Batang Babae sa Jeep.

Kaninang tanghali, nagmadali akong umalis sa amin upang pumunta sa isang piyestahan. Ang piyestahan ay hindi gaanong malaipit sa amin ngunit malapit sa ating ka blog na si Stupidient. Sa katunayan, inimbitahan nga niya ako ngunit hindi ko naman alam ang kanilang bahay para makapunta.

Sumakay ako ng jeep, ang pinaka sikat na pampublikong transportasyon dito sa amin dahil mura lang ang pamasahe. Pagkasakay ko, agad kong inabot ang aking bayad upang iwasan ang isang insidenteng nakalimutan kong magbayad at naantala ang pag byahe ng naturang sasakyan. Habang inaabot ko ang aking bayad, natanaw ko ang isang batang babae na katabi ng driver na s'yang kumuha ng aking bayad. Kung titingnang mabuti at uusisain sa iyong isipan, mistulang anak ng driver ang batang babae. (pasensya na kayo at hindi ko nakuhanan ng litrato)

Ang aking post na ito ay hindi talaga patungkol sa bata na nakita ko, kundi sa ideyang bakit ang batang ito ay kasakasama ng kanyang ama sa pamamasada imbes na nagaaral o naglalaro kasama ang ibang bata. (inisantabi ko na bakasyon ngayon.)

Ano ang aking nais ipahiwatig?


Bakit ang batang ito ay kasama ng magulang sa pagttrabaho imbes na naglalaro o kaya'y nasa bahay lamang? Mukhang hindi siya namulat sa kamusmusan at sarap ng pagiging bata sa kadahilanang mas binibigyang prayoridad niya ang mga bagay na para sa pamilya imbes na sa pansariling saya na kadalasang naiisip ng tipikal na kabataan.

Ganito na ba kahirap ang buhay ay kahit ang mga bata ay nakakaranas na ng hindi pagdaan sa kamusmusan at sarap ng buhay-bata?

Marahil mapalad ang ilan sa atin, kaya't ipagpasalamat natin ito.

4 Ang Komento:

  HOMER

May 15, 2009 at 5:06 AM

Namiyesta ka pala kina stupe hehe!! ;)

Diko nga maisip sa mga jeepney driver kumbakit trip na trip nilang isama sa byahe yung mga anak nila alam naman nilang mostly yung aksidente nasa kalsada.. Kung gusto nila ng bonding may time naman for that eh, sana binatukan mo yung mamang drayber kanina hahaha!!

  Hari ng sablay

May 15, 2009 at 1:07 PM

nakakabahala ang gnyang mga sitwasyon,di kasi maiiwasan sa kalsada ang payabangan,paututsadaan,sigawan,kawalang modo,at marami pang iba na nakikita ng isang walang kamuwang-muwang na bata.

  Anonymous

May 15, 2009 at 3:26 PM

marahil nga ay kadahilan ng hirap ng buhay.. maraming bata ang hindi nakakapag-aral at hindi nararanasan ang pamumuhay bata. ang pinaka-malungkot dun ay ang iba ay napipilitang magtrabaho. madalas trabaho ng isang nakakatanda.. tsk tsk tsk (sabay iling ng ulo).

  © Gello - kun`

May 15, 2009 at 7:12 PM

hindi ko nga rin lubusang maisip kung ang pagttrabaho kasama ang kanilang mga anak ang sagot sa kahirapan ng isang pamilya. kung iisipng mabuti, madodoble ba ang kita nila kung kasama ang kanilang mga anak? o kung minamalas malas, maaksidente ang iyong kasama.. hindi ba't mas malaking gastos iyon kesa mas malaking tipid?