a sudden twist.

Yeah, I have a twist to make here in my blog site.

Before, this site has its forte language in English.

But now, due to public demand (hindi dahil nauubos na ang english ko. lol) at dahil na rin sa mga Pilipinong bloggers, ginagawa ko ng bilingual ang blog kong ito.

Opo, tama po kayo. Maari ng magtagalog sa pagkokomento, pagrereact at pagbibigay na rin ng impormasyon at mga mensahe.

Kala ko noong una, hindi papatok ang tagalog na blog. Kaya pinilit kong magaral ng husto ng wikang ingles para sa plano kong blog. Pero nagkamali ako. Hindi ko lubos maisip na sana, hindi ko na lang pinaghirapang aralin ang mga 'yon dahil kung simula pa lamang ay ginamit ko na ang wikang Filipino, hindi sana ganito ang blog ko ngayon.

Hindi naman po dahil sa pagyayabang o sa kung anong maka hatak - atensyon kaya ko ginawa ang ganun. Siguro ay may inspirasyon lang ako noong nagdaang mga panahon kung kaya't sinikap kong gawin ang blog na ito sa wikang ingles.

Sa mga nakaintindi at mga malalawak ang pangunawa, Maraming Salamat Po.

Kaya't magmula ngayon, maaari ng gamitin ang maalin sa dalawang lengwahe.

Binago ko ito, dahil nasa puso ko pa rin ang damdaming Pilipino.



Kaibigan, Salamat!

3 Ang Komento:

  Hari ng sablay

April 26, 2009 at 8:01 AM

ayos at mdali ng basahin ang mga entry mo,lols

ako din tnangka kong inglisin ang blog ko dati,pero ilan lng ang alam kong inglis word,nkakahiya naman kung uulit ulitin ko,haha

ang una kong ntutunang inglis word ay 'handsome'. yun un eh!haha sabi sakin ng lola ko un.

  © Gello - kun`

April 26, 2009 at 8:21 AM

hahaha! sa totoo lang, hindi ako magaling sa ingles. meron lang talaga akong alam kakabasa ng mga ingles na artikulo kaya natuto rin.

ngayon, mas masaya na ang paglilimbag ko. maiintindihan na ng lahat sa madaling paraan.

ay yung handsome, tinuro na rin sakin un eh. sinasabi lagi sakin un. lol

  Deth

April 26, 2009 at 5:42 PM

hay salamat, hindi na ko nosebleed parati...ahahaha