Prangka

Lalake: prangkahin mo nga ako babae ka! dalawang taon na kong nanliligaw sayo! sasagutin mo ba ako o hindi?

Girl: Hindi.

Boy: naman oh, napaka prangka mo naman.

------

prangkahin pala ha! :)

pasensya na kung hindi ako masyadong aktibo ngayon sa pagb-blog dahil sa maraming bagay na aking ginagawa. una, sa iskwela. pangalawa, sa paggawa ng plano ng bahay na ipapagawa namin. pangatlo, ang paghahanda ng gagamitin sa paglipat at pang apat, ang aming pagkikita ni Deth ng MindDeth kung sakali. haha :)

pero teka, nabangit ko ang tungkol sa lipat-bahay.

hindi ako pabor dito dahil ako ay 19 na taon ng nakatira sa bahay kung saan naroon ako ngayon at tinatayp ito. 19 na taon na akong pagalagala sa lugar namin at sa habang panahon na yun ay nakilala na ko ng aking mga kabaranggay / kapitbahay. maari na nga ata akong tumakbong baranggay captain e. :))

hindi ako pabor kasi hindi ko pa alam ang pakiramdam ng lilipat ng bahay. at syempre, sanay ka sa kung saan ka nakatira tapos biglaan na lang magpapalit.

sa susunod na linggo na ang gaganaping lipat bahay. lilipat muna kami sa isa naming lumang bahay habang pinapatayo ang bago. (floor plan ko ang gamit dun. sketch ko. engineering eh ü )

sana, kung ano ang "meron" sakin sa bahay na ito ay magkaroon din ako sa aming lilipatan. :)

balik blog ako bukas pagkatapos ko gawin ang aking report at asayment. pramis. :)

sa ngayon, tutulog na muna ako :) goodnight ~

prendship.




friendship.

ano nga ba ang ibig sabihin ng friendster friendship para sayo?

syempre, tatayo ka at sasagot ka na "pagkakaibigan."

ako naman, sasabihin na tama ka, meron kang plus at maari ka ng maupo.

pero bukod doon, ano nga ba?

dumako tayo sa mundong ginagalawan ng mga dalaga't binata. ang mundo na nababalutan ng pag-ibig.

take note: hindi lang basta pag-ibig. syempre, alam mo na yun. manhid ka pag hindi :)

-----

para sa mga lalake:

alam naman nating mga lalake na sa kras naguumpisa ang lahat. *taas ang kamay ng sang-ayon*

mga kras na di kilala.. mga kung saan mo lang nakita. ang kadalasan, schoolmate. swerte na kung kaklase.

tapos, gagawa na ng paraan.. mga swabe moves ika nga. abangan sa labasan. hingin number. solb. iteteks na lang sa gabi at bobolahin ng walang patid.

para lang wag ng humaba, alam natin kung san ito hahantong. kung swertehin si lalake, alam na. kung hindi naman, magiging emo. hehe :)

nasan dito ang friendship?

hmm, pag tatanungin mo ang mga lalake kung ano na ang meron senyo, pabiro kang sasagot na "friends/magkaibigan lang kami." *pupusta ako, tama to!*

syempre, sa friends friends na yan maguumpisa..

Boys use the word FRIENDSHIP to start LOVE

-------

para naman sa mga babae:

syempre, maswerte kayo, senyo kaming mga lalake nagkakakras. pa cute lang kayo ng pacute. hihi :)

kayo yung inaabangan sa labasan, hinihingan ng number at binobola ng walang patid tineteks hanggang kung anong oras.

kayo ang mga nililigawan.

kayo rin ang nagpapaasa. at senyo nagmumula ang pinakamasakit na maari naming marinig bilang mga manliligaw.

ano yun? *ang di nakakaalam nito, totoy at ineng pa*

Sorry pero hanggang FRIENDS na lang tayo *with matching taray-talikod*

meron pang isa:

pag tinanong naman yung mga babae ng iba nilang friends na "oh, kamusta na kayo? "

hindi pabirong sasagot na "kami? FRIENDS na lang kami ni - insert name - "

..

Girls use the word FRIENDSHIP to end LOVE

------

see? same word but different attitude.

may nakakapag pangiti at merong nakakapag pa-emo.

ikaw, ano sayo ang friendship?

*taas ang kamay pag gustong sumagot. may plus points din*

pagbabago.

all things change..

even friends.

even people.

even enemies.

even families.



-----

tama yan, lahat nagbabago

gaya na lang ng nangyaring isyu dito sa blogosperyo na kinagulantang ng marami tungkol kay arvin at sa buong KaBlogs.

marapat na hindi na natin ungkating muli ang mga di magandang nangyari bagkos, tayo ay maging masaya na sa kabila ng matinding pagbabagong naganap..

ang lahat ay bumalik na sa normal.

para sa mga nagalit sa ating kaibigang si arvin, matuto tayong magpatawad. at para naman sa may sala, matutong humingi ng kaukulang dispensa sa bagay na iyong ginawa.

alam nating lahat, nasa tamang edad na ang karamihan sa atin kung kaya't alam na ang pinagkaiba ng tama at mali.

sana sa susunod ay wala ng maulit na ganitong pangyayari. ang uulit, isip - bata
-----

ipagpatuloy ang magandang pagbabago. :)

ipagpatuloy ang pagsuporta sa tama. :)

ipagpatuloy ang pagsuporta sa KaBlogs. :) <-- walang intensyon na mag promote.


Taya!




dahil pakalat kalat ako sa blogosperyo, naisipan ata akong i-tag ni Superjaid tungkol dito sa 1 word something na to. oh, eto na ang mga sagot ko:


1. Where is your cell phone? tabi

2. Your hair? bad

3. Your mother? berday

4. Your father? abroad

5. Your favorite food? pasta

6. Your dream last night? forgot late

7. Your favorite drink? pepsi

8. Your dream/goal? engineer

9. What room you are in? living

10. Your hobby? band

11. Your fear? alone

12. Where do you want to be in 6 years? Intel

13. Where were you last night? pc

14. Something that you aren’t? snob

15. Muffins? no

16. Wish list item? SLR

17. Where did you grow up? Lipa

18. Last thing you did? blog

19. What are you wearing? jersey

20. Your TV? Sony

21. Your pet? Aeon

22. Friends? sure

23. Your life? suicidal. lol

24. Your mood? --

25. Missing someone? yea

26. Car? Honda SiR

27. Something you’re not wearing? ring

28. Your favorite store? computer

29. Your favorite color? green / pink

30. When was the last time you laughed? a while ago
31. Last time you cried? ha?

32. Who will resend this? Tsennn of YellowShoeLace

33. One place that you go to over and over? Shop

34. One person who emails you regularly? sitemeter / facebook

35. Your favorite place to eat? McDo


-----

ayan na, aasahan ko ang reply ni tsenn ukol dito.

ang panget nga eh, dapat e hindi lang 1 word. andaming pwedeng i-discuss eh . hehe :)

anyway, sagutan mo yan ha? :)

Gello kun` as Giorgio Armani eyewear model :))




BABALA: Ang mga larawang inyong makikita ay pawang nilathala lamang para magbigay kasiyahan. HINDI para manakot. :)


-----

eto na ang sinasabi kong mga pictures noon linggo dun sa pinuntahan kong pyesta. :)

marahil matatanong nyo sakin kung ako ay "DIRECTORY" pagkatapos nyong makita ang aking picture..

bakit..?





kasi ang kapal ko :)) anyways, eto na :

model ng Giorgio Armani Eyewear



------

Model ulit with paningit :))



--------

colored naman:



--------

o tama na ang model model na yan at nasusuka na ko :)

eto naman ang sinasabi kong lawa. although hindi mukhang lawa dahil di ako marunong kumuha ng picture sa cp.





ayan.. ok na kaya yan para sa post ngayong araw?

hmm. meron pa nga pala, ang award galing sa aking mga kaibigan mula dito sa mundo ng blogosperyo.

ang award galing sa isa sa mga una kong kaibigan ko dito, si Choknat ng Highway 22:



salamat kaibigang choknat :)

----

isa pa, galing naman sa bagong kaibigan na si superjaid:



salamat dito SJ :)

ang ang huli, isang award mula sa grupo ng KABLOGS. hindi ko inaasahan ang award na ito. maraming salamat po sa inyo!




------

:)

roasted tropical legumes..




ang roasted tropical legumes ang sinasabing isa sa pinaka masarap na pulutan sa tuwing nagiinuman.

pag meron nito, solb na ang inuman kahit sa kanto. una, dahil affordable at isa pa, dahil sa lasa.

teka, alam nyo bang ang roasted tropical legumes na ito eh tinatawag nating MANI? (peanuts)

pero hindi yan ang ating papagusapan. pero dahil nabanggit ng inuman, isasali ko na dahil galing ako sa inuman kanina. syempre, pyestahan eh. :)

so yun, pag punta namin eh unahan agad na makakuha ng plato para makakain agad. kahit gutom na gutom na dahil sa kalahating oras na byahe, behave pa rin kaming kumain.

tapos ng kainan, nagpunta kami sa katabing lawa ng kanilang bayan. -- ang mga litrato ay sa sunod na post dahil sira ang aking bluetooth device --

picture-an, basaan ng tubig at kulitan sa tabing lawa. ayos. masaya. represhing ika nga. maiba naman.

tapos nito, nakalantak ng ulan. silong kami sa katabing basketball court para magpatila ng ulan na di naman nagtagal.

pagbalik namin sa bahay, nakahanda na ang isang case na malamig na beer. parang galit samin dahil talagang bukas lahat. nakita ko sa mga mata ng ama ng aking ka-klase na "walang uuwi ng hindi lasing"

kaya gaya ng inaasahan, tumba ang isang case na nadagdagan pa ng isa, tumba din ang tropa.

matapos ang ilang oras pa eh nagkayayaan ng umuwi.. nasambit ko na lang sa aking isipan na "sa wakas.."

-----

matapos ang kalahating oras na byahe, natanaw na namin ang kabihasnan.. sabay ang ngiti sa aking mga labi. at ang pangambang..




baka mahuli ako na naglasing. tiyak, ako naman ang pagppyestahan ng aking ina. hehe

pero sa awa ni bro, nakauwi ako ng hulas. kaya ok na ok. parang walang nangyari.

pero ang isang tanong na nananatili sa isipan ko ay kung bakit..



wala kaming pulutang mani kanina. hmm, bakit nga kaya?



-----

ang mga litrato ay sa sunod na post na lang. makikita nyo rin dun si Gello as model ng GIORGIO ARMANI. hehe :)

parang ganito:





tentenen-tenen!




matapos ang aking isang linggong pagtatago pagkawala dahil nagbasa nagaral para sa exam, andito na muli ang inyong abang lingkod. :)

regular simulcast and program will resume tomorrow.

nagiisip pa kasi ng mga ipopost ko.. mga bagay na nakaligtaan ko at mga bagay na nangyari noong nagdaang mga araw.

muli sa lahat ng nagaabang sa aking pahina, salamat sa walang sawang pagsubaybay. :)



-------

dapat kanina ang resume kaya lang bumili ako ng sapatos at ianbot ako ng kung anong oras dahil ang hirap maghanap ng design na kagaya ng ky jun pyo LOL! :)

ang aking mga nakita..

sa aking pag gagala sa malawak na mundo ng internet..

nakita ko ang isang nakaraang litrato ng isang seminar / training na inatendan ko kung inyong natatandaan. (yung nawala ako ng tatlong araw.)

gusto nyong makita? eto oh:



ang ritwal activity na ito ay ginanap noong pangalawang gabi ng training. alas onse na kung di ako nagkakamali.

ang galing diba? buhay na buhay ang Animo Spirit kahit sa ganitong oras.

Animo La Salle ~!

-------

matapos makita ang litratong ito, napadaan ako sa aking facobook.

pumatol sa mga nagkalat na quizzes na nakahila sa aking atensyon..

ang unang quiz ay tungkol sa aking "eks" at ang sagot:



haha. akalain mo, ganyang ang resulta. tinawanan ko lang eh. haha!

matapos ang quiz na yan, naghanap pa ako ng isa..

hmm, eto ata ung patungkol sa first letter ng best friend mo.

ang resulta? eto:



grabe, napaisip ako kung sinong "F" to.

F... F... F...

sana, ung F na to e si Feighryl. <-- isang kaibigan. :)

matapos ang peysbuk, patuloy akong naggala sa internet.

nakita ko to:



hmm, gawin ko kaya sa tunay na buhay to? baka i-report ako at ma trace ang aking number. hehe :)

eto pang isa kong nakita:



haha. kaya para sayo, RAWR~! hihi.

nakita ko rin ang picture ng isa ko pang kras (pero mas kras ko pa rin si ano.. ü )

ang kras ko, si Kim So Eun ng BOF hihi.



ayos ba? hihi.

at ang huling larawan na nakita ko, ang dating pakana ng aking mga kaibigan sa pageedit ng litraro.

eto oh:



hihi. tol, pasok ka :)

-------


hmm, midterm exam na itong week na ito. kaya aabsent muna ako ng mga ilang araw para magaral magbasa basa. goodluck na lang sakin. ingat kayo :)

minsan..




minsang naglalakad ako..





..magisa.





lumingon ako sa kaliwa..



..wala akong nakita..





lumingon ako sa kanan...


wala rin akong nakita....








kaya ayun..






..tumawid na ako.

buti walang traffic aid. :)


------

tear here..



I wonder every time I fall in love, heartbreaks come..

it makes me ask myself

is there something printed in my heart that reads..

Tear Here?


-------

yeah, i know.. expecting is a way of hurting myself.

but what if i'm given reasons to expect?


.. yeah, expecting doesn't hurt me..

assuming does. :(

-------

madamdaming post. nabuhay na naman ang emo side ne Gello :)

Ulan.




oo, di nga lang ulan e. bagyo na. ewan ko ba parang binabagyo na kami dito sa Lipa, Batangas.

kanina lang e ang ganda ng panahon pagka uwi ko, tapos ngayon naman, siguro mga 10 minutes bago ko mapost to, biglang lakas ng hangin at patak ng ulan. may kasabay pang kulog..

well, lalo na naman magiging choppy ang net connection ko. lalamig kaya tatamarin ako magaral.. tsktsk..

may quiz ako bukas kaya sana makapasa ako.. :)

-----

pa add ng new ym ko, di ko na kasi gagamitin ung luma ko..

eto ang bago ko:

gellokun

salamat ~ !

matapos ang kakornihan..




matapos ang kakornihan, nagbabalik na naman si Gello na halos wala ng maikwento sa inyo matapos pamahayan ng kakornihan ang aking utak.

hm, ano na nga ba ang aking ikkwento?

wala lang. malapit na ang aming Midterm Examinations. at syempre, gaya ng iba, kinakabahan. wala lalong maintindihan kasi andaming computations. parang kumakain ng tao ang mga equations.

itong linggong nagdaan para sa akin ay hindi masyadong maganda. kung bakit? eto ang dahilan:

- didn't understand anything about mesh circuits and diode equivalent.
- can't change YM avatar.
- developing crab mentality
- having bad hair days.
- coming to class 10-15 mins. late.

--------

err. sana naman eh ok na tong linggong darating. neks week na ang exam at kelangan ko na magaral magbasa basa ng aking mga lessons. :)

subukan kong mag post sa exam week. yun e pag kaya ko pa :)

-------

isa pa rin siguro kaya wala na kong maipost ay dahil wala naman gasinong nagbabasa ng aking blog. ewan ko ba kung kulang sa advertisement o talagang puro nonsense at kakornihan ang pinaglalalagay ko dito.

salamat na lang sa mga nakakaintindi at patuloy na nagbabasa. :)

Cheesy Line #14




bakit wala na kong mai-post na matino? puro kakornihan? haha!

nahawa na ko ke korniko ~

anyway, eto ang kakornihan for the day:

------

Cheesy Line 14:

------

boy: ui, look oh, may shooting star! wish ka dali!

girl: di na ko naniniwala sa mga ganyan.

boy: bakit naman?

girl: di kasi natupad ang wish ko na sana may magmahal sakin..

boy: naku, wag ka na nga maniwala sa mga yun.. alam mo kung bakit?

girl: oh bakit naman?

boy: kasi, mahal na kita bago ka pa magwish sa mga shooting stars na yan :)

------

ang haba naman neto. korni dialogue na dapat e :))

Cheesy Line #11 / 12 / 13.




hindi na talaga mapigilan. ka-kornihan na naman ang pumasok sa isip ko kaya nagpost pa ko ng isa kahit meron pang di nakakabasa ng aking last post tungkol sa Pens of Hope. wag nyo kalimutan basahin yun ha?

anyway, eto na si cheesy line(s). improving at dumadami na..

--------

Cheesy Line #11:

-------

nakasabay si boy at ang crush nyang girl sa isang elevator na silang dalawa lang.

Girl: nakakainis naman. ang BAGALl.
Boy: (sumagot habang pinagpapawisan) oo nga. ang bagal ng elevator no?
Girl: hindi. ikaw! ang bagal mo kasing dumiskarte.


-------

Cheesy Line #12:

-------

boy: miss, alam mo, kamukha mo ung pangatlo kong GF.

girl: ows? talaga? bakit naka ilan ka na ba?

boy: dalawa. :)

-------

Cheesy Line #13:

------

sa isang class reunion 20 years after.

girl: ngayong sexy at maganda na ko, maiinlab ka na ba sakin?

boy: nagpapatawa ka ba?

girl: kakainis ka talaga! ginawa ko na nga lahat to tapos tatawanan mo lang ako!

boy: eh paano, noon pa naman kitang mahal, may pa ganyan-ganyan ka pa. :)

------

nasobrahan na sa kakornihan kaya dumami . . sa ibang araw naman.. baka maubusan e :))

goodnight people ~

wag kalimutang basahin ang pens of hope ha? :)

..The Pen is mightier than the Sword.



The Pen is mightier than the Sword.

- Dr. Jose Rizal


-------

Ang panulat ang itinuturing na sandata ng mga manunulat noong panahon ng himagsikan. Hindi natitinag ang mga dakila nating mga bayaning manunulat sa mga sandata ng kaaway dahil alam nilang mas makapangyarihan ang kanilang mga gawa laban dito.

Sa paglipas ng panahon, ginagamit pa rin ang panulat ngunit hindi na para gawing sandata ngunit para ipahayag ang nilalaman ng isipan gaya ng paglalathala.

Ngunit teka, hindi natin paguusapan ang history ng panulat partikular na ang LAPIS. nakakatamad kaya. :)

ang gusto ko lang ibahagi sa inyo ay ang kampanyang ginawa ng isa nating kasamahan sa mundo ng blogosperyo. siya si Miss N.

siya ang nagpaumpisa ng kanpanyang Pens of Hope

ito ang kampanya ng pagbibigay ng mga libreng lapis sa mga magaaral na kapus palad sa iba't ibang bahagi ng Pilipinas.

kung inyong iisipin ay napakaganda ng kampanyang kanyang ginawa dahil lubos itong makakatulong sa mga magaaral na naghihirap na sa pagaaral, naghihirap pa sa mga kagamitan kaya malaking tulong ang ginagawa niyang pagbibigay ng mga lapis.

sana, ma-motivate ang ilan sa ating para tumulong. gusto ko rin sana kaya gagawan ng paraan sa lalong madaling panahon para matulungan na ang mga batang kapus palad dito sa Lipa, Batangas.

bisitahin po ninyo ang site ni Miss N ng makita nyo ang "ngiti ng pag-asa" ng mga bata. At sana, hindi magtagal ay ang mga bata naman sa inyong lugar ng makita nating naka ngiti. :)

Miss N, nawa'y pagpalain ka sa kabutihang-loob mong ito. :)

-----

sa mga interesado sa kampanyang ito, punta lang kayo sa site ni Miss N. o mag email sa kanya sa nortehanon@gmail.com

suportahan ang

Photobucket



-----

muli, maraming salamat sa mga susuporta.

at Miss N, mabuhay ka. :)

Handog ng Pilipino sa Mundo.




------

Di na 'ko papayag mawala ka muli.
'Di na 'ko papayag na muli mabawi,
Ating kalayaan kay tagal natin mithi.
'Di na papayagang mabawi muli.

Magkakapit-bisig libo-libong tao.
Kay sarap palang maging Pilipino.
Sama-sama iisa ang adhikain.
Kelan man 'di na paalipin.

Ref:
Handog ng Pilipino sa mundo,
Mapayapang paraang pagbabago.
Katotohanan, kalayaan, katarungan
Ay kayang makamit na walang dahas.
Basta't magkaisa tayong lahat.
(Mag sama-sama tayo, ikaw at ako)

Masdan ang nagaganap sa aming bayan.
Nagkasama ng mahirap at mayaman.
Kapit-bisig madre, pari, at sundalo.
Naging Langit itong bahagi ng mundo.

Huwag muling payagang umiral ang dilim.
Tinig ng bawat tao'y bigyan ng pansin.
Magkakapatid lahat sa Panginoon.
Ito'y lagi nating tatandaan.
(Repeat refrain two times)


-------

Mananatili ang demokrasya sa puso ng bawat Pilipino..

Maraming Salamat po sa inyo, Madam Cory Aquino. :)

Cheesy Line #10




matapos ang saglit na pagkawala, eto na naman tayo.. babanat na naman ng kakornihan.

-------

girl: ui, sinong mas pipiliin mo, ung mahal mo na hindi ka mahal o ung hindi mo mahal pero mahal ka?

boy: pipiliin ko? IKAW. :)


------

short but korni :)