Logic Gates.




mahal ko na talaga ang Logic Circuits and Switching Theory na subject. :)

30 mins. late na nga ako, di ako minarkahan na absent o late ng aking teacher. wee

tapos, nagpatambay tambay pa sa loob ng room kasi di pa sya naguumpisa ng klase. laboratory kami. ayos.

tumayo si sir, nagsulat sa board ng kung anong tungkol sa switching chuva. ayun, i-implement daw.

habang nagawa ng table at diagram ang aking mga kaklase, kumuha naman ako ng gagamitin naming IC, bread board at tester kit.

tigi-tigisang 7408, 7404 at 7432 na IC, tester kit, wires.. ayos na. sabay upo sa grupo.

2 problems ang i-iimplement. nag presinta na akong mag connect ng wirings na talaga namang gawain ko.

ayun, konting solve solve ng diagram, konting konek-konek ng wires.. yari ang problem 1.

pinacheck kay sir, komplikado daw. ulitin sa mas madaling paraan. buti nagawan ko ng paraan at una pa rin nakapag pacheck. 96 ako, 95 sina ka grupo ko. ayos ang problem 1.

dumako sa problem 2, konek-konek..tapos na naman. una na naman ako. 96 ulit at 95 sina ka grupo.

marami-rami na akong naipon ngayong midterms. sure pass na ata ako dito. nadadalian pa ko.. sana ganito na lang lagi. :))

buti na lang at hindi kami pinapapasok sa logic gates para pumasa. :))


anyways, mawawalan ba naman ako ng cheesy entry para sa araw na to? (oo, cheesy na naman. haha!)

eto na oh.. lam ko naman na ito lang ang inaabangan nyo.. (haha!)

-----

Cheesy Line #8

gusto mo bang maka-kiss?

ganito lang ang sabihin mo oh..


"uy, look oh. dry na lips mo..

gusto mo basain natin? :) "



-----

very well said ~! haha!

well, eto lang muna. ang rekwes ni engr. Chen na picture ng corpo attire, sa isang araw pa. :))

magandang gabi sa lahat ~ (philippine time)

8 Ang Komento:

  Anonymous

July 30, 2009 at 9:22 AM

haha! yakkk!! natawa ko sa cheesy line mo!

the rest of your post wala akong naintindihan. haha! sa engineering stuff...wala akong alam dyan eh.

  © Gello - kun`

July 30, 2009 at 9:28 AM

@chiks

natatawa ka? ayos na ayos diba? hehe.

ittry ko nga yan isang araw. haha. :)

  superjaid

July 30, 2009 at 3:15 PM

wala rin akong naintindihan sa mga term na ginamit..but anyway,natawa ako dun sa cheesy line..haha Ü

  chennn

July 30, 2009 at 9:10 PM

buti na lang andito ko para may makaintindi sa mga pinagsasabi mo! hahaha!
hanung buti na lng hindi kau pinapasok sa logic gates para pumasa? @_@

kahit papaano may subject na nagugustuhan tau sa coe. ikaw logic ckts, ako multimedia. nyahaha!

  Hari ng sablay

July 30, 2009 at 9:26 PM

ako dn medyo paborito ko dati yan.medyo lang,hehe pinagawaan pa kami sa tracing paper ng yung sequence ng numbers, yung led,ang hirap xplain,hehe bsta yun

  scofield_jr

July 30, 2009 at 10:53 PM

Karelate ako sa wento mo... Taga TUP ka ba? ECE din ako...

nice cheesy lines...

  Anonymous

July 31, 2009 at 4:49 AM

san mu ba napupulot yan? nahahawa kn saken! korni! hahaha :)

  © Gello - kun`

July 31, 2009 at 8:19 AM

@ superjaid

mag pokus ka na lang sa cheesy lines. haha

@ tsen

buti naman, may nakaintindi sakin. haha!

@ HNS

nagegets kita. wala kaming ganun pero parang mararanasan ko rin yan. :)

@ scofield

maraming salamat at nakarelate ka. di po ako taga TUP. hamak na taga La Salle Lipa lang po ako. batangueño are!

@ korniko

oo nga e. nagiging korni na rin ako. bagay na tuloy tayo. haha! :) kurni.