Happy 42nd Anniversary, Tau Gamma Phi



To All Tau Gamma Phi Brods and Tau Gamma Sigma Sis out there, Happy 42nd Anniversary!

1968 - 2010 (present)


"Long Live Tau Gamma Phi / Sigma!"

Helloooooooo!

hello!

magandang araw! ü

kamusta na ang lahat? namiss ko ang pagbblog! sa sobrang dami kasing kelangang gawin at tapusin, nawalan na ko ng oras sa paglalathala ng ilan sa aking mga ideya.

pero ngayon, kahit hectic ang schedule at malapit na ang final exams, paarng gusto ko ulit bumalik sa pagbblog kahit pansamantala lamang. namiss ko kasi kayo. hihi :)

oh pano, eto muna at naninibago pa ko.. parang bumagal ang pagiisip ko ng mga bagay na maari kong ipost eh. siguro, bukas na lang ulit.

salamat sa mga nagbantay at patuloy na nagbasa sa blog na ito, salamat at hindi nyo to iniwan ü

 
----

ang sarap.

ang sarap ng buhay pag nasa computer laboratory ka, walang instructor maghapon, at may free fast internet. :]

persday high.. turned low.

hello! :]

kilala nyo pa ba ako? pamilyar pa ba ang blogsite na 'to?

hehe. ako eh muling nagbalik dahil syempre, pasukan na.. dadami na naman ang aking mga ipopost. (hopefully.)

*katahimikan*

at eto na, ang muling pagbubukas ng aking kapihan


------

anong balita? first day ng klase ngayon at syempre, merong mga inaasahan.

Million-Dollar Question

Q: What to expect on your first day of class?

a.) traffic
b.) pila sa turnstile
c.) daldalan
d.) bagong gupit
e.) chicks >:)
f.) all of the above



*tententenen*

at ang sagot, letter F

yup, me maikling pila sa turnstile.. di naman naging sanhi para maging late ako..

meron din traffic pero di naman naging dahilan para maging late..

yup, bagong gupit ako para pogi.. (may masabi lang ako tungkol dito..)

chicks.. wala akong masyadong nakita pero pwede na rin siguro.

at syempre, di mawawala ang daldalan na automatic na sa lahat ng iskwela :]]


pero syempre, andito ung mga di mo inaasahan..

una, ang terror profs.. as in terror..

at pangalawa, ang pagiging hapontukin

ewan ko din kung bakit parang tamad na tamad ako kanina.. siguro dahil first day at dahil wala pang thrill..

second day bukas.. sana di na ako maging hapontukin at sana, makakita na ko ng chicks. :]]

dito na lang muna at bukas na ulit ako magkkwento. :]

sakit sa ulo.

oo tama ang nabasa nyo. sakit sa ulo.

pero di naman sa literal na masakit ang ulo ko. siguro, ito ang isa sa mga dahilan kung bakit naging inactive ang inyong lingkod.

nagkasakit kasi ako dalawang linggo na ang nakaraan and andito pa rin sya. ayaw pa rin akong tantanan.

ano ito? ito ang sakit sa ulo na kung tawagin ay tigdas (measles.)


talaga nga naman na napaka swerte ko at ako pa ang napiling dapuan ng pesteng virus. (ayon sa pagkakaalam ko, viral ang sakit na to.)

nakakainis. hanggang ngayon, meron pa rin akong crater-like spots.

nakakainis. ang tagal nyang mawala. sabi ng isang kakilala ay tatagal to ng isang buwan bago tuluyang gumaling. (mawala ung spots.)

kaya eto, naka dalawang linggo na ko. last 2 weeks to go bago ako bumalik sa aking ka-pogian natural na anyo.

kaya ngayon, wala akong magagawa kundi intayin mawala to. imagine-in nyo na lang, mukha akong sponge. (spongebob?)

oh sya, eto na lang muna ang aking mashe-share. di pa rin kasi ako makarecover sa sakuna na nangyari sakin. XD



--------

sumasainyo,

- Gello's alien version.

panata.

tama. tama ang nabasa nyo. panata.

at tamang may bago na naman akong post after quite some time. XD

eto na talaga. babalik na talaga ako dahil release ng grades kanina at syempre, may tres man..

tama lang na walang coke sakto (5) XD

kaya eto na, babalik na uli ako dahil wala akong bagsak na marka.

pero syempre, bukas na ko maguumpisa at marami akong ikkwento. XD

pati ang pagkailig ko sa aking bagong emoticon na ginagamit, ang eksdee. (XD)

sige, bukas na lang. pramis, di ko kayo iinjanin XD

kanina lang..

`para sa aking bahagyang pagbabalik..

Kanina lang, magkasama ang isang babae at isang lalake sa isang mall. Nakasuot ang babae ng civilian at ang lalake naman ay naka uniform pa ng kanyang pinapasukang eskwelahan. Kung itatanong nyo kung date ito, hindi ko rin alam.

Masayang nagkukulitan, nagaaway, at nagbibiruan ang dalawa sabay naupo sa bench ng mall. Dun sila patuloy na nagkulitan hanggang sa magkabiruan at masambit ng babae:

"Bakit, BOYFRIEND ba kita?"

------

wasak si lalake. pinalabas na lang na nakikipagbiruan siya sa babae kahit alam nyang medyo masakit ang sinabi ng babae sa kanya bilang isang manliligaw pa lamang. At ang sunod pang mga nangyare, hindi ko na maalala.



------

Aray! -- ito ang nais sambitin ng lalake ngunit sa kakulangan ng lakas ng loob ay kinimkim na lamang niya at ninais na ipalathala.

--

haggang sa muli. paalam na muna sa ngayon.

Puso.

Working 24/7..

Rate of 60-80 bpm..

Beating 2.5 billion times within a 60-year lifespan..

Marahil alam nyo na kung ano ang tinutukoy ko dito.

Oo, tama ka.. Puso ang sagot.

Wala lang, gusto ko lang magpost ngayon kahit wala akong maisip sabihin dahil wala akong magawa.

Napatingin ako sa aking kalendaryo at napansin kong ika-13 ngayon ng buwan ng Pebrero.. Ibig sabihin, ika-14 bukas. (obviously.. slow ko talaga.)

Pero hindi un ang balak kong sabihin sa post na to. At hindi ko rin balak maging mala-medikal at mag discuss ng mga bagay tungkol sa puso.

Marahil di karamihan sa atin ang nakakaalam kung para san talaga ang ika-14 ng Pebrero.

Ang tanging alam nila: Roses, Dates,Chocolates,SOGO

Pero ilan lang sa atin ang nakakaalam na ang ika-14 ng Pebrero ay araw ng mga Puso.

kaya para sa mga puso na:

* in-lab
* sugatan
* hirap ng masaktan
* manhid
* [marami pang iba. di ko na iisa-isahin. baka di tayo matapos.]

Isa lang ang gusto kong sabihin senyo, kung ano un, eto:

" Puso, salamat ha? kalimutan mo muna ang lahat ng problema.. maging masaya ka.. Araw mo to! "

---------


HAPPY VALENTINES PO! ^^

SIMPLE.

gaya ng sabi ng title, simple lang ang post na 'to.

naisip ko lang ang bagay na to kasabay ng pagpapakita ng larawang ito.

oh sya, wala ng paligoy-ligoy pa.. let the picture do the talking:



---------

kyut no? hehe.

labb-labb tayong lahat ♥

magandang gabi.
 

Ang huling araw..

Oo, tama ang nabasa mo.

Eto na nag huling araw ko. Huling araw bilang isang "teen-ager."

Hindi naman ako naniniwala dito dahil alam ko na pagkatapos ng 19 (Nineteen) e meron pang kasunod na "Twenteen." Syempre, biro lang. ü

Anyway, na-enjoy ko naman kahit papano ang aking pagiging teen. Kahit medyo bitin, ok lang.

Hmm. Siguro sa pagakyat ko sa panibagong yugto ng buhay ko, maraming bagay ang magiging iba.

Handa na ba ko sa mga ito? Hindi ko rin alam. Pero syempre, I'm looking forward sa mga bagay na 'to. (hanap-thrill kumbaga.)

Pero take note: magbago man ang edad at pisikal na itsura ng isang tao, mananatili pa rin sa kanya ang mga bagay na nakasanayan na. (Buti na lang, kasama dito ang pagb-blog.)

Ayun lang. wala na rin akong maisip e. Siguro sa ilan pang mga araw, may mga bagong posts na dito.

------------

At batay na rin sa isang komento sa aking huling post na galing sa ating kaibigang si SuperJaid, nami-miss na daw kuno ang aking mga banat at cheesy lines. Kaya SJ, binabalik ko na ang pagiging korni ko.. Eto ang ilan sa mga cheesy lines:

------

si Boy at si Girl sa isang Internet Cafe.
habang nagfe-Facebook si Girl:

Boy: ui alam mo, sana post na lang ako sa Facebook.

Girl: ha? bakit mo naman nasabi yan?

Boy: para pwede mo kong i-Like. ü

--------

Date si Boy at Girl
nag meet sila sa isang restaurant when suddenly, may napansin si Boy:

Boy: Ano ba yan suot mong damit, sobrang iksi.

Girl: Ok, sorry.

Boy: Gusto ko bukas , mahabang mahaba ung susuot mo ha?

Girl: Madre ba ko ha?

Boy: Tapos magsuot ka din ng belo bukas ok?

Girl: 'Di ka na nakakatuwa ha!

Boy: Tapos susuotan kita ng singsing. "Will you marry me?"

-------

Alam mo, hindi lahat ng ginagawa mo natutuwa ako..




minsan kasi, Kinikilig din ako. ü

------

yan na lang muna. baka maubusan ako e. ü

pano ba yan, bukas na lang ulit.
 
 

So far, yet so close..



parang dapat e "so close yet so far diba?"

pero ewan ko ba, at naisip kong mag bukas ng internet sa kalagitnaan ng klase para buksan ang aking blog na matagal ng nilalangaw.

kamusta ang lahat? pasensya na kung hindi ako laging nakakadalaw sa inyong mga pahina sapagkat ako ay nagaaral nagpipilit magaral. hehe

nga pala, sa mga nagtatanong kung bakit ganun ang title ko sa post na ito, nais ko sanang sabihin na malapit na kong tumanda.. oo, tumanda. tama ka.. at lalaitin mo ako, alam ko. hehe (biro lang.) naiisip ko tuloy na parang totoo na ang tawag ng karamihan sa akin.. "Kuya.."

sa darating na linggo, (Feb. 7.) ay magaganap na ang araw na gusto at ayaw ko. gusto dahil syempre, birthday ko. isang special na araw para sa akin na minsan lang sa isang taon dumarating. at ayaw ko dahil tatanda na naman ako..

hindi ko naman inaasahan ang mga regalo at mga surprise sa aking birthday, maalala lang ako, ok na sakin un. :) (cheesy?)


hmm. eto na lang muna, baka mahuli na ko ng teacher ko e. hehe

salamat sa mga makakabasa nito at patuloy pa rin kayong nabisita sa aking pahina. :)



 
 
*P.S. kras, halu :)