continuation ng part 1..
ayun, dumating kami sa SM Batangas. kakaiba na naman ang init.
muling inintay ang pagbubukas ng nasabing mall. tik..tak.. ang tagal.
nabuhay ang ilaw at aircon, at tumugtog na ang national anthem..
at ang hudyat, ang pag tugtog ng
"we're in the magical world of SM supermalls..."ayun, nag lakad papuntang event center sabay tingin sa pairings.
tulad ng inaasahan, bumaba na naman ang board number ko.
--------
Round 5 - Board 53: black.
-------
nagsalita na ang chief arbiter. start your time na daw.
naglalaro na ang iba, naka tangla ako. walang kalaban. running time.
nanonood ako sa laro ng iba.. nang tinamad, tumayo at nanood sa ibang laro at nakipag kwentuhan sa arbiter..feeling arbiter din.
makaraan ng ilang minuto pa, dumating ang kalaban ko. late ng 10 mins. sa chess clock nya.
nagumpisa ang laro. kampante ako sa mahaba pang oras.
ilang sandali pa, siya ang naging kampante dahil nauna pa ang oras kong maubos kakaisip.
pero sa kabutihang palad, nanalo ang inyong lingkod.
3 - 2
-------
lumabas akong hindi "
fastest kill " pero masaya dahil nanalo ako. konting oras pa at tapos na ang palaro.
di nagtagal, round 6 na. tumaas ang board ko.
-------
Round 6 - Board 37: white.
-------
dumating ako sa board ko na kampante. bawasan ang pressure sa sarili. dumating ang kalaban kong mas kampante pa sakin. nalaman kong isa syang delegate ng MIMAROPA. provincial player siya ng Calapan, Mindoro. dumayo sa maynila. natakot ako. nag umpisa ang laro.
natakot ako sa tigas ng kanyang mga moves. tempo gaining lahat at may force mate sa pyesa ko. na-manage ko pa rin na makabawi kahit konti at maiwasan ang force mate.
middle game. kabado ako. pag tingin ko sa clock, 10 mins pa sya, 3 mins ako.
HOLY COW. mag fflag-down ako! matatalo ako sa oras. kelangan bilisan. wag mag panic at wag ma pressure sa oras!
nag umpisa na akong maglaro ng nakatayo. sa bilis kong tumira para makatipid ng oras, nagliliparan ang mga pyesa. haha
ang kaninang losing disadvantage ko ay nabaliktad. naging super winning advantage naman ngayon.
nakapanalo pa nga ako. at tama ang sabi ni Bob Ong, wag maliitin ang kakayahang chumamba. pero malakas ang pakiramdam kong hindi chamba un. :)
tumayo kami ng kalaban ko, nag pirmahan ng score sheet, Salazar - 1, De Asis - 0. panalo ako. nagkamayan bago umalis.
naglakad ako patungo sa chief arbiter. nanginginig.
4 - 2
--------
ayan na, last round na. nagpunta ako sa pairings, tumaas na naman.
-------
Round 7 - Board 24: black.
-------
ayan na, last round na. mas nadagdagan ang kaba sa dibdib ko.
dumating ang kalaban ko, naka jacket na orange. pag basa ko, "Calapan"
jusko naman, taga Calapan, Mindoro na naman. ibabawi ata ang ka team. mas kinabahan ako, malakas to panigurado.
nagumpisa ang laro, opening, ayos. middle game, ayos rin ngunit nagka blunder ako. nawalan ako ng tempo. at malaki ang pag-asang matalo.
pag dating ng end game, tig-isang opisyal, tig anim na pawn.
sa mga nauna pa naming analysis, tabla ang maaring mangyari sa laro namin.
at gaya ng inaasahan, tumabla nga. wala ng magagawa kundi itabla ko, baka matalo pa, maliit ang posibilidad na manalo at matalo ako, talagang tablahan lang. kaya pumayag na ko.
natapos. may galit ako sa sarili ko dahil tabla lang.
--------
4.5 - 2.5
------
sayang, hindi ko na meet ang aking itinakdang score na hinahabol. 5 - 2 sana eh. sayang kasi last year ko na shell tournament, over age na kasi ako. pero sana, madaya ko ang aking birth certificate ng isang taon pa. gusto kong bawian ang mga tumalo sakin noon at ngayon. at para makita ko ulit sina Dominique Layugan, Akiko Suede at Abigael Beraña. ang mga chiks na nakita ko hehe :)
------
well, ayun. yun ang nangyari sa aking sinalihang chess tournament. nag improve naman ako sa final ranking. dati, ranked number 148 ako out of 202 players. ngayon, 37 na out of 194 players. yes. anlaki ng improvement. :)
----
sana, makalaro ulit ako. ang saya kasi e. kayo rin, laro kayo.. laro tayo! :)
gagamitin ko ang slogan ng Shell Active Chess ngayon:
"Halina't maglaro kasama ang inyong Chess Barkada!" :)