tomorrow is another day.



nung nakita ko ang commercial na to sa TV, natawa ako. sobra.

pero sa kabila ng pagtawa ko, naalala ko ang aking pagkabata.

elementary days. pasikatan. basketball. ang hindi mapipili, hindi IN sa mga babae sa school. in short, normal na bata ka lang.

at gaya ng inaasahan, nag try out ang inyong lingkod. ginawa ko lahat ng kaya ko. matapos ang ilang oras ng drills, laro at relays, heto ako.. hingal. pawisan.

naulit ito sa loob ng isang linggo at dumating na ang judgement day. tatawagin ang pangalan ng mga pasok sa junior team.

tinawag ang unang pangalan.. tumayo..pangalawang pangalan.. tumayo.. hanggang pang sampung pangalan.

pagkatapos ng pang sampu, tapos na daw ang kuhanan. nakaupo pa rin ako.

kinuha ko ang papel na listahan. nakita kong pang labing isa ako. tinamaan ka nga naman ng magaling oh, isa na lang. siguro isang salang shoot, o naagaw na bola lang ang nagpalagay sakin sa pang labing isang posisyon. wala na akong magagawa. umuwi akong nangingilid ang luha. iniisip ang mangyayari sakin na magiging normal na bata pa rin. bale wala sa mga mata ng mga crush namin.. pagkabata nga naman oh..

gaya ng nasa commercial, may sinalihan din akong patimpalak sa deklamasyon.

syempre, panalo ang inyong lingkod. hindi ko na lang makita ang aking ribbon dahil sa sobrang tagal na.

talagang naaalala ko talaga ang aking pagkabata sa commercial na yun :)

12 Ang Komento:

  Hermogenes

May 29, 2009 at 12:36 AM

ahahaha, kung naglucky me ka sana muna malamang pasok ka sa sampu... nice one!

  © Gello - kun`

May 29, 2009 at 12:39 AM

^

eh di talaga ako tanggap sa team na yun dahil tabain ako nung bata ako. hindi ako maliksi gaya ng iba. haha

  2ngaw

May 29, 2009 at 12:43 AM

Ang mahirap lang nyan pre, wala pa yatang lucky me nuon lolzz

  © Gello - kun`

May 29, 2009 at 1:34 AM

^

meron na pero di ako mahilig sa me sabaw. dun ako sa pancit canton. haha!

  Anonymous

May 29, 2009 at 5:56 AM

naalala ko tuloy nung nag emo-emohan ako, may nag txt sken ng tommorow chorva n yan, naasar aq, di ko kc alam n commercial pla yan! haha.. ayun..

never say die..

  rich

May 29, 2009 at 6:56 AM

natuwa din ako sa commercial na yan... ^^ kaaliw yung bata eh...

& I like the part when he's declaiming... at least pinakita kung san sya nageexcel diba? ^^

  Ang buhay ay parang sine

May 29, 2009 at 7:00 AM

sana pala sinabi ng iyong ermats habang pinapakain ka ng lucky me: "never say die. tomorrow is another day."

  © Gello - kun`

May 29, 2009 at 7:15 AM

@ rich

natuwa nga ako, nakita ko talaga ang sarili ko sa kanya nung bata pa ako. haha

@ buhay ay parang sine

imbes na sabihin sakin ng aking ina yan, nilait at inasar pa akong "paano ka matatanggap eh kataba taba mo!" haha!

@ kox

ay, haha. tnrip ka pala nun nagteks sayo e. haha :)

  Hari ng sablay

May 29, 2009 at 10:06 AM

hahaha natawa ako dun ah. dapat kasi pag binigay sayo bola kahit malayo pa ishoot mo na, wag mo na pasahan mga ksangga mo,haha

  © Gello - kun`

May 29, 2009 at 6:53 PM

^

un na nga ang ginagawa ko, tinatawag na nga akong bakaw ng mga kasama ko e. tapos natatandaan ko pa nun, 2 pasa ko lang ata ang hindi turn over. haha!

  0

May 30, 2009 at 12:36 AM

Wow!~ Ang galing naman, nakita mo na ang commercial ng buhay mo! :)

  © Gello - kun`

May 30, 2009 at 12:41 AM

^

salamat salamat. hehe. kahit kasing taba ko noon ung bata, hindi naman ako ganun kagaling sa deklamasyon. hehe :)