Marahil nagtataka ka kung ano ang ibig sabihin ng mga numerong 'yan?
Ang 5775 ay isang lupon ng mga kompanya na naka base dito sa ating bansa na nagbibigay ng pondo at iba pang klase ng suporta.
Anong klaseng suporta at para saan ang pondo?
Pondo para sa pagpapagawa ng mga imprastraktura at pagbibigay ng libreng kagamitan. Alam kong hindi mo pa alam. Hintay ka lang, sasabihin ko mamaya.
Nagtataka ka kung bakit 5775 ang tawag nila sa kanilang grupo?
Galing sa isang survey na naka base dito sa ating bansa, naitala na ang average grade ng isang Pilipinong estudyante ay 57% habang ang Passing Grade naman ay 75%-kaya 5775 para maipakita ang pagitan ng kakayahan ng isang estudyante para maisama sa isyu ng Educational Crisis. Ang nasabing grupo ay pinilit gumawa ng mga paraan gamit ang kanilang mga programa upang makatulong sa mga bagay na kung susuriin ay matatawag na Critical Needs.
Narito ang ilan:
1. Ang pagsusulong ng tamang nutrisyon sa pammagitan ng Feeding Programs. Nasasaan na ang mga bata ay hindi nakakagawa ng mabuti sa klase dahil sa kakulangan sa tamang nutrisyon.
2. Ang pagbibigay ng libreng mga kagamitan pang-iskwela lalo na ang mga libro para sa mga asignaturang Math, Science at English.
3. Pagpapatayo ng mga imprastraktura gaya ng mga classrooms, day care centers, at iba pang maaring gamitin sa pagtuturo.
----
Maaring maliit na bagay lamang ito para sayo na hindi nalalaman ang kanilang ginagawa ngunit para sa mga nakakalam at sa mga batang natutulugan, tinuturing nilang Blessings ang mga ito.
Halina, tumulong ka rin. Kahit sa maliit na paraan, Daan-daang mga bata ang iyong matutulungan. Tara!
----
Ang kampanyang nasa likod ng grupong ito ay ang I Am Ninoy. Malaking bagay talaga ang nagawa ng kampanyang ito, Maraming Salamat Benigno Aquino Jr. Maraming Salamat, Ninoy.
7 Ang Komento:
May 27, 2009 at 5:19 AM
ah ok n lang! haha.. :)
May 27, 2009 at 5:46 AM
ayos... may bago akong natutunan dito... babalik ako dito..
May 27, 2009 at 5:49 AM
ayus yun gello ah, ngayon ko lang nalaman tong 5775...
May 27, 2009 at 6:13 AM
salamat sa impormasyon pre,sinisilip ko ngayon ang i am ninoy...
May 27, 2009 at 6:36 AM
may ganitong organisasyon pala. bagong kaalaman ito.
inopen ko ang website ng I Am Ninoy. mukhang interesting. mabasa nga...
May 28, 2009 at 12:16 AM
thanks for the info. sana marami pa ang matulungan nito.. God Bless
May 28, 2009 at 3:09 AM
maraming salamat sa inyo. sige lang, support 5775 of I Am Ninoy Campaign :)
Post a Comment