga? bakit naka ilan ka na ba?

boy: dalawa. :)

-------

Cheesy Line #13:

------

sa isang class reunion 20 years after.

girl: ngayong sexy at maganda na ko, maiinlab ka na ba sakin?

boy: nagpapatawa ka ba?

girl: kakainis ka talaga! ginawa ko na nga lahat to tapos tatawanan mo lang ako!

boy: eh paano, noon pa naman kitang mahal, may pa ganyan-ganyan ka pa. :)

------

nasobrahan na sa kakornihan kaya dumami . . sa ibang araw naman.. baka maubusan e :))

goodnight people ~

wag kalimutang basahin ang pens of hope ha? :)

..The Pen is mightier than the Sword.



The Pen is mightier than the Sword.

- Dr. Jose Rizal


-------

Ang panulat ang itinuturing na sandata ng mga manunulat noong panahon ng himagsikan. Hindi natitinag ang mga dakila nating mga bayaning manunulat sa mga sandata ng kaaway dahil alam nilang mas makapangyarihan ang kanilang mga gawa laban dito.

Sa paglipas ng panahon, ginagamit pa rin ang panulat ngunit hindi na para gawing sandata ngunit para ipahayag ang nilalaman ng isipan gaya ng paglalathala.

Ngunit teka, hindi natin paguusapan ang history ng panulat partikular na ang LAPIS. nakakatamad kaya. :)

ang gusto ko lang ibahagi sa inyo ay ang kampanyang ginawa ng isa nating kasamahan sa mundo ng blogosperyo. siya si Miss N.

siya ang nagpaumpisa ng kanpanyang Pens of Hope

ito ang kampanya ng pagbibigay ng mga libreng lapis sa mga magaaral na kapus palad sa iba't ibang bahagi ng Pilipinas.

kung inyong iisipin ay napakaganda ng kampanyang kanyang ginawa dahil lubos itong makakatulong sa mga magaaral na naghihirap na sa pagaaral, naghihirap pa sa mga kagamitan kaya malaking tulong ang ginagawa niyang pagbibigay ng mga lapis.

sana, ma-motivate ang ilan sa ating para tumulong. gusto ko rin sana kaya gagawan ng paraan sa lalong madaling panahon para matulungan na ang mga batang kapus palad dito sa Lipa, Batangas.

bisitahin po ninyo ang site ni Miss N ng makita nyo ang "ngiti ng pag-asa" ng mga bata. At sana, hindi magtagal ay ang mga bata naman sa inyong lugar ng makita nating naka ngiti. :)

Miss N, nawa'y pagpalain ka sa kabutihang-loob mong ito. :)

-----

sa mga interesado sa kampanyang ito, punta lang kayo sa site ni Miss N. o mag email sa kanya sa nortehanon@gmail.com

suportahan ang

Photobucket



-----

muli, maraming salamat sa mga susuporta.

at Miss N, mabuhay ka. :)

Handog ng Pilipino sa Mundo.




------

Di na 'ko papayag mawala ka muli.
'Di na 'ko papayag na muli mabawi,
Ating kalayaan kay tagal natin mithi.
'Di na papayagang mabawi muli.

Magkakapit-bisig libo-libong tao.
Kay sarap palang maging Pilipino.
Sama-sama iisa ang adhikain.
Kelan man 'di na paalipin.

Ref:
Handog ng Pilipino sa mundo,
Mapayapang paraang pagbabago.
Katotohanan, kalayaan, katarungan
Ay kayang makamit na walang dahas.
Basta't magkaisa tayong lahat.
(Mag sama-sama tayo, ikaw at ako)

Masdan ang nagaganap sa aming bayan.
Nagkasama ng mahirap at mayaman.
Kapit-bisig madre, pari, at sundalo.
Naging Langit itong bahagi ng mundo.

Huwag muling payagang umiral ang dilim.
Tinig ng bawat tao'y bigyan ng pansin.
Magkakapatid lahat sa Panginoon.
Ito'y lagi nating tatandaan.
(Repeat refrain two times)


-------

Mananatili ang demokrasya sa puso ng bawat Pilipino..

Maraming Salamat po sa inyo, Madam Cory Aquino. :)

Cheesy Line #10




matapos ang saglit na pagkawala, eto na naman tayo.. babanat na naman ng kakornihan.

-------

girl: ui, sinong mas pipiliin mo, ung mahal mo na hindi ka mahal o ung hindi mo mahal pero mahal ka?

boy: pipiliin ko? IKAW. :)


------

short but korni :)

Maria Corazon Cojuangco Aquino: (January 25, 1933 – August 1, 2009)




Maria Corazon "Cory" Cojuangco Aquino (January 25, 1933 – August 1, 2009) was a President of the Philippines and a world-renowned advocate of democracy, peace, women's empowerment, and religious piety. She served as the 11th president of the Philippines from 1986 to 1992. She was the first female president of the Philippines and was Asia's first female president.

A self-proclaimed "plain housewife",Aquino was married to Senator Benigno Aquino, Jr. (1932–1983), a leading figure in the political opposition against the autocratic rule of President Ferdinand Marcos. After her husband was assassinated upon his return from exile in the United States on August 21, 1983, Aquino, who had no prior political experience, became a focal point and unifying force of the opposition against Marcos. She was drafted to run against Marcos in the 1986 snap presidential elections. After Marcos was proclaimed the winner despite widespread reports of electoral fraud, Aquino was installed as President by the peaceful 1986 People Power Revolution.

*source: Wikipedia.
-------


ang pinagpipitagan ng Pilipinas na kauna-unahang babaeng pangulo ay pumanaw na sa edad na 76. ngunit alam na mananatili sa bawat puso ng mga pilipino ang presensya niya.

Madam Cory, Rest in Peace.

Cheesy Line #8 / #9




bago ang cheesy line, wala lang. gusto ko lang kayong kamustahin.

para kasing wala pa rin ako sa blogosperyo dahil sa sobrang busy ko..

sana, makabawi ako sa inyo. salamat nalang muna sa pagbasa sa aking mga posts kahit sapilitan.

eto na ang cheesy line(s):

-------


Boy:babe, what was the best part of your life?

Girl: when i turned 18. how bout you babe?

Boy: the day when "you" and "me" became "we". ü

------

boy: sabi ko sayo, gusto ko siya.. sabi ko sayo mahal ko siya.. sabi ko sayo miss ko siya..

girl: ok lang yan.

boy:pero may hindi pa ako nasasabi sayo..

girl: ano yun?

boy: na "siya" at "ikaw" ay iisa. ü

-------

suuuuper korni. :) bagay na talaga kami ni korniko. lol :)

Logic Gates.




mahal ko na talaga ang Logic Circuits and Switching Theory na subject. :)

30 mins. late na nga ako, di ako minarkahan na absent o late ng aking teacher. wee

tapos, nagpatambay tambay pa sa loob ng room kasi di pa sya naguumpisa ng klase. laboratory kami. ayos.

tumayo si sir, nagsulat sa board ng kung anong tungkol sa switching chuva. ayun, i-implement daw.

habang nagawa ng table at diagram ang aking mga kaklase, kumuha naman ako ng gagamitin naming IC, bread board at tester kit.

tigi-tigisang 7408, 7404 at 7432 na IC, tester kit, wires.. ayos na. sabay upo sa grupo.

2 problems ang i-iimplement. nag presinta na akong mag connect ng wirings na talaga namang gawain ko.

ayun, konting solve solve ng diagram, konting konek-konek ng wires.. yari ang problem 1.

pinacheck kay sir, komplikado daw. ulitin sa mas madaling paraan. buti nagawan ko ng paraan at una pa rin nakapag pacheck. 96 ako, 95 sina ka grupo ko. ayos ang problem 1.

dumako sa problem 2, konek-konek..tapos na naman. una na naman ako. 96 ulit at 95 sina ka grupo.

marami-rami na akong naipon ngayong midterms. sure pass na ata ako dito. nadadalian pa ko.. sana ganito na lang lagi. :))

buti na lang at hindi kami pinapapasok sa logic gates para pumasa. :))


anyways, mawawalan ba naman ako ng cheesy entry para sa araw na to? (oo, cheesy na naman. haha!)

eto na oh.. lam ko naman na ito lang ang inaabangan nyo.. (haha!)

-----

Cheesy Line #8

gusto mo bang maka-kiss?

ganito lang ang sabihin mo oh..


"uy, look oh. dry na lips mo..

gusto mo basain natin? :) "



-----

very well said ~! haha!

well, eto lang muna. ang rekwes ni engr. Chen na picture ng corpo attire, sa isang araw pa. :))

magandang gabi sa lahat ~ (philippine time)

natikman din kita!




sa wakas... natikman ko rin ang hinahangad kong pahinga.

gabi na akong umuwi kanina lang. 7pm. naisip kong wala akong ibang subject bukas kundi logic ciruits and switching theory. 3 hours, laboratory pa. walang hassle na gagawin. salamat. makakamit ko rin ang inaasam akong pahinga. ang mag blog. :)

well, ngayon ang last wednesday ng buwan. requirement sa school na every last wednesday ng buwan e mag corporate attire.

ang suot ko, pink long sleeves + dark blue necktie + glasses (optional) = ok na ok! mukhang instructor.

ang ayoko lang, hassle ang maglagay ng necktie habang nasa daan dahil sa mid-gate ay hindi nagpapapasok ng walang ID at necktie. ayoko kasing mag necktie sa labas ng campus. masyadong pormal.

pero di naman ako nasira ng discipline marshalls. mas kinatakutan ko pang masita ako dahil sa haircut. ang haba na ng hair ko..

------

(accent ni fanny serrano) - ang tigas, hindi straight.. daig pa ang nagtatalon!

anyways, ayos naman ngayong araw na to kahit sobrang init ng suot namin. nakakatuwa ang dress up day lalo pag maraming chicks at nakakayamot naman sa sobrang banas. :)

so ngayon, pa easy-easy lang ako para bukas. nakapag blog pa nga ako oh.. pero di muna ako makapagtatalon sa inyong mga tambayan dahil marami-rami na kayo. (yes, dumami na..) siguro sa sunod ko na lang na free time. matutulog na rin kasi ako maya-maya eh..

at syempre, di matatapos ang post na ito kung walang bahid ng kakornihan..

eto oh..

-------

Cheesy Line #7

-----

baby, alam mo.. marami ng nangyari sa buhay ko. may masaya, may malungkot, may mahirap..

pero sa bawat pangyayaring 'yon ay wala akong pinagsisihan dahil lagi akong may natutunan..

lalo na nung natutunan kitang mahalin.


-----

oha oha.. ang kurni mo! :)

-----

gooooodnaaayt ~ :) amishu all :)

hindi ako manhid!




hindi ako manhid.. ramdam ko!

ramdam kong 3rd year na talaga ako sa hirap ng mga subjects ko at ng mga requirements!

weekly na ang write-ups. every other day ang quiz at ang pre-lab reports. wala ng oras sa pahinga. sa blog.

buti kamo, nakakapag update pa ko. nakakasingit pa rin ako ng oras para makihalubilo sa aking mga kaibigan sa blogosperyo. :)

bukas, may quiz sa circuits.. sana makapasa ako. libre ko kayo ng kahit ano pag pasa ako. :)

sa dami ng mga ginagawa, di na ko nakakapag masid sa mga bagay para mai-blog ko.

di ko tuloy magamit ang tagline sa isang commercial: "ib-blog ko yan!"


siguro, sa isang araw, pag medyo nakaluwag na ko saka ako mag popost ng sari-saring bagay. oo, korni na naman ang iba. un lang naman ang gusto nyo eh. hehe :)

at gaya ng sabi ko, di muna korni ang post ngayon..

pero di ko mapigilan.. kaya eto na naman ang isang cheesy line.

-------

Cheesy Line #6

-------

Girl: uy, gusto kong ibigay sayo 'tong cake na to. masarap yan kasi gawa ng nanay ko.

Boy: ayoko ng cake na yan. gusto ko eh ikaw. gawa ka rin naman ng nanay mo diba? :)

------

hehe. talagang sa kakornihan namamayagpag :))

Cheesy Line #5




hala, cheesy na naman to. unti unti na talaga kong nagiging korni..

mga engineering students at engineers, makakarelate kayo dito.

eto na:

-------

mga banat ng isang trying - hard manliligaw na Engineering sa isang BSIT.

Miss, alam mo ba na para tayong:

Asymptote - we get closer and closer but we can't be together.

Parallel lines - we never meet each other.

at ang pinakamasakit,

Tangent line - we meet for a very short time, but parted forever.



-------

nakakalungkot naman to.. pero cheesy paren soguro. :)

ibahin naman natin. ayoko na maging korni for the meantime. hehe :)

morning naaa~

Cheesy Line #4




hala, wala na kong ibang mai-post kundi mga kakornihan sa buhay. haha :)

anyways, eto ang isa pa..

-------

*mobile phone beeped*

*read SMS*

babe, has this happened to you?

..you we're so stressed, then you suddenly felt fine just because..



.. i texted? ü


-------

sandamakmak na kakornihan na naman ang laman ng isip ko :)

salamat sa mga nagbabasa at nagiiwan ng komento. :)

-------

magandang umaga naaa~

Cheesy Line #3



matapos ang madugong paper works sa electronics at circuits, nagawa ko pang magpost ng cheesy line sa oras na to. (1:42am)

eto sya oh, para kay HNS na naman to at sa mga Engineers.

-------

boy: miss, alam mo bang maraming klase ng mga view?

girl: ha?

boy: diba, may side view, front view, top view..

girl: oh tapos?

boy: pero alam mo ba kung ano ang best view?

girl: hindi eh, ano ba yun?

boy: i love view

--------

yown! kurne na naman . haha!

pero maliban sa kakornihan, gusto ko sanang iparating sa inyo ang nangyari sa ating kaibigang si SaulKrisna ng "why me?"

siya po ay kasalukuyang nasa ospital at nagpapagaling dahil sa ilang karamdaman. humihingi po siya ng tulong sa pamamagitan ng inyong mga dasal. tulungan po natin ang isa nating kaibigang nangangailangan.

maraming salamat po. at muli, ang kurni ko. :)

kaya bagay kami ni korniko hihi :)

-------

mooorning senyo ~!

Cheesy Line #2

due to public demand at dahil na rin kay Hari ng Sablay, eto ang isa pang cheesy line.

(siguro, naghahanap si HNS ng mga pambanat sa chix. haha!)

eto pa ang isa oh:

--------

"babe, because of love, i learned to sacrifice..
because of love, i learned to be satisfied..
because of love, i learned to trust..
but don't you know it's because of you,
i learned to love."


------

cheesy? :) ok na to para sa aking ika 141 na post. :)

Cheesy Line #1

hmm, napaisip ako. what if cheesy lines naman kaya ang ipost ko? haha :)

well, eto ang isang example. pag may demand, dadamihan ko ang posts. pag hindi naman at nagmumukha na kong korni, ayoko na haha :)

eto sya oh.

-------

"babe, open your palm and catch the raindrops and it will reflect how much you love me..

..and everything that had fallen on the ground reflects how much i love you."


------

cheesy.. :) antok na ko grabe. bakit ang aga kong antukin? walang pasok bukas pero marami akong gagawin.. syempre, kasama na dun ang blogging kaya abangan ang isang post bukas. :)

-----

more cheesy lines pag may public demand. lol :) goodnight ~

class after class.

kakatapos lang ng CISCO class.

nagka quiz, 6 lang ang pasa. haha! ayos na ayos! re-take na naman to neks week.

mas maraming kwento mamaya pagkatapos ng klase. :) ingat.

-----

Circuits naman ang sunod. kakasira na naman ng ulo 'to! :)

Part 2 ng Shell Active Chess.


continuation ng part 1..

ayun, dumating kami sa SM Batangas. kakaiba na naman ang init.

muling inintay ang pagbubukas ng nasabing mall. tik..tak.. ang tagal.

nabuhay ang ilaw at aircon, at tumugtog na ang national anthem..

at ang hudyat, ang pag tugtog ng "we're in the magical world of SM supermalls..."

ayun, nag lakad papuntang event center sabay tingin sa pairings.

tulad ng inaasahan, bumaba na naman ang board number ko.

--------

Round 5 - Board 53: black.

-------

nagsalita na ang chief arbiter. start your time na daw.

naglalaro na ang iba, naka tangla ako. walang kalaban. running time.

nanonood ako sa laro ng iba.. nang tinamad, tumayo at nanood sa ibang laro at nakipag kwentuhan sa arbiter..feeling arbiter din.

makaraan ng ilang minuto pa, dumating ang kalaban ko. late ng 10 mins. sa chess clock nya.

nagumpisa ang laro. kampante ako sa mahaba pang oras.

ilang sandali pa, siya ang naging kampante dahil nauna pa ang oras kong maubos kakaisip.

pero sa kabutihang palad, nanalo ang inyong lingkod.

3 - 2

-------

lumabas akong hindi "fastest kill " pero masaya dahil nanalo ako. konting oras pa at tapos na ang palaro.

di nagtagal, round 6 na. tumaas ang board ko.

-------

Round 6 - Board 37: white.

-------

dumating ako sa board ko na kampante. bawasan ang pressure sa sarili. dumating ang kalaban kong mas kampante pa sakin. nalaman kong isa syang delegate ng MIMAROPA. provincial player siya ng Calapan, Mindoro. dumayo sa maynila. natakot ako. nag umpisa ang laro.

natakot ako sa tigas ng kanyang mga moves. tempo gaining lahat at may force mate sa pyesa ko. na-manage ko pa rin na makabawi kahit konti at maiwasan ang force mate.

middle game. kabado ako. pag tingin ko sa clock, 10 mins pa sya, 3 mins ako.

HOLY COW. mag fflag-down ako! matatalo ako sa oras. kelangan bilisan. wag mag panic at wag ma pressure sa oras!

nag umpisa na akong maglaro ng nakatayo. sa bilis kong tumira para makatipid ng oras, nagliliparan ang mga pyesa. haha

ang kaninang losing disadvantage ko ay nabaliktad. naging super winning advantage naman ngayon.

nakapanalo pa nga ako. at tama ang sabi ni Bob Ong, wag maliitin ang kakayahang chumamba. pero malakas ang pakiramdam kong hindi chamba un. :)

tumayo kami ng kalaban ko, nag pirmahan ng score sheet, Salazar - 1, De Asis - 0. panalo ako. nagkamayan bago umalis.

naglakad ako patungo sa chief arbiter. nanginginig.

4 - 2

--------

ayan na, last round na. nagpunta ako sa pairings, tumaas na naman.

-------

Round 7 - Board 24: black.

-------

ayan na, last round na. mas nadagdagan ang kaba sa dibdib ko.

dumating ang kalaban ko, naka jacket na orange. pag basa ko, "Calapan"

jusko naman, taga Calapan, Mindoro na naman. ibabawi ata ang ka team. mas kinabahan ako, malakas to panigurado.

nagumpisa ang laro, opening, ayos. middle game, ayos rin ngunit nagka blunder ako. nawalan ako ng tempo. at malaki ang pag-asang matalo.

pag dating ng end game, tig-isang opisyal, tig anim na pawn.

sa mga nauna pa naming analysis, tabla ang maaring mangyari sa laro namin.

at gaya ng inaasahan, tumabla nga. wala ng magagawa kundi itabla ko, baka matalo pa, maliit ang posibilidad na manalo at matalo ako, talagang tablahan lang. kaya pumayag na ko.

natapos. may galit ako sa sarili ko dahil tabla lang.

--------

4.5 - 2.5

------

sayang, hindi ko na meet ang aking itinakdang score na hinahabol. 5 - 2 sana eh. sayang kasi last year ko na shell tournament, over age na kasi ako. pero sana, madaya ko ang aking birth certificate ng isang taon pa. gusto kong bawian ang mga tumalo sakin noon at ngayon. at para makita ko ulit sina Dominique Layugan, Akiko Suede at Abigael Beraña. ang mga chiks na nakita ko hehe :)

------

well, ayun. yun ang nangyari sa aking sinalihang chess tournament. nag improve naman ako sa final ranking. dati, ranked number 148 ako out of 202 players. ngayon, 37 na out of 194 players. yes. anlaki ng improvement. :)

----

sana, makalaro ulit ako. ang saya kasi e. kayo rin, laro kayo.. laro tayo! :)
gagamitin ko ang slogan ng Shell Active Chess ngayon:

"Halina't maglaro kasama ang inyong Chess Barkada!" :)

Part 1 ng Shell Active Chess.


pagkadating namin sa SM Batangas, kakaibang ihip ng hangin ang kaagad dumampi sakin.

nakaramdam ng kaba at pangamba.

inintay ang pagbubukas ng nasabing mall. isang oras. dalawang oras. nainip na kakahintay.

sa wakas, nagbukas rin ang pinto. deretso sa CR. tapos sa Event Center.

nagkaroon ng ilang paalala. ilan pang paalala. at maraming paalala.

at ang pinakagusto ko, ibinigay na ang Tshirt na libre. di nagtagal, nagtanghalian na.

binigay na rin ang libreng McDo. :)

ilang sandali pa, naipost na ang first pairings. hinanap ko ang pangalan ko.

-------

Salazar, Gello: Board 84 - white.

nagumpisa na ang round 1. ilang minuto pa, tumayo na ako. kampante sa nangyari sa akin.

5 minutes, tapos ang laban ko. binansagan agad akong "fastest kill" ng mga ka team ko.

1 - 0

di nagtagal, nilabas ang pairing ng round 2.

-------

Salazar, Gello: Board 39 - black.

nagumpisa ang round 2. kampante ang kalaban kong makain ang isa kong pyesa ng walang bawi. kinabahan ako.

sa kabutihang palad, queenless ko sya. gumana ang aking pakana. pitong minuto, tapos ang laban ko.

at muli, fastest kill na naman ako sabi nila.

2 - 0

-------

namahinga lamang ng konti, nilabas ang pairing ng round 3.

------

Salazar, Gello: Board 15 - white.

------

nagumpisa ang round 3. kakaibang hangin ang muling dumampi sa akin. kasunod ang unti unting pag ubos ng kalaban ko sa aking mga pyesa. at matapos ang 15 minuto, tapos ang laro.

ang standing: 2 - 1

tinalo ako ng isang dayo mula sa marikina. isang player ng NCAA sabi ng isang nakatatandang ka team.

nasabi niyang may kahulugan ang aking pagkatalo dahil mas maraming experience ang nakalaban ko kesa sa akin. aminado ako ang aking pagkatalo.

pairing ng round 4, hindi na ako naging masyadong interesado. bumaba ang board ko.

-------

Salazar, Gello: Board 38 - black.

-------

umpisa ng round 4. ang aking kalaban, isang babaeng kabatian. noon ko lang nalamang 14 anyos lang sya. di nagtagal, naglaro kami na parang di magkakilala. ilang sandali pa, mali ang tira. alam na ang sunod na pangyayari.

standing: 2 - 2.

--------

meron pang 3 rounds bukas. kelangan kong ayusin ang aking natitirang laro. sana, makapanalo pa ako ng 3 bukas. pagdasal nyo na lang ako. :)

ang part 2 nito, bukas. :)

-----

pahinga na muna ako at bangag na bangag ang itchura ko ngayon. :)

Shell National Youth Active Chess 2009.



mula bukas, July 18 hanggang 19 ay magkakaroon ng torneyo sa larong Chess sa SM Batangas sa pangunguna ng Pilipinas Shell Corp.

todo praktis ako ngayong araw na to pagdating ko sa bahay dahil sa paghahanda para sa larong kinagisnan ko noong bata pa ako.



wish me luck guys! post ko results bukas. pics na rin kung possible. :)

Shell National Youth Active Chess, here I come! :)
-------

*sana, may chix bukas :)

ikaw na po ang bahala sa kanila, Bro.





yan ang karaniwang linya ni santino sa tuwing may panganib na parating sa isang tao na may kaugnayan sa kanya.

agad naman syang sinsasagot ni Bro at pinagbibigyan ang hiling niya. inililigtas niya sa panganib ang ipinagdasal ng bata.

kaya sana, ako rin ay pakinggan ni Bro.

Bro, sana pasa ako sa quiz ko bukas sa Electronics I tungkol sa semiconductor diodes. ikaw na po ang bahala sa akin.

..Amen. :)

-----

goodnight senyo mga kapwa ko bloggers. :)

cheesy?




hmm, ganito na ba ko ka-cheesy?

kung itatanong nyo kung bakit, kasi isang kaibigan ang biglang nag IM sakin sa YM.

akala ko, kinakamusta ako o namiss ako.. un naman pala..

"gello, bigyan mo naman ako ng mga cheesy pickup lines. alam ko kasing korny ka e."

..nagbabalak sana akong magtanong kung niloloko lang ako at nagbibiro..

pero bago ko pa man din sya matanong, sya na ang nagsabing:

"tol, siryoso ako.."

----

kala ko, siryosong humihingi ng pickup lines.. un pala..

"..siryoso akong korny ka. haha!"

..with matching ROFL emoticon pa. bwiset.

-------

sa tingin nyo, korny ba ako? :))

si Komiko lang kaya ang korny. kitang kita sa pangalan. :) *peace

well anyways, wala pa akong masyadong mai-post kasi nagaaral ako para sa quiz bukas sa Electronics I.

Semiconductor Diodes. .. goodluck sakin. sana, pumasa ako. :)

-------

baka magpost pa ako mamaya. antabayanan. :)

------

*P.S. - sinong may alam ng Boltzmann's Constant?

itago..




"minsan, kailangan nating itago ang ating nararamdaman para sa iba hanggang sa tamang oras..

na animo'y nagiipon ka ng pera sa alkansya para sa isang bisikleta na hindi mo pa mabili..

at hindi mo inaasahan na pag binuksan mo ito, ang iyong naipon pala ay hindi na lang para sa isang bisikleta..

kundi para na sa isang kotse.."


-------

hm, ayos diba? itago muna ang nararamdaman. palaguin ika nga.

pero paano kung humantong sa oras na wala na ang "pinagiipunan"?

magandang ang mensahe.. pero dalawang bagay ang maaring kahinatnan, kawalan at kung suswertehin, makakamit mo ang iyong nais.

ako, itinago ko ang aking nararamdaman. pero anong nangyari, alam na. (sa mga post pa lang, slow ka pag di mo gets! hehe.)

siguro, marapat nga na itago muna pansamantala. pero kaibigan, ingat ka. baka sa tagal ng pagiipon mo, nakuha na ng iba.

-------

hmm, share share lang ng experience. :)
magandang gabi muli sa inyo. *philippine time*

------

marahil huling post na. bukas ulit. salamat sa pagbabasa.

paano nga kaya?


may tanong ako sa inyo..

"paano ko makakalimutan ang isang taong nagkaroon ako ng pagtingin noon..

.. kung isang teks lang nya, nagbabalik ang lahat ng pinipilit kong kalimutan sa kanya?"



-------

ooops. blind item na naman to. :))

yan ay isang post na bigla na lang lumitaw sa isip ko at gusto ko lang ibahagi sa inyo.

kung kayo ang tatanungin,paano?

------

sa mga echosera dyan,(grabe, natuto na ko nito? waa!) wag ng mag react. :))

------

*nabawi ako sa mga absent ko noon kaya dumadami na muli ang post ko :))

ikaw, san ka lulugar?



"ang hirap lumugar sa buhay ng taong nilugar ka nga, hindi mo naman alam kung saan."

-------

hmm, isa na namang mala - emo na linya..

bakit kaya mula ng bumalik ako ay puro ganito ang mga post ko? hm.. pati ako napapaisip..

siguro, masakit mang aminin, sawi na naman ako sa pag-ibig. :(

hay buhay, ano bang nangyayari sakin? nawala na nga ako't lahat, ganito pa rin pagbalik.. at ganito pa rin ang dinatnan..

magbabago pa kaya to? isang malaking SANA.


-------

pasensya na sa kadramahan ng inyong lingkod ha? siguro, bagong teknik ito para sabihing wala akong maisip i-post. joke lang. kadramahan mang tatawagin ito, para sakin, ito'y totoo.

-------

magandanng gabi sa inyo. *philippine time*

Return..



Sa mga ayaw maniwalang nagbalik na ako, edi wag.. *peace*

hindi, ang totoo nyan, nagbalik na talaga ako.. at paniguradong magkaka kwentuhan ulit gaya ng dati.

pero bago yun, papasok muna ako dahil habang ginagawa ko to ay nasa klase ako. :)

siguro, mamaya o bukas tayo magkakakwentuhan..

por the mintaym, basahin nyo muna ang aking mga huling posts para maalala ko kung saan tayo huminto. :)


-------

magandang umaga sa lahat. *philippine time*

I'm Okay..

 
 

..sometimes, when you say

"I'm Okay.."

..you want someone to look you in the eyes, hug you tight and say..




"I know you're not."

--------

isang madamdaming post mula sa aking pagbabalik. :)

magandang hatinggabi na sa mga nasa pilipinas.


--------

tulugan naaa :)


-------

*trivia: RAM ang aking pinanggigilan, Video Card pala ang sira! kaya nagtagal bago mayari ang aking pc. :)

what a mess..?

sa mga taong naiwan ko..

sa mga taong naka miss sakin..

sa mga taong hindi man lang natamaan ng kung-ano sa aking pagkawala..

at sa mga patuloy na sumusubabay..

ANDITO NA KO ULIT.

ngunit hindi pang matagalan dahil nakikigamit lang ako ng computer..

hmm, alam kong mahabang kamustahan na naman ang magaganap na animo'y nanggaling ako sa kung saan..

namahinga lang naman ako sandali.. at sa kabila ng aking pananahimik, gusto ko ulit magbigay ng isang kapirasong salita mula sa aking damdamin. para sa ating lahat ito.

narito ang isang representasyon ng aking nais sabihin:



"wag kang matakot na hindi na maaayos ang lahat sa buhay mo.. malay mo, ginulo talaga 'yun para ikaw naman nag umayos."


------

*na miss ko kayong lahat.. :)

Gello -- ♥: Feb. 1990 | †: Jun. 2009



In Memoriam

Gello kun`

♥ - Feb. 1990
† - Jun. 2009

.. in loving memory of co bloggers..



------

* thanks for being a great part of his blogging life.

out.

out muna ako ah?

kasi sira ang pc ko at ttyagain ko pang ayusin sa mga darating na araw.

kayo na po muna ang bahala dito sa ating kapihan, wag hayaang malugi.

yaan nyo, sa pagbalik ko, bagong mainit na mga istorya ang ating pagsasaluhan.

maraming salamat po sa inyo.

sa mga kaibigan ko, kayo na po muna ang bahala sa ating bossing :) salamat po



-----

Signing out..

hapi berday * ♥

Ang naturang araw na ito ay espesyal para sa ating kaibigang si Kox dahil kaarawan niya ngayon.

bilang pagbati at dahil nag rekwes siya, heto ang aking regalo:

narito ang ilang mga litratong nilagyan ng kaartehan na mana sa may berday. hehe.

mga simpleng epeks lang yan, kaya wag nyong pintasan. :)





cute nya noh? :) ang papalag, papaslangin. >:)

nga pala, dahil may pinangako ako sa kanya, eto na un kox..


----

Infatuation man na maituturing ang bagay na ito, marapat na iparating ko na ito sayo bago pa mawalan ng pagkakataon, bago pa mahuli ang lahat.

muli Kox, maligayang bati sa iyong kaarawan.







..ang at tinatanong mo na kung sino ang espesyal na hinahangaan ko, Ikaw 'yun. ♥

----

Happy Birthday Kox ♥ -- *

on the go.

hmm, di ako makatulog. may bumabagabag sa isip ko. kung ano yun? secret.

hmm, mabuti pa e patulan ko ang tag ng ating kaibigang si Chen ng DOTA YellowShoelace.

eto sya oh..


My A-Z Favourites List Tag” , Gello kun`s style :D

alamat – Alamat ng Ampalaya

bagay – Flash Drive

crush – ♥

day – Sabado

empekwey – ha? gaya ng kay chen, South Luzon Empekwey. lol

fish – Apta (alam nyo yan? Batangueño yan.)

gamit – Flash Drive

holiday – Pasko

inumin – Red Tea

japanime – Zero No Tsukaima

kasinungalingan – hindi ko crush si ♥

libangan – brainstorm. lol

motto – "Ang babaeng sswertehin ay ang syang mapapasaakin."

numero – 13

oras – 1:00 am

pwesto - pangatlo sa dulo.

quotation – "if you see a good move, look for a better one."

rason – Tomorrow is another day.. Never say die.

store – 7-11

topak – magblog ng mga artikulong gaya nito.

utuin – ung mga kids.

video – music video.

word/s – aishteru desu~

xmen – gambit

year – 1990

zoo – manila zoo

Public Transportation Etiquette.

Etiquette? alam ko, alam mo to.

hmm, ano nga ba ang dapat gawin bilang etiquette lalo sa pampublikong transportasyon?

-----

kanina, umalis ako patungong eskelahan para sa isang meeting ng mga organisasyon.

Umulan. asahan na basa, mabaha at maputik ang kalsada.

ano nga ba ang dapat gawin sa mga ganitong oras?

habang nakasakay ako sa isang jeep papuntang school, napuna ko agad ang isang babaeng pumasok sa jeep na may dalang payong na basa. winisik niya ang payong para mabawasan ang nakakapit na tubig para hindi tumulo.

isang lalake ang nag react. " miss, dahan dahan naman po, nakakabasa." ang tanging narinig lamang ay ang tunog ng makina.

ano ang proper etiquette dito?

maari namang atang wag na lang iwisik ang payong dahil obvious na maulan eh mababasa ulit yun. wag ka na lang mangarap na isa kang fairy at yun ang iyong wand.

Sunod, isang babae na nakapalda ang sumakay. maputi. sexy.

sumunod niyang gawin matapos magbayad ay ang magpunas ng binti at paa ng tissue dahil nabasa at lubos na nakalimutan nang siya ay nakapalda. Ang katapat naman nitong mga lalake na animo'y tahimik noon ay parang naging masigla bigla. alam na kung bakit.

ano ang proper etiqutte?

marapat naman atang ipatong ang bag sa palda diba? o kaya nama'y magpalda ng mas mahaba sa rito. isa pa ay ilihis ang pagkakaupo para walang anumang makita diba?

babae na naman ang sunod na sumakay. sa pagkakataong ito, medyo masikip na ang jeep.

maya maya'y napuna kong pinandidilatan ng babae ang lalaking katabi dahil hindi man lang daw nagkusang umipod para makaupo siya kaagad.

proper etiqette: tayo ngayon ay nasa ibang panahon na. tayo ay nasa panahon na ng pagkaka pantay-pantay. hindi obligasyon ng lalake na magpaupo ng isang babae maliban na lamang kung ikaw ay may sakit o may kapansanan. pwede na rin ang sexy. joke lang. :)


-----

sa pagpuna ko, tayong lahat naman ata ngayon ay nasa sapat ng gulang na (maliban kay kox na bukas pa. ü ) kaya dapat, alam na natin ang proper etiquette. nasayo rin yan kung gusto mong maging maganda ang feedback ng iba sayo o kulang na lang ay ibitin ka nila ng patiwarik.

Ikaw? may Proper public etiquette ka ba? :)

tomorrow is another day.



nung nakita ko ang commercial na to sa TV, natawa ako. sobra.

pero sa kabila ng pagtawa ko, naalala ko ang aking pagkabata.

elementary days. pasikatan. basketball. ang hindi mapipili, hindi IN sa mga babae sa school. in short, normal na bata ka lang.

at gaya ng inaasahan, nag try out ang inyong lingkod. ginawa ko lahat ng kaya ko. matapos ang ilang oras ng drills, laro at relays, heto ako.. hingal. pawisan.

naulit ito sa loob ng isang linggo at dumating na ang judgement day. tatawagin ang pangalan ng mga pasok sa junior team.

tinawag ang unang pangalan.. tumayo..pangalawang pangalan.. tumayo.. hanggang pang sampung pangalan.

pagkatapos ng pang sampu, tapos na daw ang kuhanan. nakaupo pa rin ako.

kinuha ko ang papel na listahan. nakita kong pang labing isa ako. tinamaan ka nga naman ng magaling oh, isa na lang. siguro isang salang shoot, o naagaw na bola lang ang nagpalagay sakin sa pang labing isang posisyon. wala na akong magagawa. umuwi akong nangingilid ang luha. iniisip ang mangyayari sakin na magiging normal na bata pa rin. bale wala sa mga mata ng mga crush namin.. pagkabata nga naman oh..

gaya ng nasa commercial, may sinalihan din akong patimpalak sa deklamasyon.

syempre, panalo ang inyong lingkod. hindi ko na lang makita ang aking ribbon dahil sa sobrang tagal na.

talagang naaalala ko talaga ang aking pagkabata sa commercial na yun :)

may bukas pa..

9AM. Nasa kalagitnaan na ang araw, nagsimula na rin akong maalimpungatan.

Ang unang binigyang pansin, ang aking telepono.

8 ang mensahe. 3 ang galing sa dating kaklase, isa sa kaibigan, 3 ang nagtatanong kung gising na ako. at ang isa:

".pRe, pntA na q0h skuL. kuhA dAw nG grAdEs s CaLculuS. pntA kAh na riN.. gEh."

Pagkabasa ng mensaheng ito, may kumabog sa dibdib ko.

Matapos ang ilang sandali, naligo na ako at nagmadali sa pagpunta sa eskwelahan para kuhanin ang grade sa Calculus. Hindi na ako nakapag almusal sa pagmamadali.

Habang nasa daan ako papuntang eskwelahan, lalong bumibilis ang kabog sa dibdib ko sa paniniwalang malabong pumasa sa naturang asignatura. Nasambit ko na lang sa sarili ko ang kalimitang dasal ng ating mumunting kaibigang si Santino.

"tulungan mo naman po ako Bro, ipasa mo lang to, magaaral na talaga ako. thanks bro, Amen! "

Ilang sandali pa at dumating na ako sa eskwelahan. Ang kabog sa dibdib ko, kasing lakas ng wrecker na nakasalubong ko sa daan habang ginagawa ang kalsada.

Pinilit kong makarating sa takdang Computer Laboratory para tingnan ang aking grade gamit ang sistema ng eswelahan. Pagdating ko sa naturang silid, inintay ko pa ang ilang sandali dahil talagang sobrang kaba ang nasa katawan ko. Maya-maya, napilitan din pumasok.

"Ate, san po ang release ng grades?"

"dun po sa lalake. derecho na po kayo dun."

At pagkarating sa tapat ng lalake, isang nakakatakot na tingin ang sinalubong sa akin sabay hindi ng ID ko.

*tik-tik-tak-tik-tak-tik..click..click..click.*

Ilang segundo pa, may lumabas na papel sa tapat ko galing sa printer. Nakabaliktad.

Lumabas ako ng silid na hawak pa rin ang nakatiklop na papel na hindi ko tinitignan.

Habang papalabas ay wala na kong ibang marinig kundi ang kabog ng dibdib ko. Bago ko buksan ang naturang papel, nagsimula ng mag Drum roll ang musiko sa isip ko. Ilang sandali pa, binuklat ko ang papel. Nanlumo ako ng may nakitang 5.

Sa sandaling yon, bumalik lahat sa akin mula sa aking pagkabata, ang hilig ko noon sa pagaaral, ang sinambit kong nais kong maging isang Engineer at ang walang sawang pagpasok sa eskwelahan.. sumunod ang pagkaka uso ng Counter Strike na sumira ng hilig ko sa pagaaral noong elementarya, ang pagkakaroon ng Ragnarok kung saan mas mahaba pa ang oras ng laro kesa magaral..lahat bumalik hanngang makabalik sa lugar na kinatatayuan ko..at makikita ko, ang grado ko, singko.

Pero isang ngiti ang gumuhit sa aking labi sabay ang isang malakas na pagtawa sabay sambit sa sarili ko, "bobo, number of units ang tiningnan mo, Tres ang grade mo!" ang tumapos sa kadramahang naganap.

Napatalon ako sabay sabing "Yes, Third year na ko!"

..akalain nyo yun, pinakinggan ni Bro ang dasal at mga pangunuglit ko. Thanks talaga Bro.. Amen! :)

naniniwala na talaga akong May Bukas Pa..

-----

Burger burger ~

5775.

Marahil nagtataka ka kung ano ang ibig sabihin ng mga numerong 'yan?

Ang 5775 ay isang lupon ng mga kompanya na naka base dito sa ating bansa na nagbibigay ng pondo at iba pang klase ng suporta.

Anong klaseng suporta at para saan ang pondo?

Pondo para sa pagpapagawa ng mga imprastraktura at pagbibigay ng libreng kagamitan. Alam kong hindi mo pa alam. Hintay ka lang, sasabihin ko mamaya.

Nagtataka ka kung bakit 5775 ang tawag nila sa kanilang grupo?

Galing sa isang survey na naka base dito sa ating bansa, naitala na ang average grade ng isang Pilipinong estudyante ay 57% habang ang Passing Grade naman ay 75%-kaya 5775 para maipakita ang pagitan ng kakayahan ng isang estudyante para maisama sa isyu ng Educational Crisis. Ang nasabing grupo ay pinilit gumawa ng mga paraan gamit ang kanilang mga programa upang makatulong sa mga bagay na kung susuriin ay matatawag na Critical Needs.

Narito ang ilan:

1. Ang pagsusulong ng tamang nutrisyon sa pammagitan ng Feeding Programs. Nasasaan na ang mga bata ay hindi nakakagawa ng mabuti sa klase dahil sa kakulangan sa tamang nutrisyon.

2. Ang pagbibigay ng libreng mga kagamitan pang-iskwela lalo na ang mga libro para sa mga asignaturang Math, Science at English.

3. Pagpapatayo ng mga imprastraktura gaya ng mga classrooms, day care centers, at iba pang maaring gamitin sa pagtuturo.

----

Maaring maliit na bagay lamang ito para sayo na hindi nalalaman ang kanilang ginagawa ngunit para sa mga nakakalam at sa mga batang natutulugan, tinuturing nilang Blessings ang mga ito.

Halina, tumulong ka rin. Kahit sa maliit na paraan, Daan-daang mga bata ang iyong matutulungan. Tara!

----

Ang kampanyang nasa likod ng grupong ito ay ang I Am Ninoy. Malaking bagay talaga ang nagawa ng kampanyang ito, Maraming Salamat Benigno Aquino Jr. Maraming Salamat, Ninoy.

grand slam.

hmm, hindi ko akalain na magkakaroon ako ng mga awards na mula sa aking mga ka chorva sa mundo ng blogosperyo.

hindi ko akalain na magkakaganito ako sa tunay na buhay.

maraming salamat sa pagtangkilik at pagsuporta sa ating programa..

gusto ko pong ibahagi sa inyo ang aking mga natanggap:

























----

wala pong Barakong Cup Eh kung wala kayo, kaya maraming salamat sa pagsubaybay. kayo ang inspirasyon ko sa pagsulat. Salamat po. :)

free po yan, kuha lang! :)