nagbalik.

opo, ako po ay nagbalik matapos ang 3 araw na Leadership Training Seminar na ginanap sa aking eskwelahan, De La Salle Lipa.

nakakapagod. nakakaantok. nakakagutom. halos lahat na mararamdaman mo sa LTS na 'yon.

pero totoo nga ang sinasabi nilang Exciting ang LTS.

parang gusto ko ulit maging Officer kahit di pa ko nagsisimula ng term ko at para mapasama na naman sa sunod na LTS.

doon, madami kang makikilala. mga kapwa mo ka org, student leaders, staff at iba pang officers and iba't ibang orgs. ang point ng LTS, bonding ng mga leaders para magtulungan upang mapalago ang bawat organisasyon sa eskwelahan.

at habang nasa LTS, may talk na ginawa. ang bisita, ang tao sa likod ng kampanyang "I Am Ninoy." na kinatuwa ko.

dahil nakalink sa blog kong ito ang I am Ninoy campaign, basahin nyo na lang kung anong meron dito para malaman nyo at mapapahaba at tatamarin kayong basahin ang post ko pag nilagay ko un.

may mga sinabi siya at pinapanood tungkol kay Ninoy.

isa lang ang taning namayani sa silid kung saan ginaganap ng pagpupulong.

Nasyonalismo

ang lahat ay magsisimula, ang iba ay nagsimula ng kumilos upang palaganapin ang pagiging nasyonalista nila kahit sa maliit na paraan.

at ang aking natutunan na gusto kong ipamahagi:

" why am I here? "

Is it because I am a Leader? or because I am a person of influence?

kung ako ang tatanungin, dumalo ako sa seminar para maging isang totoong leader at para maimpluwensyahan ang iba hindi lamang sa mga bagay na nagaganap sa loob ng aking organisasyon kundi para na rin ipalaganap ang pagiging nasyonalista na nagtatago sa aking puso.

para sa lahat, suportahan ang kampanyang "I am Ninoy."



maraming salamat po.

----

"I am a hero.
I do what I believe is right.
I do what i believe is good.
I fight for justice, I fight for freedom.
I am ninoy"

2 Ang Komento:

  Anonymous

May 25, 2009 at 12:35 AM

lolo ko si ninoy :)

  Anonymous

May 25, 2009 at 12:49 AM

sige susuportahan ko yan.. hehe..