roasted tropical legumes..




ang roasted tropical legumes ang sinasabing isa sa pinaka masarap na pulutan sa tuwing nagiinuman.

pag meron nito, solb na ang inuman kahit sa kanto. una, dahil affordable at isa pa, dahil sa lasa.

teka, alam nyo bang ang roasted tropical legumes na ito eh tinatawag nating MANI? (peanuts)

pero hindi yan ang ating papagusapan. pero dahil nabanggit ng inuman, isasali ko na dahil galing ako sa inuman kanina. syempre, pyestahan eh. :)

so yun, pag punta namin eh unahan agad na makakuha ng plato para makakain agad. kahit gutom na gutom na dahil sa kalahating oras na byahe, behave pa rin kaming kumain.

tapos ng kainan, nagpunta kami sa katabing lawa ng kanilang bayan. -- ang mga litrato ay sa sunod na post dahil sira ang aking bluetooth device --

picture-an, basaan ng tubig at kulitan sa tabing lawa. ayos. masaya. represhing ika nga. maiba naman.

tapos nito, nakalantak ng ulan. silong kami sa katabing basketball court para magpatila ng ulan na di naman nagtagal.

pagbalik namin sa bahay, nakahanda na ang isang case na malamig na beer. parang galit samin dahil talagang bukas lahat. nakita ko sa mga mata ng ama ng aking ka-klase na "walang uuwi ng hindi lasing"

kaya gaya ng inaasahan, tumba ang isang case na nadagdagan pa ng isa, tumba din ang tropa.

matapos ang ilang oras pa eh nagkayayaan ng umuwi.. nasambit ko na lang sa aking isipan na "sa wakas.."

-----

matapos ang kalahating oras na byahe, natanaw na namin ang kabihasnan.. sabay ang ngiti sa aking mga labi. at ang pangambang..




baka mahuli ako na naglasing. tiyak, ako naman ang pagppyestahan ng aking ina. hehe

pero sa awa ni bro, nakauwi ako ng hulas. kaya ok na ok. parang walang nangyari.

pero ang isang tanong na nananatili sa isipan ko ay kung bakit..



wala kaming pulutang mani kanina. hmm, bakit nga kaya?



-----

ang mga litrato ay sa sunod na post na lang. makikita nyo rin dun si Gello as model ng GIORGIO ARMANI. hehe :)

parang ganito:





3 Ang Komento:

  tsenn`

August 16, 2009 at 7:11 PM

1st comment?? hehe
umiinom ka pala..
ako kasi hindi hahaha!

un ginawa kong laruan gusto mo makita??
corpo attire pix mo muna
nyahahaha
apir gello :)

  Anonymous

August 16, 2009 at 9:26 PM

uy eksayted na kong makita ang picture mo.. yes naman.

dapat si tsennn matuto ng uminom. haha! bad influence noh?

yoko ng mani ang pulutan. gusto ko lala. haha!

  Superjaid

August 18, 2009 at 3:11 PM

yoko din ng mani as pulutan, gusto ko kasi un ng walang kasabay, hahaha Ü