may bukas pa..

9AM. Nasa kalagitnaan na ang araw, nagsimula na rin akong maalimpungatan.

Ang unang binigyang pansin, ang aking telepono.

8 ang mensahe. 3 ang galing sa dating kaklase, isa sa kaibigan, 3 ang nagtatanong kung gising na ako. at ang isa:

".pRe, pntA na q0h skuL. kuhA dAw nG grAdEs s CaLculuS. pntA kAh na riN.. gEh."

Pagkabasa ng mensaheng ito, may kumabog sa dibdib ko.

Matapos ang ilang sandali, naligo na ako at nagmadali sa pagpunta sa eskwelahan para kuhanin ang grade sa Calculus. Hindi na ako nakapag almusal sa pagmamadali.

Habang nasa daan ako papuntang eskwelahan, lalong bumibilis ang kabog sa dibdib ko sa paniniwalang malabong pumasa sa naturang asignatura. Nasambit ko na lang sa sarili ko ang kalimitang dasal ng ating mumunting kaibigang si Santino.

"tulungan mo naman po ako Bro, ipasa mo lang to, magaaral na talaga ako. thanks bro, Amen! "

Ilang sandali pa at dumating na ako sa eskwelahan. Ang kabog sa dibdib ko, kasing lakas ng wrecker na nakasalubong ko sa daan habang ginagawa ang kalsada.

Pinilit kong makarating sa takdang Computer Laboratory para tingnan ang aking grade gamit ang sistema ng eswelahan. Pagdating ko sa naturang silid, inintay ko pa ang ilang sandali dahil talagang sobrang kaba ang nasa katawan ko. Maya-maya, napilitan din pumasok.

"Ate, san po ang release ng grades?"

"dun po sa lalake. derecho na po kayo dun."

At pagkarating sa tapat ng lalake, isang nakakatakot na tingin ang sinalubong sa akin sabay hindi ng ID ko.

*tik-tik-tak-tik-tak-tik..click..click..click.*

Ilang segundo pa, may lumabas na papel sa tapat ko galing sa printer. Nakabaliktad.

Lumabas ako ng silid na hawak pa rin ang nakatiklop na papel na hindi ko tinitignan.

Habang papalabas ay wala na kong ibang marinig kundi ang kabog ng dibdib ko. Bago ko buksan ang naturang papel, nagsimula ng mag Drum roll ang musiko sa isip ko. Ilang sandali pa, binuklat ko ang papel. Nanlumo ako ng may nakitang 5.

Sa sandaling yon, bumalik lahat sa akin mula sa aking pagkabata, ang hilig ko noon sa pagaaral, ang sinambit kong nais kong maging isang Engineer at ang walang sawang pagpasok sa eskwelahan.. sumunod ang pagkaka uso ng Counter Strike na sumira ng hilig ko sa pagaaral noong elementarya, ang pagkakaroon ng Ragnarok kung saan mas mahaba pa ang oras ng laro kesa magaral..lahat bumalik hanngang makabalik sa lugar na kinatatayuan ko..at makikita ko, ang grado ko, singko.

Pero isang ngiti ang gumuhit sa aking labi sabay ang isang malakas na pagtawa sabay sambit sa sarili ko, "bobo, number of units ang tiningnan mo, Tres ang grade mo!" ang tumapos sa kadramahang naganap.

Napatalon ako sabay sabing "Yes, Third year na ko!"

..akalain nyo yun, pinakinggan ni Bro ang dasal at mga pangunuglit ko. Thanks talaga Bro.. Amen! :)

naniniwala na talaga akong May Bukas Pa..

-----

Burger burger ~

9 Ang Komento:

  chennn

May 28, 2009 at 6:17 AM

nyaha ayos ah!
integral calculus ba yan??
tres din ako jan wahaha
congrats! :)

  Deth

May 28, 2009 at 6:18 AM

hahahahha...lolz, tawa ako ng tawa anaknang singko- units pala,ahahahah

  Hari ng sablay

May 28, 2009 at 9:56 AM

ngremedial ako sa calculus na yan.hndi rin kasi ako ngaaral ng mabuti. nangongopya lang kasi ako

  Anonymous

May 28, 2009 at 2:54 PM

uy congrats!! go go go!

  saul krisna

May 28, 2009 at 7:41 PM

hahahahaha bagsak ako jan dati pero nid ko talagang pumasa kaya sabi ko sa prof ko..


" sir, ah baka pwedeng kumuha ng special project?"

"tanga!!!! tapos na ang kuhanan ng grades ngayon ka pa kukuha ng special project..."

"pero sige sige... bilhan mo ako ng isang FUNDADOR.... at gagawin kong 3 ang grade mo"

hahaha in short... akoy pumasa dahil sa maBOTENG usapan

  Anonymous

May 28, 2009 at 10:10 PM

kongrats boy!
-mula sa AQUINO FAMILY!
I AM NINOY!

  2ngaw

May 28, 2009 at 11:35 PM

Hehehe :D Congrats brod...

Ang hirap lang, maghihintay pa tayo ng pruweba bago tayo maniwala na anjan lang SYA sa tabi natin palage :)

  © Gello - kun`

May 29, 2009 at 7:19 PM

^

tama ka dyan lord cm.

pero ngayon, nagiba na ang pananaw ko. ngayon pa na parati na nya akong tinutulugan. :)

thanks bro! :)

  Anonymous

May 30, 2009 at 5:24 AM

ngayon lang ulit ako pumunta dito... naks! pasa! eh si sulignum? pasa ba? ang physics nya, pasa rin ba? malapit na enrollment nyo... tiyak ko namang may slot pa para sa inyo... ^_^