sakin ka nga nakahawak ng mahigpit, ngunit sa kanya ka naman nakatingin.
-----
* mensahe ng isang nagseselos na optical mouse na nagbibitter sa isang monitor.
Nakakatawa diba? 'Yun ang iyong magiging unang reaksyon sa artikulong ito.
Pero ang aking gustong iparating kasama ng linyang nabaggit ay kung bakit kailangan mong maging bitter?
Hindi ba't masaya at magaan sa pakiramdam kung hindi ka magtatanim ng galit at pagiimbot sa iyong kapwa? 'Yung tipong alam mo na wala kang nasasagasaang tao?
Naisipan ko ring magbigay ng ganitong artikulo batay na rin sa sarili kong karanasan.
Opo, kahit ang lakas ng loob kong sabihin ang nilalaman ng artikulong ito, aminado po ako, naging bitter din ako. Sobra. Matagal. Hindi mo lubusan maiisip kung may pagasap ang mawala.
Pero ng dahil sa pabago bagong panahon dito sa atin, nagbago rin ang ihip ng hangin.
Ang dating bitter ay nagsimula ng magpatawad at humingi ng tawad.
Hindi nagtagal, ang dating bitter na 'yun ay ang taong nagsusulat ng artikulong ito, at nangangarap na makapag bigay ng konting kaalamam at aral sa mga taong magbabasa nito.
hindi lahat ng gamot na nakakapag pagaling, mapait.
nasasainyo na po 'yan kung paano nyo bibigyan ng kahulugan ang linyang nasa ibabaw kung ito ba ay may koneksyon sa artikulong ito.
Kaibigan, mapait man ang buhay, nandito ang bawat isa upang ibigay sayo ang tamis ng pagkakaibigan.
Salamat sa pagbasa. :)
3 Ang Komento:
April 27, 2009 at 1:52 AM
hahaha... :))
April 27, 2009 at 1:57 AM
galing galing naman,salamat kaibigan,palimos muna,hehe
bkit nga ngging bitter eh noh,cgro bugso lng ng lumiliyab mong dmdamin un,hndi nman cgro hbambuhay dnadala ung gnun,
ung calpol hndi mxado mpait,pborito kong gmot nung bata ako,hehe biro lng...
April 27, 2009 at 2:02 AM
@kox
hmm, totoo naman diba? hihi
@ hari ng sablay
ako kasi peborit ko na gamot e ung baygon haha
siguro nga, bugso ng damdamin lang un kaya humantong sa ganun. buti na lang, ok na :)
Post a Comment