ulan.

hmm, ngayon lang ako nakarating sa bahay at nakaupo sa sa upuan na ako ang pinakamadalas na nauupo. ang upuan sa harap ng computer.

kung bakit ngayon lang ako nakarating?

nagkaroon ng isang Leadership Training Seminar para sa mga Organizations kanina sa eskwelahan, at kung mamalasin ka nga naman, nakasama ang inyong lingkod sa mga dapat umatend. kasali daw ang Executive Vice President.

medyo masaya noong una, dahil may palaro. . ngunit habang tumatagal, nagiging nakakainip na dahil siguro nakakatamad na yung mga laro. lumipas ang ilan pang sandali, eto na.. Meryenda.

thumbs up kami kasi libre ang meryenda. kahit hindi ganun yung inaasahan namin, pinagtyagaan na rin namin.

ilang sandali pa, balik na naman sa dati.. mga talks na naman galing sa iba't ibang speakers. dahil tinatamad ako makinig, kinuha ko ang aking cellphone para magteks. may isang mensahe. isang kalokohang mensahe na nagbigay aliw sakin sa mga oras na yung na wala akong ibang maramdaman kundi pagkatamad at antok.

ano ang laman ng teks? ito:

CUTE BA AKO?

if yes, no need to reply. if no, iteks mo sakin ang tagalog ng toothpaste, dinosaur, aquarium at calculator.

malalim akong nagisip dahil di ako papayag sa teks nyang iyon. malas at calculator lang ang alam ko ang tagalog.

Talapindutan

sandaling nalingat lang ako, Tanghalian na. at matapos nito, wala ng interesanteng nangyare maliban na lang bago ako umuwi. ang kaninang napaka banas / init na umaga ay naging isang maulan na hapon. at ano pa? Stranded syempre.

kaya Gello, tandaan. magdala na ng payong kahit minsan ay pabigat lang sa bag. :)

2 Ang Komento:

  Deth

May 9, 2009 at 6:03 AM

kaya gello, magdala ng payong kahit pabigat lang sa bag...

kaya gello, magdala ng payong kahit pabigat lang sa bag...ulit-ulitin para makabisado...hehehe

  Hari ng sablay

May 9, 2009 at 11:22 AM

alam ko mga yan...

tutpaste-ngipingpandikit
dinosour-wagmamataylipad
aquarium-tubigkwarto

tama ka pag hindi nga mkatulog pinapasukan ng kakornihan...