pagkadating namin sa SM Batangas, kakaibang ihip ng hangin ang kaagad dumampi sakin.
nakaramdam ng kaba at pangamba.
inintay ang pagbubukas ng nasabing mall. isang oras. dalawang oras. nainip na kakahintay.
sa wakas, nagbukas rin ang pinto. deretso sa CR. tapos sa Event Center.
nagkaroon ng ilang paalala. ilan pang paalala. at maraming paalala.
at ang pinakagusto ko, ibinigay na ang Tshirt na libre. di nagtagal, nagtanghalian na.
binigay na rin ang libreng McDo. :)
ilang sandali pa, naipost na ang first pairings. hinanap ko ang pangalan ko.
-------
Salazar, Gello: Board 84 - white.
nagumpisa na ang round 1. ilang minuto pa, tumayo na ako. kampante sa nangyari sa akin.
5 minutes, tapos ang laban ko. binansagan agad akong "
fastest kill" ng mga ka team ko.
1 - 0
di nagtagal, nilabas ang pairing ng round 2.
-------
Salazar, Gello: Board 39 - black.
nagumpisa ang round 2. kampante ang kalaban kong makain ang isa kong pyesa ng walang bawi. kinabahan ako.
sa kabutihang palad, queenless ko sya. gumana ang aking pakana. pitong minuto, tapos ang laban ko.
at muli,
fastest kill na naman ako sabi nila.
2 - 0
-------
namahinga lamang ng konti, nilabas ang pairing ng round 3.
------
Salazar, Gello: Board 15 - white.
------
nagumpisa ang round 3. kakaibang hangin ang muling dumampi sa akin. kasunod ang unti unting pag ubos ng kalaban ko sa aking mga pyesa. at matapos ang 15 minuto, tapos ang laro.
ang standing: 2 - 1
tinalo ako ng isang dayo mula sa marikina. isang player ng NCAA sabi ng isang nakatatandang ka team.
nasabi niyang may kahulugan ang aking pagkatalo dahil mas maraming experience ang nakalaban ko kesa sa akin. aminado ako ang aking pagkatalo.
pairing ng round 4, hindi na ako naging masyadong interesado. bumaba ang board ko.
-------
Salazar, Gello: Board 38 - black.
-------
umpisa ng round 4. ang aking kalaban, isang babaeng kabatian. noon ko lang nalamang 14 anyos lang sya. di nagtagal, naglaro kami na parang di magkakilala. ilang sandali pa, mali ang tira. alam na ang sunod na pangyayari.
standing: 2 - 2.
--------
meron pang 3 rounds bukas. kelangan kong ayusin ang aking natitirang laro. sana, makapanalo pa ako ng 3 bukas. pagdasal nyo na lang ako. :)
ang part 2 nito, bukas. :)
-----
pahinga na muna ako at bangag na bangag ang itchura ko ngayon. :)
6 Ang Komento:
July 18, 2009 at 4:47 PM
gudlak gello. :D
July 18, 2009 at 6:39 PM
naku gudluck kaya mo yan, fastest killer ka nga talaga, pag kami ngche-chess umaabot ng isang oras,lols biro lang.
July 19, 2009 at 12:20 AM
Wow!!Astig!!!Gud lak sayo bukas pre :)
July 19, 2009 at 7:27 AM
gudlak gudlak tsong. ako medyo nabobore akong maglaro ng chess, mahina ang diskarte ko pagdating dyan..
July 19, 2009 at 9:40 PM
suspense naman 'to. ang galing mo pala sa chess friend!
July 20, 2009 at 4:21 AM
ako daw slowest kill pag sa kainan. hahaha!
hanep, me talento ka pala sa chess gello bear. ako marunong lang pero alang hilig. antagal kaya nian, kainip wahaha! GALINGAN MO! :D
Post a Comment