tapos na ang summer class ko sa wakas! yay!
makakapag online na ko ng madalas dahil wala na kong pasok sa sunod na araw. sa June 8 na ulit.
hmm, pero bago matapos ang summer class ko, iniwanan kami ng isang matinding pagsubok. alin pa nga ba, edi ang Final Exam.
2 oras at 10 minuto ang alloted time. ayos. mahaba.
pero sa kasawiang palad, 2 oras na, 5 pa rin ang sagot ko, ang sigurado, meron naman pero hindi ganung karami. 10 ang given. patay.
hmm, hanggang ngayon, di pa rin ako mapakali dahil baka hindi maganda ang resulta ng exam kong yon.
hmm, sabi ko na lang kanina, "pag pumasa ako, magpapaburger ako!"
kaya, pagdasal nyo na pumasa ako para may burger din kayo :)
---
pero kahit tapos na ang aking exam, mawawala pa rin ako ng 2-3 araw dahil sa kaek-ekan ng school namin na Leadership Training Seminar para sa mga officers ng school orgs. sabi nila, exciting. titignan natin.
kaya mawawala ako ng mga 3 araw siguro, wag kayong magalala, mamimiss ko kayo kahit di nyo ko namimiss. :)
at syempre, di pdeng di ko mamimiss ang crush ko.. :) si.. *
ingat ingat na lang po muna. :)
-----
bakit calculator ang title? kasi kaninang nag exam ako, hindi ko nagamit ang calculator ko pero may sagot ako. hulaan nyo na lang kung paano. :)
6 Ang Komento:
May 22, 2009 at 12:39 AM
sino ba yung crush mo?mukhang kilala ko...ayeee... ako ba yun?lols
May 22, 2009 at 4:05 AM
ayiiii.. may crush n xa, hahaha.. dalaga na! ingatz tol :)
May 22, 2009 at 7:01 AM
haay! ako naman miss ko ang pagiging estudyante, gusto ko ulit maramdaman ang pressure hatid ng palapit na exam..
May 22, 2009 at 2:54 PM
ahhhh may crush naman pala.. at un ang sinisikreto mo. haha! ajeeee!!!
sana may chumika sakin kung sino ang da who na ito. haha!
May 23, 2009 at 2:41 AM
minsan mas mainam ang mabait na katabi kesa matalinong calcu wahaha naeexcite naman akong pumasok ulit :D
May 24, 2009 at 6:22 AM
Goodluck sa resulta ng iyong exam! Manalangin ka na lang kay bro. :D
Post a Comment