sakit sa ulo.

oo tama ang nabasa nyo. sakit sa ulo.

pero di naman sa literal na masakit ang ulo ko. siguro, ito ang isa sa mga dahilan kung bakit naging inactive ang inyong lingkod.

nagkasakit kasi ako dalawang linggo na ang nakaraan and andito pa rin sya. ayaw pa rin akong tantanan.

ano ito? ito ang sakit sa ulo na kung tawagin ay tigdas (measles.)


talaga nga naman na napaka swerte ko at ako pa ang napiling dapuan ng pesteng virus. (ayon sa pagkakaalam ko, viral ang sakit na to.)

nakakainis. hanggang ngayon, meron pa rin akong crater-like spots.

nakakainis. ang tagal nyang mawala. sabi ng isang kakilala ay tatagal to ng isang buwan bago tuluyang gumaling. (mawala ung spots.)

kaya eto, naka dalawang linggo na ko. last 2 weeks to go bago ako bumalik sa aking ka-pogian natural na anyo.

kaya ngayon, wala akong magagawa kundi intayin mawala to. imagine-in nyo na lang, mukha akong sponge. (spongebob?)

oh sya, eto na lang muna ang aking mashe-share. di pa rin kasi ako makarecover sa sakuna na nangyari sakin. XD



--------

sumasainyo,

- Gello's alien version.

panata.

tama. tama ang nabasa nyo. panata.

at tamang may bago na naman akong post after quite some time. XD

eto na talaga. babalik na talaga ako dahil release ng grades kanina at syempre, may tres man..

tama lang na walang coke sakto (5) XD

kaya eto na, babalik na uli ako dahil wala akong bagsak na marka.

pero syempre, bukas na ko maguumpisa at marami akong ikkwento. XD

pati ang pagkailig ko sa aking bagong emoticon na ginagamit, ang eksdee. (XD)

sige, bukas na lang. pramis, di ko kayo iinjanin XD