Prangka

Lalake: prangkahin mo nga ako babae ka! dalawang taon na kong nanliligaw sayo! sasagutin mo ba ako o hindi?

Girl: Hindi.

Boy: naman oh, napaka prangka mo naman.

------

prangkahin pala ha! :)

pasensya na kung hindi ako masyadong aktibo ngayon sa pagb-blog dahil sa maraming bagay na aking ginagawa. una, sa iskwela. pangalawa, sa paggawa ng plano ng bahay na ipapagawa namin. pangatlo, ang paghahanda ng gagamitin sa paglipat at pang apat, ang aming pagkikita ni Deth ng MindDeth kung sakali. haha :)

pero teka, nabangit ko ang tungkol sa lipat-bahay.

hindi ako pabor dito dahil ako ay 19 na taon ng nakatira sa bahay kung saan naroon ako ngayon at tinatayp ito. 19 na taon na akong pagalagala sa lugar namin at sa habang panahon na yun ay nakilala na ko ng aking mga kabaranggay / kapitbahay. maari na nga ata akong tumakbong baranggay captain e. :))

hindi ako pabor kasi hindi ko pa alam ang pakiramdam ng lilipat ng bahay. at syempre, sanay ka sa kung saan ka nakatira tapos biglaan na lang magpapalit.

sa susunod na linggo na ang gaganaping lipat bahay. lilipat muna kami sa isa naming lumang bahay habang pinapatayo ang bago. (floor plan ko ang gamit dun. sketch ko. engineering eh ü )

sana, kung ano ang "meron" sakin sa bahay na ito ay magkaroon din ako sa aming lilipatan. :)

balik blog ako bukas pagkatapos ko gawin ang aking report at asayment. pramis. :)

sa ngayon, tutulog na muna ako :) goodnight ~

10 Ang Komento:

  tsenn`

August 29, 2009 at 10:04 AM

1:03am

gudorning gello! hahaha
naun palang ako matutulog..
daming utak-pagod (:|

may itatanong ako sayo bukas,
ay mamaya pala
wait mo teks ko
yep
teks nga
hahahaha apir! :D


ps.
kung magkapitbahay lang tayo pinakialaman ko na yang plano ng bahay nio. wohohoho :)

  Anonymous

August 29, 2009 at 3:29 PM

astig ka naman pala kung ikaw ang gumagawa ng floor plan ng sarili nyong bahay.

sana nga magkaroon kayo ng same experience sa magiging bagong bahay nyo.. :D

  2ngaw

August 29, 2009 at 4:00 PM

Wow!!Gud luck naman sa paglilipat at kumusta mo ako kay Deth :)

  Anonymous

August 29, 2009 at 4:40 PM

igawa mu din ako ng plano ng ipapatayo kong bahay. hahaha.. :)) gudlak n lng! godbless!

  Superjaid

August 29, 2009 at 8:52 PM

Babalik din naman kayo dun sa bahay nyo talaga di ba?kaya ok lang yan..uhm..astig ka ah, kaw pa talaga ang gumawa ng floor plan..cooL..ikamusta mo ko kay ate deth huh?Ü

  EǝʞsuǝJ

August 29, 2009 at 9:31 PM

oh c'mon...
busy ka ba talaga?

eh bakit pare parang maya't mya ang update mo sa FB?
looolllllsssss
at ang farm mo sa farmville...
sobrang yaman na...
hehehehe...

kudos to yer new bahay...
^^,

  A-Z-3-L

August 29, 2009 at 9:39 PM

aba.. may EYEBALL na magaganap? hahahahaha!

don't worry... mas masarap sigurong tumira sa bahay na lilipatan nyo lalo pa't ikaw ang gumawa ng plano...

  saul krisna

September 6, 2009 at 6:56 PM

hmmmm musta na? tagal na akong nawala eh

  Madame K

September 6, 2009 at 7:12 PM

kami nga rin ilang beses ng palipat lipat ng bahay.. hahaha! kung kelan napamahal na sa akin ang bahay na yun tyaka naman kami lilipat.. nkakainis talaga..

  patola

September 7, 2009 at 2:30 AM

hehehe.. mag EEB kayo ni ate deth? hihihi....magddate kayo? ahahahaha =)