nagbabalik.

Heto na naman ako, ang taong nagsimula ng lahat ng kalokohan at konting katinuan sa pahinang ito.

Ipagpatuloy na po natin ang ating programa.



Isang maikling kwento mula sa klase ko kanina:

Nagkaroon kami ng isang short "daw" na Seat Work sa Differential Calculus.

Ayos. Short daw. Maaga kong tatapusin para makauwi agad dahil maari na daw umuwi ng maaga ang mga makakatapos agad.

Pagkatanggap na pangkatanggap ko ng papel, ayos!

Short nga...




Short ang ginamit na papel pero punong puno ng tanong. Parang hindi matatapos sa loob ng 2 oras lamang. Hindi ako makakauwi ng maaga. Patay.

At tama nga ako, dalawang oras na, eto pa lang ang sagot ko:



at eto pa ang isang kuha mula sa ibang angulo.( kahit saan namang angulo kuhanin, di nadadagdagan ang sagot!)




---------

Ayun, sa loob naman ng 3 at kalahating oras, 4 ang sagot ko bago ko naipasa.

Kampante? Hindi. Parang isa lang ata ang tama kong sagot haha!

Ipagpapamisa ko pag nakapasa ako sa SW na un :))

2 Ang Komento:

  =supergulaman=

April 29, 2009 at 1:09 AM

ahehehe...nakakatuwa tlaga ang differential calculus..sa umpisa mahirap tlaga yan.. pero kung matitikman mo na ang integral calculus at iba pang higher order derivatives..sasabihin mo...pang grade 1 lang yan...

ang hirap kasi sa mga teacher...gingawang mahahaba ang proseso, pangpahirap...^_^

  © Gello - kun`

April 29, 2009 at 2:05 AM

oo nga naman. . naiinis na nga ako e. meron pa nga daw kaming Advance Engineering Mathematics. haha

at ung Differential Equation.

baka matuyuan ako ng utak nyan.

oo nga, bakit pag sila nagchecheck, may shortcut. bakit ayaw ituro? :))