Hmm, itong post na ito ang magiging pinaka "blessing" natin sa ating bagong tambayan.
Ano nga ba ang madalas na pagkamalian ng mga Pinoy?
heto ang ilan:
1. " Pabili nga po ng *Colgate, 'yung *Close Up "
- ang karaniwan ng nagiging tawag ng Pinoy sa " toothpaste " ay *Colgate.
- * mga brand ng Toothpaste.
2. " Isarado mo nga ang pinto, lalabas ang aircon. "
- hmm, kelan pa ba nagkaroon ng paa ang aircon?
3. " anak, tumabi ka sa sasakyan ha. "
- edi lalo atang nabangga si anak?
4. " tinuka ako ng ahas! "
- nanunuklaw ang ahas diba? hindi naman nanunuka.
5. " may tonsil ako. "
- lahat naman ata meron diba? baka tonsilitis ung sinasabi mo.
6. " tulog ka na? "
- sagutin ka pa kaya nyan kung tulog na?
7. " lowbat ako eh. "
- ikaw ba ang lowbat at hindi ang battery ng cellphone mo?
8. " charge lang ako. "
- edi ikaw ung isasaksak imbes na ung battery mo?
------
nabasa nyo kung ano ang mga karaniwang kamalian ng Pinoy. Nakakatuwa pero kung susuriin mo, hindi dapat ito gawing katatawanan dahil ito ay senyales ng isang mababang antas ng pakikipagtalastas / pakikipagusap.
sa tingin nyo, tama ba ako?
0 Ang Komento:
Post a Comment