hindi ako manhid.. ramdam ko!
ramdam kong 3rd year na talaga ako sa hirap ng mga subjects ko at ng mga requirements!
weekly na ang write-ups. every other day ang quiz at ang pre-lab reports. wala ng oras sa pahinga. sa blog.
buti kamo, nakakapag update pa ko. nakakasingit pa rin ako ng oras para makihalubilo sa aking mga kaibigan sa blogosperyo. :)
bukas, may quiz sa circuits.. sana makapasa ako. libre ko kayo ng kahit ano pag pasa ako. :)
sa dami ng mga ginagawa, di na ko nakakapag masid sa mga bagay para mai-blog ko.
di ko tuloy magamit ang tagline sa isang commercial: "ib-blog ko yan!"
siguro, sa isang araw, pag medyo nakaluwag na ko saka ako mag popost ng sari-saring bagay. oo, korni na naman ang iba. un lang naman ang gusto nyo eh. hehe :)
at gaya ng sabi ko, di muna korni ang post ngayon..
pero di ko mapigilan.. kaya eto na naman ang isang cheesy line.
-------
Cheesy Line #6
-------
Girl:
uy, gusto kong ibigay sayo 'tong cake na to. masarap yan kasi gawa ng nanay ko.Boy:
ayoko ng cake na yan. gusto ko eh ikaw. gawa ka rin naman ng nanay mo diba? :) ------
hehe. talagang sa kakornihan namamayagpag :))
7 Ang Komento:
July 28, 2009 at 9:10 AM
CooL..haha Ü parang medyo green, pero kunti lang..haha goodluck po sa exam, ok na po sa akin ang isang hotfudge ng mcdo kapag pumasa ka po,ahehe
July 28, 2009 at 9:42 AM
3rd year na 3rd year ka na nga, super busy ang school life! Di bale, konting tiis na lang at pagtitiyaga at malapit ka na matapos. Good luck!
July 28, 2009 at 2:42 PM
hahaha! lilibre mo kami lahat? whatever we want? GAME!!! lol XD
sobrang cheesy! ^^
July 28, 2009 at 4:56 PM
@ superjaid
inedit ko nga yan eh. iba talaga ang nakalagay dyan. mas mahalay. haha!
@ miss N
sana nga matapos ako. super delay na kasi ako eh. napaka hirap ng engineering.
@ rich
malakas ang loob kong magsabi ng ganun kasi malabong pumasa ako. haha! :)
July 28, 2009 at 10:31 PM
gudluck sa quiz kaya mo yan circuits lang yan,hehe v=ir lang yan,haha yabang eh noh. ahead pala sayo si chennn kala ko clsm8s kayo,
July 29, 2009 at 7:03 AM
third year,
jan ako minsang sumemplang sa buhay estujante ko. oh well, grades lang naman un. experiences are more worthy :)
hanep si kuya miron, umaariba ng formula hahaha!
hindi ko na sasabihing galingan mo, alam ko namang magaling ka. (parang ako, etchos! hahaha!) cge daanin naman natin ngayon sa dasal :)
July 31, 2009 at 4:46 AM
hahaha.. lalo kang kumukorni gelo! hahaha.. ang hirap ng lds noh? :((
Post a Comment