sa wakas... natikman ko rin ang hinahangad kong
pahinga.gabi na akong umuwi kanina lang. 7pm. naisip kong wala akong ibang subject bukas kundi logic ciruits and switching theory. 3 hours, laboratory pa. walang hassle na gagawin. salamat. makakamit ko rin ang inaasam akong pahinga. ang mag blog. :)
well, ngayon ang last wednesday ng buwan. requirement sa school na every last wednesday ng buwan e mag corporate attire.
ang suot ko, pink long sleeves + dark blue necktie + glasses (optional) = ok na ok! mukhang instructor.
ang ayoko lang, hassle ang maglagay ng necktie habang nasa daan dahil sa mid-gate ay hindi nagpapapasok ng walang ID at necktie. ayoko kasing mag necktie sa labas ng campus. masyadong pormal.
pero di naman ako nasira ng discipline marshalls. mas kinatakutan ko pang masita ako dahil sa haircut. ang haba na ng hair ko..
------
(accent ni fanny serrano) -
ang tigas, hindi straight.. daig pa ang nagtatalon!anyways, ayos naman ngayong araw na to kahit sobrang init ng suot namin. nakakatuwa ang dress up day lalo pag maraming chicks at nakakayamot naman sa sobrang banas. :)
so ngayon, pa easy-easy lang ako para bukas. nakapag blog pa nga ako oh.. pero di muna ako makapagtatalon sa inyong mga tambayan dahil marami-rami na kayo. (yes, dumami na..) siguro sa sunod ko na lang na free time. matutulog na rin kasi ako maya-maya eh..
at syempre, di matatapos ang post na ito kung walang bahid ng kakornihan..
eto oh..
-------
Cheesy Line #7
-----
baby, alam mo.. marami ng nangyari sa buhay ko. may masaya, may malungkot, may mahirap..
pero sa bawat pangyayaring 'yon ay wala akong pinagsisihan dahil lagi akong may natutunan..
lalo na nung natutunan kitang mahalin. -----
oha oha.. ang kurni mo! :)
-----
gooooodnaaayt ~ :) amishu all :)
3 Ang Komento:
July 29, 2009 at 4:05 PM
wooh!ang chessy talaga!Ü
July 30, 2009 at 4:15 AM
ayos ah, may ganun pala senyo.
bakit ga?
wahahaha natututo na ko ;)
post mo naman pic mo na nakacorporate attire..
cge na hihi
July 31, 2009 at 4:47 AM
tsk hahaha.. :)) mis k din nmen! haha
Post a Comment