Bilang isang bata na tubong Lipa, Batangas, lumaki ako sa
Kapeng Barako.Natatandaan ko ang mga araw kung saan nakain kami ng mainit na pandesal sa almusal habang sinasawsaw sa isang tasang Kapeng Barako.
Pag Meryenda naman, ang Kapeng Barako ay laging nariyan kasama ang mga kakanin gaya ng puto, kuchinta, sinukmani, etcetera.
Ang Kapeng Barako ay ginagawa sa pamamagitan ng paglalaga o kaya naman ay ang simpleng paglalagay ng mainit na tubig habang sinasala gamit ang piraso ng tela.
Kalimitan ay nilalagyan ito ng
Brown Sugar o Asukal na Pula at
Honey of pulot para gawing pampatamis.
Ginagamit rin ang Kapeng Barako sa paggawa ng mga sikat na klase ng kape gaya ng
Espresso.Ang kapeng barako ay hindi karaniwang klase ng kape dahil sa di pangkaraniwang laki ng beans nito.
Pinagmamalaki namin ang Kapeng Barako, Mas gusto ko pa ito kesa sa
Starbucks. kaya nga kilala kami sa iba't ibang lugar sa Pilipinas pagdating sa Kape dahil sa linyang ito:
Ala eh, pagkasarap nare!
3 Ang Komento:
April 30, 2009 at 11:23 PM
pre may pgawaan kayo ng gnyan? o coffee shop?cafeteria?
February 25, 2010 at 10:43 PM
sobrang sarap talga ng kapeng barako nating mga batangueno.. bata plang ako nakasanayan ko ng uminom nito tuwing pag gising ko sa umaga
February 25, 2010 at 10:57 PM
hindi lang nman ang
kapeng barako ang mapagmamalaki nating mga
batangueno
nandiyan ang
Tablea tsokolate
ang pinakasikat na bulalo at lalo na ang trademark ng mga batangueno na
balisong
Post a Comment