hapi berday * ♥

Ang naturang araw na ito ay espesyal para sa ating kaibigang si Kox dahil kaarawan niya ngayon.

bilang pagbati at dahil nag rekwes siya, heto ang aking regalo:

narito ang ilang mga litratong nilagyan ng kaartehan na mana sa may berday. hehe.

mga simpleng epeks lang yan, kaya wag nyong pintasan. :)





cute nya noh? :) ang papalag, papaslangin. >:)

nga pala, dahil may pinangako ako sa kanya, eto na un kox..


----

Infatuation man na maituturing ang bagay na ito, marapat na iparating ko na ito sayo bago pa mawalan ng pagkakataon, bago pa mahuli ang lahat.

muli Kox, maligayang bati sa iyong kaarawan.







..ang at tinatanong mo na kung sino ang espesyal na hinahangaan ko, Ikaw 'yun. ♥

----

Happy Birthday Kox ♥ -- *

on the go.

hmm, di ako makatulog. may bumabagabag sa isip ko. kung ano yun? secret.

hmm, mabuti pa e patulan ko ang tag ng ating kaibigang si Chen ng DOTA YellowShoelace.

eto sya oh..


My A-Z Favourites List Tag” , Gello kun`s style :D

alamat – Alamat ng Ampalaya

bagay – Flash Drive

crush – ♥

day – Sabado

empekwey – ha? gaya ng kay chen, South Luzon Empekwey. lol

fish – Apta (alam nyo yan? Batangueño yan.)

gamit – Flash Drive

holiday – Pasko

inumin – Red Tea

japanime – Zero No Tsukaima

kasinungalingan – hindi ko crush si ♥

libangan – brainstorm. lol

motto – "Ang babaeng sswertehin ay ang syang mapapasaakin."

numero – 13

oras – 1:00 am

pwesto - pangatlo sa dulo.

quotation – "if you see a good move, look for a better one."

rason – Tomorrow is another day.. Never say die.

store – 7-11

topak – magblog ng mga artikulong gaya nito.

utuin – ung mga kids.

video – music video.

word/s – aishteru desu~

xmen – gambit

year – 1990

zoo – manila zoo

Public Transportation Etiquette.

Etiquette? alam ko, alam mo to.

hmm, ano nga ba ang dapat gawin bilang etiquette lalo sa pampublikong transportasyon?

-----

kanina, umalis ako patungong eskelahan para sa isang meeting ng mga organisasyon.

Umulan. asahan na basa, mabaha at maputik ang kalsada.

ano nga ba ang dapat gawin sa mga ganitong oras?

habang nakasakay ako sa isang jeep papuntang school, napuna ko agad ang isang babaeng pumasok sa jeep na may dalang payong na basa. winisik niya ang payong para mabawasan ang nakakapit na tubig para hindi tumulo.

isang lalake ang nag react. " miss, dahan dahan naman po, nakakabasa." ang tanging narinig lamang ay ang tunog ng makina.

ano ang proper etiquette dito?

maari namang atang wag na lang iwisik ang payong dahil obvious na maulan eh mababasa ulit yun. wag ka na lang mangarap na isa kang fairy at yun ang iyong wand.

Sunod, isang babae na nakapalda ang sumakay. maputi. sexy.

sumunod niyang gawin matapos magbayad ay ang magpunas ng binti at paa ng tissue dahil nabasa at lubos na nakalimutan nang siya ay nakapalda. Ang katapat naman nitong mga lalake na animo'y tahimik noon ay parang naging masigla bigla. alam na kung bakit.

ano ang proper etiqutte?

marapat naman atang ipatong ang bag sa palda diba? o kaya nama'y magpalda ng mas mahaba sa rito. isa pa ay ilihis ang pagkakaupo para walang anumang makita diba?

babae na naman ang sunod na sumakay. sa pagkakataong ito, medyo masikip na ang jeep.

maya maya'y napuna kong pinandidilatan ng babae ang lalaking katabi dahil hindi man lang daw nagkusang umipod para makaupo siya kaagad.

proper etiqette: tayo ngayon ay nasa ibang panahon na. tayo ay nasa panahon na ng pagkaka pantay-pantay. hindi obligasyon ng lalake na magpaupo ng isang babae maliban na lamang kung ikaw ay may sakit o may kapansanan. pwede na rin ang sexy. joke lang. :)


-----

sa pagpuna ko, tayong lahat naman ata ngayon ay nasa sapat ng gulang na (maliban kay kox na bukas pa. ü ) kaya dapat, alam na natin ang proper etiquette. nasayo rin yan kung gusto mong maging maganda ang feedback ng iba sayo o kulang na lang ay ibitin ka nila ng patiwarik.

Ikaw? may Proper public etiquette ka ba? :)

tomorrow is another day.



nung nakita ko ang commercial na to sa TV, natawa ako. sobra.

pero sa kabila ng pagtawa ko, naalala ko ang aking pagkabata.

elementary days. pasikatan. basketball. ang hindi mapipili, hindi IN sa mga babae sa school. in short, normal na bata ka lang.

at gaya ng inaasahan, nag try out ang inyong lingkod. ginawa ko lahat ng kaya ko. matapos ang ilang oras ng drills, laro at relays, heto ako.. hingal. pawisan.

naulit ito sa loob ng isang linggo at dumating na ang judgement day. tatawagin ang pangalan ng mga pasok sa junior team.

tinawag ang unang pangalan.. tumayo..pangalawang pangalan.. tumayo.. hanggang pang sampung pangalan.

pagkatapos ng pang sampu, tapos na daw ang kuhanan. nakaupo pa rin ako.

kinuha ko ang papel na listahan. nakita kong pang labing isa ako. tinamaan ka nga naman ng magaling oh, isa na lang. siguro isang salang shoot, o naagaw na bola lang ang nagpalagay sakin sa pang labing isang posisyon. wala na akong magagawa. umuwi akong nangingilid ang luha. iniisip ang mangyayari sakin na magiging normal na bata pa rin. bale wala sa mga mata ng mga crush namin.. pagkabata nga naman oh..

gaya ng nasa commercial, may sinalihan din akong patimpalak sa deklamasyon.

syempre, panalo ang inyong lingkod. hindi ko na lang makita ang aking ribbon dahil sa sobrang tagal na.

talagang naaalala ko talaga ang aking pagkabata sa commercial na yun :)

may bukas pa..

9AM. Nasa kalagitnaan na ang araw, nagsimula na rin akong maalimpungatan.

Ang unang binigyang pansin, ang aking telepono.

8 ang mensahe. 3 ang galing sa dating kaklase, isa sa kaibigan, 3 ang nagtatanong kung gising na ako. at ang isa:

".pRe, pntA na q0h skuL. kuhA dAw nG grAdEs s CaLculuS. pntA kAh na riN.. gEh."

Pagkabasa ng mensaheng ito, may kumabog sa dibdib ko.

Matapos ang ilang sandali, naligo na ako at nagmadali sa pagpunta sa eskwelahan para kuhanin ang grade sa Calculus. Hindi na ako nakapag almusal sa pagmamadali.

Habang nasa daan ako papuntang eskwelahan, lalong bumibilis ang kabog sa dibdib ko sa paniniwalang malabong pumasa sa naturang asignatura. Nasambit ko na lang sa sarili ko ang kalimitang dasal ng ating mumunting kaibigang si Santino.

"tulungan mo naman po ako Bro, ipasa mo lang to, magaaral na talaga ako. thanks bro, Amen! "

Ilang sandali pa at dumating na ako sa eskwelahan. Ang kabog sa dibdib ko, kasing lakas ng wrecker na nakasalubong ko sa daan habang ginagawa ang kalsada.

Pinilit kong makarating sa takdang Computer Laboratory para tingnan ang aking grade gamit ang sistema ng eswelahan. Pagdating ko sa naturang silid, inintay ko pa ang ilang sandali dahil talagang sobrang kaba ang nasa katawan ko. Maya-maya, napilitan din pumasok.

"Ate, san po ang release ng grades?"

"dun po sa lalake. derecho na po kayo dun."

At pagkarating sa tapat ng lalake, isang nakakatakot na tingin ang sinalubong sa akin sabay hindi ng ID ko.

*tik-tik-tak-tik-tak-tik..click..click..click.*

Ilang segundo pa, may lumabas na papel sa tapat ko galing sa printer. Nakabaliktad.

Lumabas ako ng silid na hawak pa rin ang nakatiklop na papel na hindi ko tinitignan.

Habang papalabas ay wala na kong ibang marinig kundi ang kabog ng dibdib ko. Bago ko buksan ang naturang papel, nagsimula ng mag Drum roll ang musiko sa isip ko. Ilang sandali pa, binuklat ko ang papel. Nanlumo ako ng may nakitang 5.

Sa sandaling yon, bumalik lahat sa akin mula sa aking pagkabata, ang hilig ko noon sa pagaaral, ang sinambit kong nais kong maging isang Engineer at ang walang sawang pagpasok sa eskwelahan.. sumunod ang pagkaka uso ng Counter Strike na sumira ng hilig ko sa pagaaral noong elementarya, ang pagkakaroon ng Ragnarok kung saan mas mahaba pa ang oras ng laro kesa magaral..lahat bumalik hanngang makabalik sa lugar na kinatatayuan ko..at makikita ko, ang grado ko, singko.

Pero isang ngiti ang gumuhit sa aking labi sabay ang isang malakas na pagtawa sabay sambit sa sarili ko, "bobo, number of units ang tiningnan mo, Tres ang grade mo!" ang tumapos sa kadramahang naganap.

Napatalon ako sabay sabing "Yes, Third year na ko!"

..akalain nyo yun, pinakinggan ni Bro ang dasal at mga pangunuglit ko. Thanks talaga Bro.. Amen! :)

naniniwala na talaga akong May Bukas Pa..

-----

Burger burger ~

5775.

Marahil nagtataka ka kung ano ang ibig sabihin ng mga numerong 'yan?

Ang 5775 ay isang lupon ng mga kompanya na naka base dito sa ating bansa na nagbibigay ng pondo at iba pang klase ng suporta.

Anong klaseng suporta at para saan ang pondo?

Pondo para sa pagpapagawa ng mga imprastraktura at pagbibigay ng libreng kagamitan. Alam kong hindi mo pa alam. Hintay ka lang, sasabihin ko mamaya.

Nagtataka ka kung bakit 5775 ang tawag nila sa kanilang grupo?

Galing sa isang survey na naka base dito sa ating bansa, naitala na ang average grade ng isang Pilipinong estudyante ay 57% habang ang Passing Grade naman ay 75%-kaya 5775 para maipakita ang pagitan ng kakayahan ng isang estudyante para maisama sa isyu ng Educational Crisis. Ang nasabing grupo ay pinilit gumawa ng mga paraan gamit ang kanilang mga programa upang makatulong sa mga bagay na kung susuriin ay matatawag na Critical Needs.

Narito ang ilan:

1. Ang pagsusulong ng tamang nutrisyon sa pammagitan ng Feeding Programs. Nasasaan na ang mga bata ay hindi nakakagawa ng mabuti sa klase dahil sa kakulangan sa tamang nutrisyon.

2. Ang pagbibigay ng libreng mga kagamitan pang-iskwela lalo na ang mga libro para sa mga asignaturang Math, Science at English.

3. Pagpapatayo ng mga imprastraktura gaya ng mga classrooms, day care centers, at iba pang maaring gamitin sa pagtuturo.

----

Maaring maliit na bagay lamang ito para sayo na hindi nalalaman ang kanilang ginagawa ngunit para sa mga nakakalam at sa mga batang natutulugan, tinuturing nilang Blessings ang mga ito.

Halina, tumulong ka rin. Kahit sa maliit na paraan, Daan-daang mga bata ang iyong matutulungan. Tara!

----

Ang kampanyang nasa likod ng grupong ito ay ang I Am Ninoy. Malaking bagay talaga ang nagawa ng kampanyang ito, Maraming Salamat Benigno Aquino Jr. Maraming Salamat, Ninoy.