Etiquette? alam ko, alam mo to.
hmm, ano nga ba ang dapat gawin bilang etiquette lalo sa pampublikong transportasyon?
-----
kanina, umalis ako patungong eskelahan para sa isang meeting ng mga organisasyon.
Umulan. asahan na basa, mabaha at maputik ang kalsada.
ano nga ba ang dapat gawin sa mga ganitong oras?
habang nakasakay ako sa isang jeep papuntang school, napuna ko agad ang isang babaeng pumasok sa jeep na may dalang payong na basa. winisik niya ang payong para mabawasan ang nakakapit na tubig para hindi tumulo.
isang lalake ang nag react. " miss, dahan dahan naman po, nakakabasa." ang tanging narinig lamang ay ang tunog ng makina.
ano ang proper etiquette dito?
maari namang atang wag na lang iwisik ang payong dahil obvious na maulan eh mababasa ulit yun. wag ka na lang mangarap na isa kang fairy at yun ang iyong wand.
Sunod, isang babae na nakapalda ang sumakay. maputi. sexy.
sumunod niyang gawin matapos magbayad ay ang magpunas ng binti at paa ng tissue dahil nabasa at lubos na nakalimutan nang siya ay nakapalda. Ang katapat naman nitong mga lalake na animo'y tahimik noon ay parang naging masigla bigla. alam na kung bakit.
ano ang proper etiqutte?
marapat naman atang ipatong ang bag sa palda diba? o kaya nama'y magpalda ng mas mahaba sa rito. isa pa ay ilihis ang pagkakaupo para walang anumang makita diba?
babae na naman ang sunod na sumakay. sa pagkakataong ito, medyo masikip na ang jeep.
maya maya'y napuna kong pinandidilatan ng babae ang lalaking katabi dahil hindi man lang daw nagkusang umipod para makaupo siya kaagad.
proper etiqette: tayo ngayon ay nasa ibang panahon na. tayo ay nasa panahon na ng pagkaka pantay-pantay. hindi obligasyon ng lalake na magpaupo ng isang babae maliban na lamang kung ikaw ay may sakit o may kapansanan. pwede na rin ang sexy. joke lang. :)
-----
sa pagpuna ko, tayong lahat naman ata ngayon ay nasa sapat ng gulang na (maliban kay kox na bukas pa. ü ) kaya dapat, alam na natin ang proper etiquette. nasayo rin yan kung gusto mong maging maganda ang feedback ng iba sayo o kulang na lang ay ibitin ka nila ng patiwarik.
Ikaw? may Proper public etiquette ka ba? :)
4 Ang Komento:
May 30, 2009 at 1:37 AM
haha.. dapat sinabihan mo sila! dapat tinuruan mu,, :) wahaha.. :)
salamat sa fansign :]
May 30, 2009 at 1:50 AM
^
ay ayokong masapak. at isa pa, wala sa isip ko un dahil naiinis ako at basang basa na ako dahil sa pesteng ulan. hehe. :)
♥
May 30, 2009 at 4:45 AM
wahh...kya pla sa bus nagtutulugtulugan nlng ang mga lalake..pra hndi kmi mkaupo khit nkpalda..hmf
May 30, 2009 at 6:06 AM
^
isa pa yan. kailangan nilang matuto ng public transportation etiquette. :)
Post a Comment