.

 

Tao po?

tao po?

masyado nang naluma at nalaos ang kapihan nating ito, kitang kita sa mga agiw at sapot na nasa kisame. kaya, kung inyong mamarapatin, di ko man nais, ay kailangan na nating lisanin ang kapihan na ito.

di man sabihin ay mukha talagang napabayaan na ang kapihan nating ito.
kung kaya't naisipan nating ipagpatuloy ang nasimulan..
kaso nga lang, kelangan ng ibang pangalan.

mga kabayan at kaibigan, tayo po ay lilipat ng destinasyon, at magiiba ng pangalan.. ngunit wag kayong magalala, kayo pa rin ang bida at ako pa rin ang taga sulat ng letra.

dahil ngayong oras na ito, ay opisyal ko pong ipinapahayag na ako ay muling magbabalik sa sirkulasyon. *palakpakan*

kaya kung may mga nakakatanda pa at nakamiss sakin, salamat at hindi ninyo ako iniwan. *kahit iniwan ko kayo ng pansamantala*

ang mga detalye para sa paglilipat na magaganap ay ipopost ko bukas.. para na rin sa mga gustong tumulong sa paghahakot.


ito na marahil ang huling ilang araw ng Barakong Cup Eh! kaya ano pang hinihintay nyo, "higop na habang mainit pa!" sabay sabing "Ala Eh! Pagkakasarap nare!"

Happy 42nd Anniversary, Tau Gamma Phi



To All Tau Gamma Phi Brods and Tau Gamma Sigma Sis out there, Happy 42nd Anniversary!

1968 - 2010 (present)


"Long Live Tau Gamma Phi / Sigma!"

Helloooooooo!

hello!

magandang araw! ü

kamusta na ang lahat? namiss ko ang pagbblog! sa sobrang dami kasing kelangang gawin at tapusin, nawalan na ko ng oras sa paglalathala ng ilan sa aking mga ideya.

pero ngayon, kahit hectic ang schedule at malapit na ang final exams, paarng gusto ko ulit bumalik sa pagbblog kahit pansamantala lamang. namiss ko kasi kayo. hihi :)

oh pano, eto muna at naninibago pa ko.. parang bumagal ang pagiisip ko ng mga bagay na maari kong ipost eh. siguro, bukas na lang ulit.

salamat sa mga nagbantay at patuloy na nagbasa sa blog na ito, salamat at hindi nyo to iniwan ü

 
----

ang sarap.

ang sarap ng buhay pag nasa computer laboratory ka, walang instructor maghapon, at may free fast internet. :]

persday high.. turned low.

hello! :]

kilala nyo pa ba ako? pamilyar pa ba ang blogsite na 'to?

hehe. ako eh muling nagbalik dahil syempre, pasukan na.. dadami na naman ang aking mga ipopost. (hopefully.)

*katahimikan*

at eto na, ang muling pagbubukas ng aking kapihan


------

anong balita? first day ng klase ngayon at syempre, merong mga inaasahan.

Million-Dollar Question

Q: What to expect on your first day of class?

a.) traffic
b.) pila sa turnstile
c.) daldalan
d.) bagong gupit
e.) chicks >:)
f.) all of the above



*tententenen*

at ang sagot, letter F

yup, me maikling pila sa turnstile.. di naman naging sanhi para maging late ako..

meron din traffic pero di naman naging dahilan para maging late..

yup, bagong gupit ako para pogi.. (may masabi lang ako tungkol dito..)

chicks.. wala akong masyadong nakita pero pwede na rin siguro.

at syempre, di mawawala ang daldalan na automatic na sa lahat ng iskwela :]]


pero syempre, andito ung mga di mo inaasahan..

una, ang terror profs.. as in terror..

at pangalawa, ang pagiging hapontukin

ewan ko din kung bakit parang tamad na tamad ako kanina.. siguro dahil first day at dahil wala pang thrill..

second day bukas.. sana di na ako maging hapontukin at sana, makakita na ko ng chicks. :]]

dito na lang muna at bukas na ulit ako magkkwento. :]

sakit sa ulo.

oo tama ang nabasa nyo. sakit sa ulo.

pero di naman sa literal na masakit ang ulo ko. siguro, ito ang isa sa mga dahilan kung bakit naging inactive ang inyong lingkod.

nagkasakit kasi ako dalawang linggo na ang nakaraan and andito pa rin sya. ayaw pa rin akong tantanan.

ano ito? ito ang sakit sa ulo na kung tawagin ay tigdas (measles.)


talaga nga naman na napaka swerte ko at ako pa ang napiling dapuan ng pesteng virus. (ayon sa pagkakaalam ko, viral ang sakit na to.)

nakakainis. hanggang ngayon, meron pa rin akong crater-like spots.

nakakainis. ang tagal nyang mawala. sabi ng isang kakilala ay tatagal to ng isang buwan bago tuluyang gumaling. (mawala ung spots.)

kaya eto, naka dalawang linggo na ko. last 2 weeks to go bago ako bumalik sa aking ka-pogian natural na anyo.

kaya ngayon, wala akong magagawa kundi intayin mawala to. imagine-in nyo na lang, mukha akong sponge. (spongebob?)

oh sya, eto na lang muna ang aking mashe-share. di pa rin kasi ako makarecover sa sakuna na nangyari sakin. XD



--------

sumasainyo,

- Gello's alien version.