Siguro sa inyo, katuwaan. Matatawa kayo.
Sakin kasi, natawa rin sandali pero naisip ko, talagang mapaglaro ang tadhana.
Unang una, bago ako pumasok sa Faculty Room ng Engineering teachers, nakita ko ang isang malaking papel na nakapaskil sa harapan ng pinto.
Please Use The Other Door --->
Kung iisipin, ung kabilang pinto ang bubuksan mo diba? Pero bakit ganun? Ang pintong pinagkakapitan ng papel na 'yun ang nakabukas? Di na ko pumasok at pinaabot ang aking papel sa isang kamagaral.(natatakot ako, baka sabihin di ko binabasa ung nasa pinto.ü )
Please use the other door ka dyan, yan naman ang bukas..
sumunod naman, matapos kong ipaabot ang aking papel, dumeretso ako sa comfort room. naghugas ako ng kamay at 'yun na ang magandang nangyari.
Napalakas ang bukas ko ng gripo kaya malakas ang pagtalsik ng tubig. Basa ang damit ko. Hindi lang ang damit ko, panti pantalon ko. Bwishet!
nang pumasok ako sa classroom, tatawa tawa sila at tila sinasabi: yuck! he made wee wee all over his pants oh!
at ayun na, ako na ang simula ng usapan. Hindi ko sila pinapansin. Gusto ko mag concentrate sa pagsasagot.
ngunit nilaro na naman ako ng mapaglarong tadhana. Walang tinta si bolpen. Bwisit.
habang naghahanap ako ng magagamit na bolpen, nasabi ko na lang sa isip ko: may araw ka ring tadhana ka! ( as if kaya kong syang patulan. siguro un ay epekto lamang ng pagiging wala sa katinuan dahil sa inaaral. hehe )
natapos ang lahat..uuwi na rin ako sa wakas.
nang nasa daan na ako pauwi, ayun na. ang pinaka masaya. wala akong payong na dala dahil kampante akong hindi uulan. sumilip ang ating haring araw at tila binulong sa akin, "nagrereklamo ka na mainit diba? alis muna ako ha?
at yun na. umulan na. bahagya akong nabasa. bwishet!
--------
Mga natutunan ko:
1. 'wag matakot magbaka sakali. buksan ang pinto. hindi mo alam kung papagalitan ko o hindi.
2. dahan dahan lang ang bukas ng gripo. ayos lang na ikaw ang magmadali palabas, wag lang tubig sa gripo.
3. magdala ng payong kahit mabigat sa bag lalo na kung mainit sa umaga.
6 Ang Komento:
April 29, 2009 at 2:56 AM
hehe..may mga araw tlgang gnyan..chillax lng.hehe
April 29, 2009 at 3:05 AM
hmm, sanayan lang talaga. :) exlinks tayo :)
April 29, 2009 at 3:12 AM
haaysss...buhay eskwelahan nga nman oh... yan ang ma-mimiss mo pag-graduate mo na...
mahigit sa limang taon na din akong graduate...but still gusto ko pa din bumalik sa paaralan...namiss ko ang calculus 1, 2, 3, ang complex analysis, ang advacal 1, 2, 3...ang differential equations, ang solid mensurations, ang samu't saring pangpadugo sa utak...lahat yun na miss ko...
April 29, 2009 at 3:21 AM
hmm. wala na . ganun na talaga. kaya nga kahit mahirap, gusto ko ituloy to kasi nga sabi nila, wala ng ganan sa tunay na buhay pagkatapos ng pagaaral. :) salamat kaibigan, paalam sumandali.
April 29, 2009 at 3:47 AM
wahahahaa!! na2wa nman ako dun!
kung siniswerte nga naman!! hahaha..
ganyan talaga tadhana..wag ka ng umangal may araw din na swe2rtihin ka ng bongangbonga!
April 29, 2009 at 5:12 PM
@ ghera
maswerte lang talaga ako :)
Post a Comment