The Pen is mightier than the Sword.
- Dr. Jose Rizal
-------
Ang panulat ang itinuturing na sandata ng mga manunulat noong panahon ng himagsikan. Hindi natitinag ang mga dakila nating mga bayaning manunulat sa mga sandata ng kaaway dahil alam nilang mas makapangyarihan ang kanilang mga gawa laban dito.
Sa paglipas ng panahon, ginagamit pa rin ang panulat ngunit hindi na para gawing sandata ngunit para ipahayag ang nilalaman ng isipan gaya ng paglalathala.
Ngunit teka, hindi natin paguusapan ang history ng panulat partikular na ang LAPIS. nakakatamad kaya. :)
ang gusto ko lang ibahagi sa inyo ay ang kampanyang ginawa ng isa nating kasamahan sa mundo ng blogosperyo. siya si Miss N.
siya ang nagpaumpisa ng kanpanyang Pens of Hope
ito ang kampanya ng pagbibigay ng mga libreng lapis sa mga magaaral na kapus palad sa iba't ibang bahagi ng Pilipinas.
kung inyong iisipin ay napakaganda ng kampanyang kanyang ginawa dahil lubos itong makakatulong sa mga magaaral na naghihirap na sa pagaaral, naghihirap pa sa mga kagamitan kaya malaking tulong ang ginagawa niyang pagbibigay ng mga lapis.
sana, ma-motivate ang ilan sa ating para tumulong. gusto ko rin sana kaya gagawan ng paraan sa lalong madaling panahon para matulungan na ang mga batang kapus palad dito sa Lipa, Batangas.
bisitahin po ninyo ang site ni Miss N ng makita nyo ang "ngiti ng pag-asa" ng mga bata. At sana, hindi magtagal ay ang mga bata naman sa inyong lugar ng makita nating naka ngiti. :)
Miss N, nawa'y pagpalain ka sa kabutihang-loob mong ito. :)
-----
sa mga interesado sa kampanyang ito, punta lang kayo sa site ni Miss N. o mag email sa kanya sa nortehanon@gmail.com
-----
muli, maraming salamat sa mga susuporta.
at Miss N, mabuhay ka. :)
3 Ang Komento:
August 3, 2009 at 8:52 AM
nabalitaan ko nga to, nakapunta na rin ako sa pahina ni miss n..napakaganda talaga ng kanyang proyekto..Ü
August 4, 2009 at 5:39 AM
^
onga. napakabuti ng kanyang ginagawa sa kanyang kampanya. gusto kong tumulong at maglunsad ng kaparehong kampanya dito sa amin. :)
August 16, 2009 at 9:29 PM
Gello!
Waw na waw! At talalgang pinagtuunan mong bigyan ng space dito sa blog mo ang tungkol sa Pens of Hope ha. Maraming salamat. Medyo matagal akong namundok at walang access sa internet kaya hindi ko agad ito nakita. Nakakahiya nga sa mga dumadalaw sa blog ko, yung kay Cory pa rin ang nababasa nilang post ko hehehe. Mabuti at nakapag-update ako today.
I am proud that at your age, gusto mo nang makatulong. It actually makes me happy na marami pa ring kabataan sa ngayon ang may pakialam sa mga pangangailangan ng kanilang kapwa. God bless you for your kind heart.
Maraming salamat uli, Gello. This post is very much appreciated. Spreading the word about Pens of Hope is already a big, big help for the project. You have done the project a very big favor.
Post a Comment