Opo, tama po kayo. Kolehiyo.
Ako ngayon ay kasalukuyang nasa ika - 2 at kalahating taon ko na sa Kolehiyo. (on going summer class bago maging 3rd year kaya 2 at kalahati lang. hehe)
kumukuha ng kursong Engineering na hindi ko alam kung talagang angkop para sa akin o kung talagang kaya ko.
Wag kayong magalala, hindi tungkol sa pagaaral ang ilalathala ko ngayon sa artikulong ito kundi may patungkol lang sa buhay kolehiyo. Sa mga matatanda na, makakarelate kayo, sa mga bata pa at magiging kolehiyo pa lamang, magmimistula itong payo para sa inyo.
-----
Pag dating mo sa unang taon ng kolehiyo, syempre, lahat ng nasa paligid mo kasama ng nasa isipan mo, BAGO
Bagong rooms, bagong classmates, bagong school. . bago lahat maliban na lang kung kagaya kitang labintatlong taon na sa aking eskwelahan. Ang dahilan, hindi ko alam kung bakit. Wag na nating pagusapan 'yun dahil wala ng interesante doon.
Habang tumatagal, nakikilala mo ng unti unti ang iyong mga kaklase. Ang mga taong kinahihiyaan mo noon at hindi mo maimikan ay nagsisimula mo ng maging kadaldalan at kasama sa araw araw na Trip.
At dito na nagsisimula. Dito na magmumula ang tanong na:
" tol, papasok ka? "
Syempre, sasagot ka ng isang mapanuksong sagot:
" ikaw? "
Dadagdagan pa ng:
" ewan ko nga eh.. "
At syempre, hahantong na yan sa katagang:
" tara, wag na tayong pumasok. "
At yun, alam na. Ang minsang nagsimula ay unti unti ng mapapdalas.
Ang resulta? Itanong nyo na lang sa kanila.
Sa mga matatanda na ngunit young at heart,
Sarap balikan ng kolehiyo diba? Nagagawa mo lahat
at sa mga bata pa lang na nalalapit ng makatungtong ng kolehiyo, nawa'y magsilbing aral ito sa inyo na wag magpadala sa mga B.I. na kaklase hehe.
Pero ang pinaka tamang bagay ukol dito, nasa sainyo naman yan, sumama ka man o hindi, basta alam mong tama ang ginagawa mo at tama sa paningin ng iba, ayos yan!
-----
papasok pa bukas, kailangan ng lumisan. magbabalik bukas. kaibigan, halika muna ng makapag kape. Barakong Cup Eh, Pagkakasarap nare!
5 Ang Komento:
May 7, 2009 at 9:57 PM
comment test..
1..
2..
3..
yay. nagana na :)
May 7, 2009 at 10:02 PM
ayun..
may isa kong class kasi dati, alam ko kelan ako pedeng di pumasok.
di naman nagchechek ng attendance ung prof. namin. kaya pag may quiz, sunod na pasok pede ka ng mag-absent. hehe
May 7, 2009 at 10:17 PM
^
haha. ako rin may ganun. pero nung medo napapadalas na, kahit may attendance, naabsent. pero noon un. di na ngayon :)
May 7, 2009 at 11:37 PM
Punta kayo sa blog ko at may libreng pagkain!
barttolina.blogspot.com
salamat!
May 8, 2009 at 3:32 AM
woah .. natamaan ako dun ! LOL ..
back when i was still 2nd year HS . O_O
Post a Comment