cheesy?




hmm, ganito na ba ko ka-cheesy?

kung itatanong nyo kung bakit, kasi isang kaibigan ang biglang nag IM sakin sa YM.

akala ko, kinakamusta ako o namiss ako.. un naman pala..

"gello, bigyan mo naman ako ng mga cheesy pickup lines. alam ko kasing korny ka e."

..nagbabalak sana akong magtanong kung niloloko lang ako at nagbibiro..

pero bago ko pa man din sya matanong, sya na ang nagsabing:

"tol, siryoso ako.."

----

kala ko, siryosong humihingi ng pickup lines.. un pala..

"..siryoso akong korny ka. haha!"

..with matching ROFL emoticon pa. bwiset.

-------

sa tingin nyo, korny ba ako? :))

si Komiko lang kaya ang korny. kitang kita sa pangalan. :) *peace

well anyways, wala pa akong masyadong mai-post kasi nagaaral ako para sa quiz bukas sa Electronics I.

Semiconductor Diodes. .. goodluck sakin. sana, pumasa ako. :)

-------

baka magpost pa ako mamaya. antabayanan. :)

------

*P.S. - sinong may alam ng Boltzmann's Constant?

5 Ang Komento:

  Joel

July 16, 2009 at 7:04 AM

kaya pala magkaibigan kayo ni kox haha..

minsan naman lumalabas din ang pagkakorni ko, pero hindi ako korni talaga, baka ikaw ganun din hehe

  chennn

July 16, 2009 at 8:09 AM

cheesy ka ba? tingin ko...



..kelangan mong mag-aral ng mabuti para sa exam mo bukas! ayayay! usong-uso exams naun noh? tsktsk..


ps.
basta ako, i SUPER LOVE CHEESE! *_____*

  © Gello - kun`

July 16, 2009 at 8:11 AM

@ kheed

oo nga eh. kaya nga KAIBIGAN si kox. :)

@ chenn

haha. mali ang tanong ko sa sagot. haha. anyway, sana pumasa ako sa semiconductor diode exam bukas. goodnight. :)

  Anonymous

July 16, 2009 at 10:37 AM

ayaw mo nun.. ibig sabihin ala john lloyd ka.. LOL! peace! :P

  Anonymous

July 16, 2009 at 5:11 PM

hala! bakit espesyal mensyon ako sa post mo??????? hmp! pinaglandakan na korni ako! hahaha :]