hapi berday * ♥

Ang naturang araw na ito ay espesyal para sa ating kaibigang si Kox dahil kaarawan niya ngayon.

bilang pagbati at dahil nag rekwes siya, heto ang aking regalo:

narito ang ilang mga litratong nilagyan ng kaartehan na mana sa may berday. hehe.

mga simpleng epeks lang yan, kaya wag nyong pintasan. :)





cute nya noh? :) ang papalag, papaslangin. >:)

nga pala, dahil may pinangako ako sa kanya, eto na un kox..


----

Infatuation man na maituturing ang bagay na ito, marapat na iparating ko na ito sayo bago pa mawalan ng pagkakataon, bago pa mahuli ang lahat.

muli Kox, maligayang bati sa iyong kaarawan.







..ang at tinatanong mo na kung sino ang espesyal na hinahangaan ko, Ikaw 'yun. ♥

----

Happy Birthday Kox ♥ -- *

on the go.

hmm, di ako makatulog. may bumabagabag sa isip ko. kung ano yun? secret.

hmm, mabuti pa e patulan ko ang tag ng ating kaibigang si Chen ng DOTA YellowShoelace.

eto sya oh..


My A-Z Favourites List Tag” , Gello kun`s style :D

alamat – Alamat ng Ampalaya

bagay – Flash Drive

crush – ♥

day – Sabado

empekwey – ha? gaya ng kay chen, South Luzon Empekwey. lol

fish – Apta (alam nyo yan? Batangueño yan.)

gamit – Flash Drive

holiday – Pasko

inumin – Red Tea

japanime – Zero No Tsukaima

kasinungalingan – hindi ko crush si ♥

libangan – brainstorm. lol

motto – "Ang babaeng sswertehin ay ang syang mapapasaakin."

numero – 13

oras – 1:00 am

pwesto - pangatlo sa dulo.

quotation – "if you see a good move, look for a better one."

rason – Tomorrow is another day.. Never say die.

store – 7-11

topak – magblog ng mga artikulong gaya nito.

utuin – ung mga kids.

video – music video.

word/s – aishteru desu~

xmen – gambit

year – 1990

zoo – manila zoo

Public Transportation Etiquette.

Etiquette? alam ko, alam mo to.

hmm, ano nga ba ang dapat gawin bilang etiquette lalo sa pampublikong transportasyon?

-----

kanina, umalis ako patungong eskelahan para sa isang meeting ng mga organisasyon.

Umulan. asahan na basa, mabaha at maputik ang kalsada.

ano nga ba ang dapat gawin sa mga ganitong oras?

habang nakasakay ako sa isang jeep papuntang school, napuna ko agad ang isang babaeng pumasok sa jeep na may dalang payong na basa. winisik niya ang payong para mabawasan ang nakakapit na tubig para hindi tumulo.

isang lalake ang nag react. " miss, dahan dahan naman po, nakakabasa." ang tanging narinig lamang ay ang tunog ng makina.

ano ang proper etiquette dito?

maari namang atang wag na lang iwisik ang payong dahil obvious na maulan eh mababasa ulit yun. wag ka na lang mangarap na isa kang fairy at yun ang iyong wand.

Sunod, isang babae na nakapalda ang sumakay. maputi. sexy.

sumunod niyang gawin matapos magbayad ay ang magpunas ng binti at paa ng tissue dahil nabasa at lubos na nakalimutan nang siya ay nakapalda. Ang katapat naman nitong mga lalake na animo'y tahimik noon ay parang naging masigla bigla. alam na kung bakit.

ano ang proper etiqutte?

marapat naman atang ipatong ang bag sa palda diba? o kaya nama'y magpalda ng mas mahaba sa rito. isa pa ay ilihis ang pagkakaupo para walang anumang makita diba?

babae na naman ang sunod na sumakay. sa pagkakataong ito, medyo masikip na ang jeep.

maya maya'y napuna kong pinandidilatan ng babae ang lalaking katabi dahil hindi man lang daw nagkusang umipod para makaupo siya kaagad.

proper etiqette: tayo ngayon ay nasa ibang panahon na. tayo ay nasa panahon na ng pagkaka pantay-pantay. hindi obligasyon ng lalake na magpaupo ng isang babae maliban na lamang kung ikaw ay may sakit o may kapansanan. pwede na rin ang sexy. joke lang. :)


-----

sa pagpuna ko, tayong lahat naman ata ngayon ay nasa sapat ng gulang na (maliban kay kox na bukas pa. ü ) kaya dapat, alam na natin ang proper etiquette. nasayo rin yan kung gusto mong maging maganda ang feedback ng iba sayo o kulang na lang ay ibitin ka nila ng patiwarik.

Ikaw? may Proper public etiquette ka ba? :)

tomorrow is another day.



nung nakita ko ang commercial na to sa TV, natawa ako. sobra.

pero sa kabila ng pagtawa ko, naalala ko ang aking pagkabata.

elementary days. pasikatan. basketball. ang hindi mapipili, hindi IN sa mga babae sa school. in short, normal na bata ka lang.

at gaya ng inaasahan, nag try out ang inyong lingkod. ginawa ko lahat ng kaya ko. matapos ang ilang oras ng drills, laro at relays, heto ako.. hingal. pawisan.

naulit ito sa loob ng isang linggo at dumating na ang judgement day. tatawagin ang pangalan ng mga pasok sa junior team.

tinawag ang unang pangalan.. tumayo..pangalawang pangalan.. tumayo.. hanggang pang sampung pangalan.

pagkatapos ng pang sampu, tapos na daw ang kuhanan. nakaupo pa rin ako.

kinuha ko ang papel na listahan. nakita kong pang labing isa ako. tinamaan ka nga naman ng magaling oh, isa na lang. siguro isang salang shoot, o naagaw na bola lang ang nagpalagay sakin sa pang labing isang posisyon. wala na akong magagawa. umuwi akong nangingilid ang luha. iniisip ang mangyayari sakin na magiging normal na bata pa rin. bale wala sa mga mata ng mga crush namin.. pagkabata nga naman oh..

gaya ng nasa commercial, may sinalihan din akong patimpalak sa deklamasyon.

syempre, panalo ang inyong lingkod. hindi ko na lang makita ang aking ribbon dahil sa sobrang tagal na.

talagang naaalala ko talaga ang aking pagkabata sa commercial na yun :)

may bukas pa..

9AM. Nasa kalagitnaan na ang araw, nagsimula na rin akong maalimpungatan.

Ang unang binigyang pansin, ang aking telepono.

8 ang mensahe. 3 ang galing sa dating kaklase, isa sa kaibigan, 3 ang nagtatanong kung gising na ako. at ang isa:

".pRe, pntA na q0h skuL. kuhA dAw nG grAdEs s CaLculuS. pntA kAh na riN.. gEh."

Pagkabasa ng mensaheng ito, may kumabog sa dibdib ko.

Matapos ang ilang sandali, naligo na ako at nagmadali sa pagpunta sa eskwelahan para kuhanin ang grade sa Calculus. Hindi na ako nakapag almusal sa pagmamadali.

Habang nasa daan ako papuntang eskwelahan, lalong bumibilis ang kabog sa dibdib ko sa paniniwalang malabong pumasa sa naturang asignatura. Nasambit ko na lang sa sarili ko ang kalimitang dasal ng ating mumunting kaibigang si Santino.

"tulungan mo naman po ako Bro, ipasa mo lang to, magaaral na talaga ako. thanks bro, Amen! "

Ilang sandali pa at dumating na ako sa eskwelahan. Ang kabog sa dibdib ko, kasing lakas ng wrecker na nakasalubong ko sa daan habang ginagawa ang kalsada.

Pinilit kong makarating sa takdang Computer Laboratory para tingnan ang aking grade gamit ang sistema ng eswelahan. Pagdating ko sa naturang silid, inintay ko pa ang ilang sandali dahil talagang sobrang kaba ang nasa katawan ko. Maya-maya, napilitan din pumasok.

"Ate, san po ang release ng grades?"

"dun po sa lalake. derecho na po kayo dun."

At pagkarating sa tapat ng lalake, isang nakakatakot na tingin ang sinalubong sa akin sabay hindi ng ID ko.

*tik-tik-tak-tik-tak-tik..click..click..click.*

Ilang segundo pa, may lumabas na papel sa tapat ko galing sa printer. Nakabaliktad.

Lumabas ako ng silid na hawak pa rin ang nakatiklop na papel na hindi ko tinitignan.

Habang papalabas ay wala na kong ibang marinig kundi ang kabog ng dibdib ko. Bago ko buksan ang naturang papel, nagsimula ng mag Drum roll ang musiko sa isip ko. Ilang sandali pa, binuklat ko ang papel. Nanlumo ako ng may nakitang 5.

Sa sandaling yon, bumalik lahat sa akin mula sa aking pagkabata, ang hilig ko noon sa pagaaral, ang sinambit kong nais kong maging isang Engineer at ang walang sawang pagpasok sa eskwelahan.. sumunod ang pagkaka uso ng Counter Strike na sumira ng hilig ko sa pagaaral noong elementarya, ang pagkakaroon ng Ragnarok kung saan mas mahaba pa ang oras ng laro kesa magaral..lahat bumalik hanngang makabalik sa lugar na kinatatayuan ko..at makikita ko, ang grado ko, singko.

Pero isang ngiti ang gumuhit sa aking labi sabay ang isang malakas na pagtawa sabay sambit sa sarili ko, "bobo, number of units ang tiningnan mo, Tres ang grade mo!" ang tumapos sa kadramahang naganap.

Napatalon ako sabay sabing "Yes, Third year na ko!"

..akalain nyo yun, pinakinggan ni Bro ang dasal at mga pangunuglit ko. Thanks talaga Bro.. Amen! :)

naniniwala na talaga akong May Bukas Pa..

-----

Burger burger ~

5775.

Marahil nagtataka ka kung ano ang ibig sabihin ng mga numerong 'yan?

Ang 5775 ay isang lupon ng mga kompanya na naka base dito sa ating bansa na nagbibigay ng pondo at iba pang klase ng suporta.

Anong klaseng suporta at para saan ang pondo?

Pondo para sa pagpapagawa ng mga imprastraktura at pagbibigay ng libreng kagamitan. Alam kong hindi mo pa alam. Hintay ka lang, sasabihin ko mamaya.

Nagtataka ka kung bakit 5775 ang tawag nila sa kanilang grupo?

Galing sa isang survey na naka base dito sa ating bansa, naitala na ang average grade ng isang Pilipinong estudyante ay 57% habang ang Passing Grade naman ay 75%-kaya 5775 para maipakita ang pagitan ng kakayahan ng isang estudyante para maisama sa isyu ng Educational Crisis. Ang nasabing grupo ay pinilit gumawa ng mga paraan gamit ang kanilang mga programa upang makatulong sa mga bagay na kung susuriin ay matatawag na Critical Needs.

Narito ang ilan:

1. Ang pagsusulong ng tamang nutrisyon sa pammagitan ng Feeding Programs. Nasasaan na ang mga bata ay hindi nakakagawa ng mabuti sa klase dahil sa kakulangan sa tamang nutrisyon.

2. Ang pagbibigay ng libreng mga kagamitan pang-iskwela lalo na ang mga libro para sa mga asignaturang Math, Science at English.

3. Pagpapatayo ng mga imprastraktura gaya ng mga classrooms, day care centers, at iba pang maaring gamitin sa pagtuturo.

----

Maaring maliit na bagay lamang ito para sayo na hindi nalalaman ang kanilang ginagawa ngunit para sa mga nakakalam at sa mga batang natutulugan, tinuturing nilang Blessings ang mga ito.

Halina, tumulong ka rin. Kahit sa maliit na paraan, Daan-daang mga bata ang iyong matutulungan. Tara!

----

Ang kampanyang nasa likod ng grupong ito ay ang I Am Ninoy. Malaking bagay talaga ang nagawa ng kampanyang ito, Maraming Salamat Benigno Aquino Jr. Maraming Salamat, Ninoy.

grand slam.

hmm, hindi ko akalain na magkakaroon ako ng mga awards na mula sa aking mga ka chorva sa mundo ng blogosperyo.

hindi ko akalain na magkakaganito ako sa tunay na buhay.

maraming salamat sa pagtangkilik at pagsuporta sa ating programa..

gusto ko pong ibahagi sa inyo ang aking mga natanggap:

























----

wala pong Barakong Cup Eh kung wala kayo, kaya maraming salamat sa pagsubaybay. kayo ang inspirasyon ko sa pagsulat. Salamat po. :)

free po yan, kuha lang! :)

konting kaalaman.

may nabasa akong artikulo sa Time Magazine tungkol sa paranormal things.

matapos kong basahin, nangako ako sa sarili kong hindi na mapapadalas ang paguwi ko ng gabi.

ano ang laman ng artikulo?

"Did you know that when you walk at night, there's a 30% chance that you're body would be heavier because some some spirits ride at your back?

----

ikaw, papagabi ka pa? :)


upang mabawasan ang kaba at takot na dulot ng artikulong nabasa, naisipan kong tingnan ang umilaw kong cellphone dahil may SMS.

ano ang laman ng SMS?

--Isang eksena ng X-bf at X-gf--

X-BF: mahal kita noon, mas mahal kita ngayon.. pwede bang tayo nalang ulit?

ang mabentang sagot ng X-GF

X-GF: mahal kita noon, maglaway ka ngayon!

---

natawa naman ako dun eh :)

eto isa pang kakornihan na galing din sa cellphone ko:

-----

what is FOLLOWED?

..FOLLOWED

- an act of paying to a cellphone station if maintaining balance is 0.

example: Ate, FOLLOWED nga po ng P25.

----

kurni :))

award.

hm, out of boredom, naisipan kong gumawa ng award. ang award na ito ay para sa aking mga naging kaibigan sa blogosperyo.

hindi nyo lang alam na masaya ako at naging kaibigan ko kayo kahit sa likod lamang ng produkto ng teknolohiya na kung tawagin ay internet.

para ito sa mga web logs na naaaliw akong basahin, mga blogs na marami akong natututunan at sa mga blogs na nagbibigay saya.

kaya kaibigan, para sayo ang award na to!

dahil Barako ang blog mo, para sayo to!




-----

Wala namang kaukulang rules ang award na ito. marapat lamang na ipasa mo ito sa mga kaibigan mo, yun lang po.

Maraming Salamat.

----

Ang award na ito ay para kay:

* Choknat - balik ka na ah?
* Chikletz
* Algene
* Hari ng Sablay
* Jelai
* Kox ♥
* Crisiboy
* Lord CM
* Stupe
* Chase
* Jenskee
* Deth
* Marlon
* Rich
* Violet
* Homer
* Super Gulaman
* Chennn
* PretselMaker

---

maraming salamat po sa inyo! :)

nagbalik.

opo, ako po ay nagbalik matapos ang 3 araw na Leadership Training Seminar na ginanap sa aking eskwelahan, De La Salle Lipa.

nakakapagod. nakakaantok. nakakagutom. halos lahat na mararamdaman mo sa LTS na 'yon.

pero totoo nga ang sinasabi nilang Exciting ang LTS.

parang gusto ko ulit maging Officer kahit di pa ko nagsisimula ng term ko at para mapasama na naman sa sunod na LTS.

doon, madami kang makikilala. mga kapwa mo ka org, student leaders, staff at iba pang officers and iba't ibang orgs. ang point ng LTS, bonding ng mga leaders para magtulungan upang mapalago ang bawat organisasyon sa eskwelahan.

at habang nasa LTS, may talk na ginawa. ang bisita, ang tao sa likod ng kampanyang "I Am Ninoy." na kinatuwa ko.

dahil nakalink sa blog kong ito ang I am Ninoy campaign, basahin nyo na lang kung anong meron dito para malaman nyo at mapapahaba at tatamarin kayong basahin ang post ko pag nilagay ko un.

may mga sinabi siya at pinapanood tungkol kay Ninoy.

isa lang ang taning namayani sa silid kung saan ginaganap ng pagpupulong.

Nasyonalismo

ang lahat ay magsisimula, ang iba ay nagsimula ng kumilos upang palaganapin ang pagiging nasyonalista nila kahit sa maliit na paraan.

at ang aking natutunan na gusto kong ipamahagi:

" why am I here? "

Is it because I am a Leader? or because I am a person of influence?

kung ako ang tatanungin, dumalo ako sa seminar para maging isang totoong leader at para maimpluwensyahan ang iba hindi lamang sa mga bagay na nagaganap sa loob ng aking organisasyon kundi para na rin ipalaganap ang pagiging nasyonalista na nagtatago sa aking puso.

para sa lahat, suportahan ang kampanyang "I am Ninoy."



maraming salamat po.

----

"I am a hero.
I do what I believe is right.
I do what i believe is good.
I fight for justice, I fight for freedom.
I am ninoy"

calculator.

tapos na ang summer class ko sa wakas! yay!

makakapag online na ko ng madalas dahil wala na kong pasok sa sunod na araw. sa June 8 na ulit.

hmm, pero bago matapos ang summer class ko, iniwanan kami ng isang matinding pagsubok. alin pa nga ba, edi ang Final Exam.




2 oras at 10 minuto ang alloted time. ayos. mahaba.

pero sa kasawiang palad, 2 oras na, 5 pa rin ang sagot ko, ang sigurado, meron naman pero hindi ganung karami. 10 ang given. patay.

hmm, hanggang ngayon, di pa rin ako mapakali dahil baka hindi maganda ang resulta ng exam kong yon.

hmm, sabi ko na lang kanina, "pag pumasa ako, magpapaburger ako!"

kaya, pagdasal nyo na pumasa ako para may burger din kayo :)

---

pero kahit tapos na ang aking exam, mawawala pa rin ako ng 2-3 araw dahil sa kaek-ekan ng school namin na Leadership Training Seminar para sa mga officers ng school orgs. sabi nila, exciting. titignan natin.

kaya mawawala ako ng mga 3 araw siguro, wag kayong magalala, mamimiss ko kayo kahit di nyo ko namimiss. :)

at syempre, di pdeng di ko mamimiss ang crush ko.. :) si.. *

ingat ingat na lang po muna. :)


-----

bakit calculator ang title? kasi kaninang nag exam ako, hindi ko nagamit ang calculator ko pero may sagot ako. hulaan nyo na lang kung paano. :)

wag mo ng i-deny.

"'wag i-deny, aminin~!"

- Inday Badiday †

----

tama nga naman, wag ng i-deny. sabihin na kung obvious naman. :)

isang kowt tungkol sa deny-chever na ito:

"Don't deny yourself on things you want. Because what is denied becomes strongly desired."

----

salamat sa pagbasa. :)

@crush - salamat sa pagbisita. yay, saya ko na naman :) goodluck sakin ~ yaan mo, neks time, aaminin ko na :)

hindi maganda yan.

hm, hindi talaga maganda ang araw na to para sakin.

bakit?

* tinanghali ako ng gising para sa aking summer class.

* nang papasok na ako sa building, hindi gumana ang ID ko sa turnstile*, nung tingnan ko, biyak pala ang ID ko.

* nakalimutan ko ang aking panyo sa bahay.

* developing bad hair day(s).

* nang nasa kalagitnaan ng pagteteks, naputol ang unli at naubusan ng load.

* binigay ang resulta ng Quiz 2 at Midterm Exam, bagsak pareho. bwiset na calculus yan.

* natalo ako ng Highschool Chess trainee kanina. nawawalan na kasi ng practice.

* natalo sa DOTA. 3-8 ang standing ko nun pangalawa pero halimaw noong una. 12-2.

* tinarayan.

* walang maisip i-post sa ngayon.


----

ano na to? bakit ganito? TAMARITIS na naman ba ito? err! wag naman sana.


----

* - ito ung nakikita natin sa MRT / LRT na may harang na bakal na kailangan i-swipe ang card para makadaan. may ganun ang harapan ng building namin.




----

@crush, hello. bisita ka naman dito :) salamat ~

search for love.



"We may fall in love fast but it won't last.
We may flirt and take off shirts easily but it wasn't worth it.
We may have flings even if we already have rings and still end up with the one who gave that ring to us..

.. People are everywhere.. But love is the one that is truly hard to find."



-----

tama naman diga? ang hirap naman kasi talagang hanapin ng pagibig na yan. tago ng tago. *komiko naman kasi, magpakita ka naaa!

-----

* - ang pangalan po ay pawang kathang isip lamang. anumang pagkakahawig sa tunay na buhay ay hindi sinasadya. LOL. :)

title.

Chronicles of Narnia: The Lion, The Witch and the Wardrobe

Pirates of the Carribean: Curse of the Black Pearl


Nauuso na ang mga titles ng pelikula na mahahaba diba?

kaya pag ako gumawa ng title ng isang pelikula, hahabaan ko rin ang title.

example?

eto:



"BASILAN: Ang kalunoslunos at karumaldumal na kalagayan ng mga sundalo
sa mata ng digmaan sa katimugang Pilipinas laban sa mga bandidong
muslim na bumalik ng buhay subalit kailanma'y
hindi maghihilom ang sugat at laman ng isipan..
Volume 1 "


---

ayos? :))

karangalan.

meron na naman akong award(s) galing sa aking mga kaibigan dito sa blogosperyo.

hindi lamang ito simpleng badge para sa akin ngunit para na ring karangalan na natanggap.

maraming salamat sa pagtitiwala at pagbibigay sakin ng naturang mga awards:

----

Ang Interesting Blog Award mula kay Crisiboy ng Jologs na Yuppie.

Maraming salamat kaibigan.



-----

at ang I Love Your Blog Award galing kay muli kay Choknat at Crisiboy.

maraming salamat sa inyong dalawa.



----

dahil may rules ang dalawang awards na ito, i-tatag ko ang mga awards na ito sa inyo. hanapin nyo na lang ang inyong blog title sa ibaba:

* sa aking unang kaibigang si Choknat ng Highway 22
* Akdang Malaya
* Albertology
* Ang buhay ay parang sine
* Blagblagan
* Doraemon
* Footprints on my heart
* Hangout
* Jen's Misadventues
* Jologs Na Yuppie
* Kornchops
* MindDeth
* My Deviation
* My Orange Vest
* My Talambuhay
* Pensive Mind
* Piece Of My Passion
* Pretsel Maker
* Rainbow Bliss
* Rainedrops
* Rich Girl
* Silip
* Sober Fruitcake
* Staying Alive
* Super Gulaman
* The Coffee Chic
* The Dungeon
* Usapang Binobogart
* Yellow Shoelace

colorful.

sabi nila, makulay ang buhay.

hindi dahil sa sinabawang gulay kundi dahil sa mga taong nakapalibot sa'yo.

isang ideya lamang ito na pumasok sa isip ko ngayon-ngayon lang.

----



magiging makulay ang buhay pag..


..umulan ng water color. :)


----


huling post na ito. basahin n'yo na lang ang posts ko. salamat.

ang tamis ng pasasalamat.

ang post na ito ay tungkol sa pasasalamat na bigay ni Algene ng The Coffee Chic.

hindi ko akalain na magiging special mention ako sa post na yon. (wala pong ibang ibig sabihin yun.) marahil magandang bagay ang akin nagawa para mapahiwalay ang pangalan ko sa iba, pero likas lang naman sa akin yun. (hindi po sa pagyayabang.)

kaya Algene, walang anuman sa aking ginawang simpleng pagbati at salamat. :)


hm, bakit may tamis sa aking title?

kasi ang dessert ko mamaya ay grahams na gawa namin ng aking ina.





walang hihingi dahil hindi ako namimigay hehe :) -- iinggitin ko kayo. peace po ~ :)

It's Joke Time ü

Ang mga jokes na ito ay mula sa amin dito sa Batangas.

halika, pakinggan mo at matawa ka sa aming punto. :)




----

Ayos ga? :)

daisy - ocho.

Huli man ang pagbati, hindi pa rin nawawala ang "sense" ng mensaheng ito.

marahil isang pangkaraniwang salita na naririnig taon-taon galing sa iba't ibang tao, ngunit nagbibigay minsan ng kakaibang ligaya.

sana, napasaya kita.

Para kay kaibigang Algene ng The Coffee Chic..

Happy 18th Birthday!


----



ito ang magsisilbing regalo ko para sayo. pasensya na sa huling pagbati.

Batang Babae sa Jeep.

Kaninang tanghali, nagmadali akong umalis sa amin upang pumunta sa isang piyestahan. Ang piyestahan ay hindi gaanong malaipit sa amin ngunit malapit sa ating ka blog na si Stupidient. Sa katunayan, inimbitahan nga niya ako ngunit hindi ko naman alam ang kanilang bahay para makapunta.

Sumakay ako ng jeep, ang pinaka sikat na pampublikong transportasyon dito sa amin dahil mura lang ang pamasahe. Pagkasakay ko, agad kong inabot ang aking bayad upang iwasan ang isang insidenteng nakalimutan kong magbayad at naantala ang pag byahe ng naturang sasakyan. Habang inaabot ko ang aking bayad, natanaw ko ang isang batang babae na katabi ng driver na s'yang kumuha ng aking bayad. Kung titingnang mabuti at uusisain sa iyong isipan, mistulang anak ng driver ang batang babae. (pasensya na kayo at hindi ko nakuhanan ng litrato)

Ang aking post na ito ay hindi talaga patungkol sa bata na nakita ko, kundi sa ideyang bakit ang batang ito ay kasakasama ng kanyang ama sa pamamasada imbes na nagaaral o naglalaro kasama ang ibang bata. (inisantabi ko na bakasyon ngayon.)

Ano ang aking nais ipahiwatig?


Bakit ang batang ito ay kasama ng magulang sa pagttrabaho imbes na naglalaro o kaya'y nasa bahay lamang? Mukhang hindi siya namulat sa kamusmusan at sarap ng pagiging bata sa kadahilanang mas binibigyang prayoridad niya ang mga bagay na para sa pamilya imbes na sa pansariling saya na kadalasang naiisip ng tipikal na kabataan.

Ganito na ba kahirap ang buhay ay kahit ang mga bata ay nakakaranas na ng hindi pagdaan sa kamusmusan at sarap ng buhay-bata?

Marahil mapalad ang ilan sa atin, kaya't ipagpasalamat natin ito.

engagement.

Isang ideya tungkol sa walang sawang pagmamahal at pang matagalang relasyon:



A romantic love is not a one-night stand nor a series of cumshots. It's a long-term engagement between two private organs.

The Hearts.

sikreto.

Likas na ang pagiging mahiyain sa pagsasabi ng "sikreto" lalo na pag maraming indibidwal ang nasa paligid o may koneksyon na maaring makarinig, makabasa at makakita.

May isang teknik kung paano ka makakapagtago ng isang mensahe sa mga litrato gamit ang teknolohiya.

gusto mo ng halimbawa? eto oh:



Sundin ito

1. i-save ang litratong ito na .jpg

2. tignan kung ano ang meron sa litratong ito.

3. subukang gawing .rar ang extension ng litratong ito. (gumamit ng google kung hindi alam kung paano.)

4. buksan ang magagawang .rar na file.


-----

gets? :)

Crack Gello's Code.

hmm, ayon sa post ni stupidient tungkol sa mga codes at ciphertext, hindi naman sa gagayahin ko siya pero gusto ko lang mag post ng isang "top secret" message gamit ang encryption ng isang program.
ang ginamit kong program ay: Encryption and Decryption . hanapin nyo na lang kung gusto nyo basahin ang code na to:

208C4991AE65031C495EE3C4DF8B3B31CB298
FCAE2AB10841AF3E99A9A6A6E596BCBD50691
7475C79F73221E589C7FA52795C2ADF70C74B
0E11B94D6C0CE132228181*17326*003B537B
7FEE5FF575D061182997A50D7111D51468537
BCCEB1128C94AA4E2802*46D7LJrY8zOk6P8y
lYaKpeb53Wh/H5R/bhlyil2h90FNL1eVvryR5
ckYv+1CSW3cjqOeDWplrkootdc3dMafeoDfgG
3CGIme+ZmCRpNJUYafTPfwGPhzMYDuzHDjIiQ
jfaOSz8EyeEPO82NIrrdT58mvlaOxIfg4mX4A
++HavV7RSARHhGX/XMfLj1DIFyqBZl15MkKSa
rbny5PbAu4Lbga5qtzTnEauDBTox5ZYjcCZWJ
TEqDk8x/ZjeNfnIrcNQCkJ8cQQGE+DZuFaPB4
06TvSEzgfaLIMORIIAoN36zSBdfjunJWFuyGO
Adzpuaj7LrDy7zUnS/1G1ZSw5mkj9A==

----

ipaste nyo dun sa iisang linya lamang. walang spaces at "enter"
ayan, sa mga makakadownload ng program, ang password ng aking encryption ay "1"

magets nyo sana :)

Crack The Code.

Dahil malapit na nga ang inaantabayanan nating "Angels And Demons" ni Dan Brown, sabi ni Stupidient ay dapat coded ang post.

kaya eto, sa mga fanatics ni Dan Brown, hinahamon ko kayong sagutin ang simpleng code na ito.

sa unang makakasagot, magiisip pa ako ng premyo. hehe :)

eto ang code:


B L Y I A E U A A S N N T N M O G A I G O L C I N K N V O T A A G E D O


-----

Hint: Caesar's Box.


----

* ito na pala ang aking ika - 100 na post. yay~!

buhangin.

the sand taught me one thing:

You can't hold too many things, no matter what you do to make them stay, and no matter how much they want to stay, the wind will always blow them away..

So learn to let go and choose carefully which you want to stay, because like the sand, only those which are in the center of your palm will last.




-----

'wag bitawan ang mga bagay na hindi mo kayang mawala sa'yo. Ipaglaban mo hangga't kaya mo.


-----

*magandang gabi sa mga mambabasa. kelangan ng pahinga, baka bukas na ang resume ng programa.

Ina,

Mommy, Mhie, 'Nay, Nanay, Inay, Madir.. etc.

ano pa nga bang ibang tawag sa ating mga Ina?

sa tingin ko, di na importante kung anong tawag mo sa kanya.

ang mahalaga, araw nya ngayon.

hindi mo man masabi ito ng personal sa inyo sa kadahilanang dala ng pagiging mahiyain at hindi pagiging "showy," gusto kong malaman n'yo na pinagmamalaki ko kayo at mahal na mahal ko kayo.



Mommy at Inay, (lola) gusto ko kayong pasalamatan at batiin ng Happy Mother's Day!


----

sa mga nagbabasa nito, Happy Mother's Day din sa inyong mga Ina :)

burda.

Isang damit. Kulay abo. Anong meron?

Wala naman.

Meron lang siyang nais ipahiwatig.

Kung ano 'yun, heto o, tignan mo:



-----

Oo nga naman, nakakalungkot mang isipin, pero totoo.

bulilit . . sanay sa masikip.

Natutuwa ako sa commercial ng isang kompanya ng Real Estate.

un bang " bulilit bulilit, sanay sa masikip. kung kumilos.... "

at habang nasa katawan ko lang kanina ay magkahalong inip at antok, pumasok sa isip ko..

paano kaya kung yung bata sa comercial at mataba. ano kayang kanta?

maari kayang kantahin ang:

"damulag damulag, ayaw sa masikip.. kung kumilos kumilos, yumayanig yanig. . "


-----

napagtanto ko rin na pag talagang tamad na tamad ka na at antok na antok ka ay mas madaling pasukin ng kakornihan ang utak.

ulan.

hmm, ngayon lang ako nakarating sa bahay at nakaupo sa sa upuan na ako ang pinakamadalas na nauupo. ang upuan sa harap ng computer.

kung bakit ngayon lang ako nakarating?

nagkaroon ng isang Leadership Training Seminar para sa mga Organizations kanina sa eskwelahan, at kung mamalasin ka nga naman, nakasama ang inyong lingkod sa mga dapat umatend. kasali daw ang Executive Vice President.

medyo masaya noong una, dahil may palaro. . ngunit habang tumatagal, nagiging nakakainip na dahil siguro nakakatamad na yung mga laro. lumipas ang ilan pang sandali, eto na.. Meryenda.

thumbs up kami kasi libre ang meryenda. kahit hindi ganun yung inaasahan namin, pinagtyagaan na rin namin.

ilang sandali pa, balik na naman sa dati.. mga talks na naman galing sa iba't ibang speakers. dahil tinatamad ako makinig, kinuha ko ang aking cellphone para magteks. may isang mensahe. isang kalokohang mensahe na nagbigay aliw sakin sa mga oras na yung na wala akong ibang maramdaman kundi pagkatamad at antok.

ano ang laman ng teks? ito:

CUTE BA AKO?

if yes, no need to reply. if no, iteks mo sakin ang tagalog ng toothpaste, dinosaur, aquarium at calculator.

malalim akong nagisip dahil di ako papayag sa teks nyang iyon. malas at calculator lang ang alam ko ang tagalog.

Talapindutan

sandaling nalingat lang ako, Tanghalian na. at matapos nito, wala ng interesanteng nangyare maliban na lang bago ako umuwi. ang kaninang napaka banas / init na umaga ay naging isang maulan na hapon. at ano pa? Stranded syempre.

kaya Gello, tandaan. magdala na ng payong kahit minsan ay pabigat lang sa bag. :)

pangarap.

lahat naman tayo may pangarap diba?

hmm, siguro kaya nila sinasabing pangarap kasi un ung mga bagay na malabong mangyari..

pero sakin, ang pangarap ay mga bagay na nhihintay lang ng tamang panahon para mangyari.

heto ang ilan sa mga pangarap ko:

----

Pangarap kong..


..mahalin ako ng tao na ako ang una sa listahan ng prayoridad n'ya,

..'yung masungit sa iba dahil alam nya na magseselos ako,

..'yung walang ibang bukambibig kundi ako,

..'yung taong di ako bibigyan ng dahilan para magduda,

..taong may pangarap sa aming dalawa..


..pero ang pinaka gusto ko, 'yung alam kung ano ang ibig sabihin ng Sorry at alam kung sino ang may kasalanan.

..'yung taong marunong umintindi.



hindi ko ito itinuturing na pangarap dahil alam ko, darating ang taong ito.. tamang panahon at tamang oras lang.

handa naman akong maghintay eh, bago ang bettery ng relo ko. :)


-------



Sometimes words are not enough to make someone feel that we care for them. Sometimes, it needs a little effort to convince them that we exist.

- random quotation.


--------



sa mga patuloy na bumabasa, salamat. Walang Barakong Cup Eh kung wala kayo. :)

Ako Mismo!

Ako Mismo.

Ito ang pinaka bagong kilusan na nabuo upang ipalaganap ang Nasyonalismo. Isang organisasyon na kung saan hinihimok ang bawat isang Pilipino na gawin ang kanyang trabaho bilang isang mamamayang Pilipino.

Ang Ako Mismo ay para sa'yo.. Oo, sayo.

Ang patalastas na ito ay makatawag - pansin at totoo. Ayon dito, ang mas mabigat na problema ng ating bansa maliban sa kahirapan at korapsyon ay ang kawalan ng pag-asa -- kawalan ng pag-asa na hahantong sa kawalan ng pagmamahal sa ating bayan.

Nirerekomenda ko sa inyo na bisitahin ang site ng Ako Mismo at ibigay ang inyong pangako. Ako, nangako na.

Heto naman ang " Dog Tag " na ginagamit nilang simbolo ng kanilang organisasyon:



" Ako Mismo is using the dog tag in its advertising campaign to identify the brave Filipinos who are taking a stand against apathy; those who have decided to fight the indifference that is plaguing our country. No more complaints, no more excuses. Wearing the Ako Mismo dog tag is a sign of the commitment to do something, big or small, for the country. "

-----

Simulan ang pagbabago. Ako mismo, Tayo mismo.

berdeng kaisipan

Marahil, ang inyong unang naisip tungkol sa title ng aking artikulong ito ay nagpapahiwatig ng kalaswaan.

Sige, sabihin na natin na meron. Kung sa pagiisip at pagkakaintindi ng ng iba ay meron, sige meron.

Ngunit sigurado ako, na ang mga taong wastong bagay ang iniisip tungkol dito ay hindi magiisip o magaakala na may intensyon akong maglathala ng kalaswaan sa artikulong ito.


--------

Ito ay isang artikulong nakita ko:

" PROOF THAT FLATCHESTED GIRLS ARE BETTER: "

" REMEMBER, WHEN A GIRL WITH A FLAT CHEST HUGS YOU, SHE'S HOLDING YOU CLOSER TO HER HEART. "


Tama nga naman diba? Sa mga taong masyadong nabiyayaan(alam n'yo na yun.), hindi ito pag tuligsa at pagkukumpara sa inyo. At sa mga taong hindi masyadong naambunan ng grasya, ito ay isang bagay lamang na nagpapatungkol na hindi kayo nalalamangan ng iba, marahil sa ibang bagay pero kung sa ganitong aspeto, pantay lang kayo.


----

eh ano bang gusto mo, ung sobra sa biyaya o 'yung kulang?

kolehiyo.

Opo, tama po kayo. Kolehiyo.

Ako ngayon ay kasalukuyang nasa ika - 2 at kalahating taon ko na sa Kolehiyo. (on going summer class bago maging 3rd year kaya 2 at kalahati lang. hehe)

kumukuha ng kursong Engineering na hindi ko alam kung talagang angkop para sa akin o kung talagang kaya ko.

Wag kayong magalala, hindi tungkol sa pagaaral ang ilalathala ko ngayon sa artikulong ito kundi may patungkol lang sa buhay kolehiyo. Sa mga matatanda na, makakarelate kayo, sa mga bata pa at magiging kolehiyo pa lamang, magmimistula itong payo para sa inyo.


-----

Pag dating mo sa unang taon ng kolehiyo, syempre, lahat ng nasa paligid mo kasama ng nasa isipan mo, BAGO

Bagong rooms, bagong classmates, bagong school. . bago lahat maliban na lang kung kagaya kitang labintatlong taon na sa aking eskwelahan. Ang dahilan, hindi ko alam kung bakit. Wag na nating pagusapan 'yun dahil wala ng interesante doon.

Habang tumatagal, nakikilala mo ng unti unti ang iyong mga kaklase. Ang mga taong kinahihiyaan mo noon at hindi mo maimikan ay nagsisimula mo ng maging kadaldalan at kasama sa araw araw na Trip.

At dito na nagsisimula. Dito na magmumula ang tanong na:

" tol, papasok ka? "


Syempre, sasagot ka ng isang mapanuksong sagot:

" ikaw? "


Dadagdagan pa ng:

" ewan ko nga eh.. "

At syempre, hahantong na yan sa katagang:

" tara, wag na tayong pumasok. "


At yun, alam na. Ang minsang nagsimula ay unti unti ng mapapdalas.

Ang resulta? Itanong nyo na lang sa kanila.

Sa mga matatanda na ngunit young at heart,

Sarap balikan ng kolehiyo diba? Nagagawa mo lahat

at sa mga bata pa lang na nalalapit ng makatungtong ng kolehiyo, nawa'y magsilbing aral ito sa inyo na wag magpadala sa mga B.I. na kaklase hehe.

Pero ang pinaka tamang bagay ukol dito, nasa sainyo naman yan, sumama ka man o hindi, basta alam mong tama ang ginagawa mo at tama sa paningin ng iba, ayos yan!


-----


papasok pa bukas, kailangan ng lumisan. magbabalik bukas. kaibigan, halika muna ng makapag kape. Barakong Cup Eh, Pagkakasarap nare!

pangkaraniwang kamalian.

Hmm, itong post na ito ang magiging pinaka "blessing" natin sa ating bagong tambayan.


Ano nga ba ang madalas na pagkamalian ng mga Pinoy?

heto ang ilan:


1. " Pabili nga po ng *Colgate, 'yung *Close Up "

- ang karaniwan ng nagiging tawag ng Pinoy sa " toothpaste " ay *Colgate.
- * mga brand ng Toothpaste.


2. " Isarado mo nga ang pinto, lalabas ang aircon. "

- hmm, kelan pa ba nagkaroon ng paa ang aircon?


3. " anak, tumabi ka sa sasakyan ha. "

- edi lalo atang nabangga si anak?


4. " tinuka ako ng ahas! "

- nanunuklaw ang ahas diba? hindi naman nanunuka.


5. " may tonsil ako. "

- lahat naman ata meron diba? baka tonsilitis ung sinasabi mo.


6. " tulog ka na? "

- sagutin ka pa kaya nyan kung tulog na?


7. " lowbat ako eh. "

- ikaw ba ang lowbat at hindi ang battery ng cellphone mo?


8. " charge lang ako. "

- edi ikaw ung isasaksak imbes na ung battery mo?



------

nabasa nyo kung ano ang mga karaniwang kamalian ng Pinoy. Nakakatuwa pero kung susuriin mo, hindi dapat ito gawing katatawanan dahil ito ay senyales ng isang mababang antas ng pakikipagtalastas / pakikipagusap.

sa tingin nyo, tama ba ako?

malawakang pagbabago.

heto na.. bago na ang ating tambayan..

hindi na sya ang makalumang " Malevolic Demise " o sa tagalog ay Malungkot Na Pagtatapos.

dahil naisip ko, ilathala at ipakita sa mundo, batangueño ako.


Magbibigay saya ito.. paano, Barakong Cup Eh!


------

ipagpatuloy ang pagtangkilik.

ideyang bumabagabag.

Eto ang isang ideya na ilang araw ng nagpupumiglas sa aking isipan upang ilabas at ilathala. .

Para ipaalam din sa iba at para malaman kung sino rin ang mga taong naiisip ang kaparehong bagay na naiisip ko:



Hindi lahat ng bagay na hindi mo maintindihan ay pawang kasinungalingan at hindi lahat ng kaya at madali mong naiintindihan ay ang katotohanan.


-----



bakit ang luha, di mo mapigilang pumatak



..lalo na pag nahikab?


nalabo tuloy ang tingin ko sa monitor. ü



------



salamat sa walang humpay na pag suporta sa ating programa :)

puso.

Did you know that the heart has no pain receptors?

-----

Oo, walang pain receptor ang ating mga puso. Kung kaya't sa tuwing nasasaktan tayo lalo na kung may patungkol sa pagmamahal, Move on lang.

Ang sakit na nadarama ay isang ilusyon lamang.


A temporary psychological disturbance that need to be overcome.


----

gaya nga ng sabi ng isa nating kaibigan na si Jet ng Public Static:

Your heart shall only be used for it's purpose -- pump blood and nothing else.


----

sana, may natutunan kayo sa kaunti kong naibahagi. :)


salamat sa mga mambabasa at patuloy na tumatangkilik sa ating programa :)


----

paalam kaibigan, babalik ako bukas dala ang mas maraming idea para ibahagi sa inyo. magandang gabi.

sulat kamay.

Dahil na - tag ako ni Algene ng The Coffee Chic, eto ang aking handwriting sabi nila at scribbles naman sabi ko:

Normal Handwriting:




My so-called Engineering Lettering





Deth of Minddeth
Crisiboy of Jologs Na Yuppie
Chikletz of My Orange Vest
Ghera of Subtle Mind
Hari ng Sablay of My Talambuhay
Kox of Kornchops

Point.

Here are some points to share. Kindly think of these:


1. Enjoy being alive. There's plenty of time to be dead.

2. Sometimes, nobody really cares if you are miserable so, you might as well be happy.

3. If you can't solve it, it's not a problem -- it's reality

4. Happiness is like perfume; you can't pour unto others without getting few drops on yourself.

5. If all good things must come to an end, then don't worry -- all bad things eventually would end too.


-----

Some things that can be called reality itself. Agree?

Rush?

" Slow down and enjoy life. It's not only the scenery you miss by going too fast ­--you also miss the sense of where you are going and why. "


----

Hmm, siguro naman naintindihan mo ang gustong iparating ng mensahe sa itaas.

Isang maituturing na aral. At kung ano 'yun?

Don't rush things.

Wag mong madaliin ang bawat bagay. May kaukulang oras para dyan, it's just a matter of when.



------

hmm, tinatamad na ko. walang active na bloggers. bukas na lang ulit. magandang gabi sa lahat. :)

panaginip. .

Isang idea na gusto kong ibahagi sa inyo:


----

Never stop believing that dreams really do come true, but don't just wait in behalf of fate. If you ever feel that you're running out of options to take, then make one.


As Bruce Almighty (role played by Jim Carey) once said, "be the miracle."

Don't wait for things to happen; Make them happen.


------


'wag mo nga namang intayin na mangyari ang isang bagay, dapat gumagawa ka rin ng paraan para mangyari 'yun. Diba, mas masarap ang pakiramdam ng isang bagay kung pinaghirapan mo ito kaysa sa basta na lang nakuha?

Ikaw, isipin mo: Tama ba ang sinasabi ko o mukha lang nagloloko?



-----


* sa kadahilanan na wala ng masyadong aktibo ngayong araw na 'to, babalik na lang ang ating programa bukas. ingat sa mga bloggers.

Free

To be free is just a feeling; freedom is not the absence of commitments..

but the ability to choose and commit yourself to do what is best for you.




-----

Don't force yourself to have a lot of commitments. Nobody knows if what you're doing is the best thing that suites you. Pause for a while. Think twice if needed because whatever you do, it shows who you really is. It's what defies you.

wala.

walang maisip na ilagay bilang artikulo..

wala rin taong natambay sa pahina ko..

walang makatambayan..

walang makausap..

tinatamad?



baka sumpungin na naman ako ng katamaran ko..


------

hmm, sana may maisip akong magandang idea na mai-post. . para dumami ang mga taong natambay dito sa pahina ko. :(



...