itago..




"minsan, kailangan nating itago ang ating nararamdaman para sa iba hanggang sa tamang oras..

na animo'y nagiipon ka ng pera sa alkansya para sa isang bisikleta na hindi mo pa mabili..

at hindi mo inaasahan na pag binuksan mo ito, ang iyong naipon pala ay hindi na lang para sa isang bisikleta..

kundi para na sa isang kotse.."


-------

hm, ayos diba? itago muna ang nararamdaman. palaguin ika nga.

pero paano kung humantong sa oras na wala na ang "pinagiipunan"?

magandang ang mensahe.. pero dalawang bagay ang maaring kahinatnan, kawalan at kung suswertehin, makakamit mo ang iyong nais.

ako, itinago ko ang aking nararamdaman. pero anong nangyari, alam na. (sa mga post pa lang, slow ka pag di mo gets! hehe.)

siguro, marapat nga na itago muna pansamantala. pero kaibigan, ingat ka. baka sa tagal ng pagiipon mo, nakuha na ng iba.

-------

hmm, share share lang ng experience. :)
magandang gabi muli sa inyo. *philippine time*

------

marahil huling post na. bukas ulit. salamat sa pagbabasa.

6 Ang Komento:

  Joel

July 15, 2009 at 6:56 AM

basement! hehe

oo nga, medyo sugal din ang pagtatago ng nararamdaman.. ako hindi na magtatago, kung hindi talaga pwede ay hindi ko na ipipilit.. talo kung talo. kesa naman patagalin pa tapos wala din palang mangyayari..

  chennn

July 15, 2009 at 7:09 AM

ang ganda naman nun ^____^

db sa iisang tao lng naman patungkol ang recent posts mo?? tama ba?? hehe

*rebyu mode*

  rich

July 15, 2009 at 7:22 AM

may right time para sa lahat... kung dahil sa pagiipon mo eh nawala yung pinagiipunan mo, baka di pa oras para mapunta sayo yun... or baka may mas magandang naghihitay na para sayo... ^^

  © Gello - kun`

July 15, 2009 at 7:26 AM

@ kheed

ganan din ako noon. isnag beses lang ako sumugal, talo pa. kaya di na ko maeengganyo sumugal muli. :)

@ chenn

hoy! echoserang to. haha sabing wala ng patungkol ang mga nakaraang posts ko. : hehe

@ rich

salamat, sana nga may naghihintay pa sakin. at sana, di pa huli ang lahat sa pagbabago. salamat kaibigan. naantig ako sa sinabi mong namiss mong magbasa ng post ko. :) salamat salamat.

  Anonymous

July 15, 2009 at 9:03 AM

win or lose talaga ang love. ika nga ng kanta..

"just get back up when it knocks you down.."

ganun yata ung linya. haha!

  Raul

July 16, 2009 at 4:00 AM

awww.... tsk tsk tsk... i understand how you feel... ganyan din ako.. tinago, naunahan ng iba... haiz..

movin' on ...